Epilogue

217 19 1
                                    

Epilogue 

Nilapitan ko si Perry saka ko ito binuhat. Kahit na noong una ay may duda ako sa kaniya, alam ko na nandiyan siya para alagaan ako at gabayan. Ibinigay siya sa akin ni Lord, dahil alam niya na darating ang gabing ito. 

Hinimas-himas ko siya tapos dinilaan niya ang daliri ko. Tapos tumingin ako sa malayo at pumasok sa isip ko ang lahat ng mga sinabi ni Thelma sa akin. 

Bibigyan ko ng hustisya ang lahat ng mga taong nasaktan niya. Lalong-lalo na si Xander. 

Binitawan ko si Perry at saglit kong inilagay sa ibabaw ng kama ko at pumunta ako sa cabinet ko at nagkalkal ako roon. Pagkalipas ng ilang minutong paghahanap ay nakita ko rin. 

Kinasa ko ito at saka ko inisip kung paano ko siya tatapusin. 

Kailangan ko nito. Kailangan ko nito para proteksyon kung sakaling may gawin siyang masama sa akin. Hindi pa man ako nakakagamit nito pero alam ko na sa tamang tao ko ito ipuputok.

Pumunta ako ng banyo at kinuha ko ang gunting. Ginupit ko ang mahaba kong buhok hanggang sa leeg ko. Saka ako muling tumingin sa salamin. Mukhang bagay naman kasi nagmukhang malaki ang mukha ko. Naligo at saka na ako nagpalit ng susuotin ko. Isang white dress at tinernohan ko ito ng silver na may heart pendant necklace at isang maliit na wrist watch at rubber shoes. Itinali ko ang buhok ko. At lumabas na ako. 

Bago ako humarap sa pintuan ng unit niya ay huminga ako ng malalim. Saka ko pinindot ang doorbell niya at tumunog ito. Maya-maya ay binuksan na niya ang pintuan. 

Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ako. 

"Ang b-buhok…" tulalang sabi niya. 

"Bagay ba?" saka ko siya kinindatan. 

"Uhm, oo naman. Tara, pasok!" yaya pa niya saka na ako pumasok sa loob. Pagkatapos ay umupo ako sa may couch. 

At nagbilang ako sa isip ko. 

1

2

3

4

5

Bingo! 

Tumunog ang phone ni Klyde, pero tinignan niya lang ito. Saka niya binaba ang tawag. Inaasahan ko na iyon. 

"Uhm, gutom ka na ba?" tila excited na tanong niya sa akin, tapos muling tumunog ang phone niya. 

"You know what, it's okay. Sagutin mo muna, baka importante iyan." muli niyang tinitigan ang cellphone niya at saka siya tumalikod pero parang hindi ata malinaw ang pag-uusap nila. Hindi sila magkaintindihan. 

Salamat at mayroon akong kapatid na magaling sa computer program. May silbi rin pala ang pagbababad niya palagi sa harap ng cellphone at laptop.

Binigyan niya ako ng gadget na mag-iinterrupt ng mga usapan within the parameter. So, kailangang lumabas ni Klyde para magkaintindihan silang dalawa. 

"Parang walang signal dito, hindi ko siya maintindihan." tila naiinis na sabi ni Klyde. 

"Uhm, try mo sa labas, baka may signal doon. Sa rooftop, I'm sure malakas ang signal doon." sabi ko pa tapos tinitignan niya ako ng minutong iyon. 

"You know what, tama ka!" he was about to leave that minute kaso muli siyang humarap sa akin. 

"E, paano ka?" nag-aalalang tanong niya sa akin. 

"Sus, okay lang ako. I'll wait you here, hmmm pwede naman na siguro akong maunang kumain, hindi ba?" 

"Sure, why not. It's all yours." tapos muling nagring ang phone niya. 

The Killer Cat (Completed) Where stories live. Discover now