Chapter 5

142 13 0
                                    

Chapter 5

Kinaumagahan. 

Maaga akong nagising upang mag-ayos ng aking sarili. Babalik na kasi ako sa trabaho. Ayaw ko naman na maburyo lang dito sa loob ng unit ko ng walang ginagawa at isa pa, mas nalulungkot lang ako lalo kapag ganoon, unlike kapag nasa store ako at nag-aassist ng mga customers at gumagawa ng mga reports. 

Pagkatapos kong linisan ang kwarto ko ay dumiretso ako sa banyo, nakaramdam kasi ako ng sakit ng tiyan pero pagbukas ko ng pintuan ng banyo ay laking gulat ko na nandoon si Perry at nakaupo sa may toilet bowl at dumudumi. Nagtaka ako, paano na ang isang tulad niya ay nagagawa ang bagay na ito? Siguro ang dating may ari sa kaniya ay natrained siya ng maayos. Kasi noon kay Perry isa ito sa pinag-aawayan namin minsan ni James ang pagdudumi ni Perry sa kungsaan. 

Pinabayaan ko nalang muna siya na matapos at bahagya kong sinarado ang pintuan ng banyo habang nag-aantay sa may labas, hanggang sa nakarinig ako ng flush. Napakunot ang noo ko at tinignan ko siya sa loob ng banyo, nanlaki ang mga mata ko ng hawakan niya ang flush. Jusko, pati pagflush, marunong siya? Tapos tumalon na siya at kunuskos nito ang balahibo niya sa paanan ko na siyang nagbigay ng kilabot sa akin ng minutong iyon saka siya muling pumasok sa loob ng kulungan niya. 

Napailing nalang ako habang inaalala ko ang mga napagusapan namin ni Klyde kagabi. Hindi naman siguro? 

Pagkatapos kong gawin lahat ng gawain ko. Nakaligo na ako, nakakain, napakain ko na rin si Perry at pinalitan ko na rin ang tubig niya. Nakapaglinis pa nga ako at nakapaghugas, handa na ako muling pumasok sa trabaho. 

Nagpaalam ako kay Perry at panay ang paglalambing niya sa akin ng minutong iyon. Ang sweet niya talagang pusa. 

Tapos lumabas na ako. Paglabas ko ay nagtaka ako nang makita ko si Klyde na nakatayo sa harapan na naman ng pintuan ng unit niya at nagkatitigan kaming dalawa. Isa lang ang napansin ko sa kaniya ng minutong iyon, tila para ba siyang tuliro. 

Tapos bigla siyang lumapit at hinila ako papunta doon sa dulong bahagi ng hallway may malaking bintana doon at sumilip siya, kaya sumilip na rin ako at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang pamilyar na tao na nakasalampak sa ibaba ng aming Condo Unit.

Siya iyong maldita na taga-admin na nakausap ko kahapon. Bulwak ang dugo at basag ang ulo nito, dislocated din ang katawan dahil sa taas ng pagkakabagsak niya. 

According sa nakasagap na balita ni Klyde kanina ay 30 minutes ago palang raw siya nahulog mula sa 30th floor. 

"At alam mo ba kung sino ang pumatay sa kaniya?" kumunot ang noo ko sa sinasabi ni Klyde. Sa tono kasi ng kaniyang boses tila para bang Siguradong-sigurado na siya sa kaniyang sasabihin. 

"Isang pusa." napailing nalang ako at saka bumuntong hininga ng malalim, saka ko siya tinalikuran.

"Klyde, ayan ka na naman." sabi ko habang naglalakad na palayo sa kaniya pero hinawakan niya ako sa braso at pilit na pinapaharap, sa lakas niya wala akong nagawa kundi ang humarap. 

"Pakinggan mo muna kasi ako." sabi pa niya na halatang frustrated na. 

"Hindi ka na naman ba nakatulog?" sabi ko na kinatahimik niya. Alam ko at ramdam ko na mayroon siyang sakit na Insomia. Alam ko na nakuha niya itong sakit na ito mula pa noong pagkabata siya. 

Siya na rin kasi mismo nagsabi na nakakaranas siya ng insomia, lalo na noong nakatira pa siya sa mga kamag-anak niya. At lalo na ngayon, bilang isang Freelance Art Designer, madalas na kalaban mo dito ay oras at pressure.

"Kanina hindi ako nakatulog, pero it does not mean na hindi totoo ang mga sinasabi ko. Paano niya nakuha ang mga kalmot sa mukha niya?" 

"Paano kung matalas ang kuko ng attacker niya hindi natin alam Klyde. You know what, I'll talk to you later, malelate na ako sa trabaho ko, okay?" saka na ako tumalikod habang siya na iwan parin sa kinatatayuan niya. 

Muli akong humarap at tinawag siya. 

"Klyde, dinner later?" napatingin siya sa akin at tila lumiwanag na ang mukha niyang kanina ay parang ang dilim dilim at ang bigat bigat. 

Habang nasa trabaho ay mayroong isang customer ang nagwawala at nagmamaldita sa akin, dahil lang sa nakalimutan siyang bigyan ng tissue ng aming counter. Nagtawag ng manager kaya ako na ang humarap. Sabi nga ng isa kong kasamang manager ay siya nalang raw, sagot ko naman kaya ko na ito, sisiw lang ito sa akin. 

Magalang ko siyang binati pero laking gulat ko ng tinapunan niya ako ng gravy sa aking harapan dahilan para madumihan at mabasa ang uniform ko ng oras na iyon. Tapos bigla nalang siyang umalis. 

Napailing nalang ako at napasabi na siguro may pinagdadaanan si Ate kaya siya ganoon. Pinatawad ko na siya kaagad, pero ang sabi ng manager namin ay ibabanned raw nila ang babaeng iyon dito sa restaurant. 

Mabuti nalang at palagi akong may dalang spare na damit sa aking bag. Pagkatapos kong magpalit ay nag-out na rin ako. 

Sa baba ng Condo Unit ay nakatayo si Klyde, mukhang excited si loko sa Dinner namin. Nakangiti siya ng makasalubong ko. 

"Oh, bakit hindi ka nakauniform?" pagtatakang tanong niya. 

"Mahabang kwento. Sa itaas ko nalang ikukwento, tara na?" yaya ko pa sa kaniya tapos sabay na kaming umakyat sa unit namin. Sa loob ng unit niya kami kakain ng Dinner. Akala ko nga sa labas, kaso tinatamad raw siya pero pagdating ko doon aakalain mong mat fiesta sa dami ng mga pagkain sa harapan namin. 

"Don't tell me ito ang ginawa mo buong araw?" namangha ako sa dami at sasarap ng mga nakahain sa hapagkainan niya ng oras na iyon. Iba't ibang mga putahe at may wine pa. 

Napatingin ako sa kaniya at tila nahihiya siya ng minutong iyon sa aking nasabi. Siguro nga, ito ang pinagkabusihan niya buong araw. Mabuti nalang pala at di ako nagover time at nagawa ko ng mabilis ang mga trabaho ko. 

"Kain na tayo! Alam mo bang hindi ako naglunch kanina, kasi nabadtrip ako sa…" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang itsura ng isang ginang na nasagasan sa kalsada malapit sa pinagtatrabahuan kong restaurant. 

"Siya! Siya iyon!" 

The Killer Cat (Completed) Where stories live. Discover now