Chapter one

46 2 0
                                    

Celebration

"Desiree Velasco Highest honor, Leadership awardee, Young mathematician awardee, Journalism achievement awardee, Young scientist awardee." tawag sa pangalan ko, agad akong umakyat at kinuha ang aking mga medalya at nakipag kamay. Pag katapos kong makuha ang mga parangal ay bumalik ako sa aking upuan.

Matapos ang mga seremonya ay agad akong tumayo ang hinanap si mama

"Congratulations anak" at may biglang yumakap sakin

"Thank you ma"sagot ko

"Tara na nag aantay na ang lola at mga pinsan mo sa Cavite" yaya nya sakin

Sumunod nalang ako sakanya dahil sabi nya don daw kami mag cecelebrate, hindi naman kailangan pero mapilit sila nila lola.

Sumakay kami sa kotse at agad na bumyahe pa cavite. Parehas kaming tahimik ni mama buong byahe. Matapos ang ilang oras ay nakarating din kami sa bahay ni lola, agad akong bumaba dala ang bag ko na may lamang mga damit dahil dito daw kami mag iistay buong bakasyon.

"Lola" sabay yakap sa kanya nang salubungin nya ako sa pinto

"Naku apo congrats napaka talino talaga ng apo ko"papuri nya sa akin

"Sus nambola pa si lola" pabirong sagot ko

"Ay ewan ko sayo, halika na at nag aabang na ang mga pinsan at tito't tita mo sa loob. Maria halikana" tawag nya rin kay mama

"Eto na ma" sagot ni mama

"Congratulations!" biglang sigaw ng mga kamag anak ko pag pasok namin sa bahay ni lola

"Ay salamat po" sagot ko habang abot tainga ang ngiti

"Oh halikana kain na alam kong gutom kayo Maria, Desiree kain" yaya ni lola

Nagpahila nalang ako kay lola papunta sa hapag

"Ilang award ang nakuha mo Desiree?" tanong sakin ni tito Mario kapatid ni mama

"Anim po"

"Ano ano yun?" tanong naman ni tita Rose kapatid din ni mama

"Highest honor, Leadership awardee, Young mathematician awardee, Journalism achievement awardee, Young scientist awardee po"

"Ang dami naman pala buti at hindi ka mukhang stress na stress. Nakakapag pahinga kaba Des? Baka pinepressure ka nitong mama mo sabihin mo lang sakin" sabi ni Tito Marius panganay nila mama

"Grabe ka naman sakin Kuya hindi noh" tanggi ni mama

"Ay hindi naman po. Naging active lang po talaga ako sa mga bagay na kinahihiligan ko."

Wala nang nakasagot dahil may biglang kumatok.

"Baka sila Annaliene na yan naku inimbitahan ko sila dahil malapit din naman sila sainyo mga anak" si lola at biglang tumayo

Pinagbuksan ni lola ang bisita ng pinto at pumasok ang dalawang babae  at isang lalaki. Ang isang babae ay mahaba ang buhok at medyo may katangkaran halatang ito ang ina ng isa pang babae na hanggang tainga nya ang tangkad at maikli ang buhok. Ang lalaki naman na kasama nila ay kasing tangad ng mama nila.

"Halika tuloy kayo tuloy. Mga apo ito si Annaliene kababata ng mga magulang nyo. Annaliene ang mga apo ko, Malia at Maila mga anak ni Marius at eto ang asawa ni Marius si Andrea, Cristine anak ni Mario at asawa niya si Reina, Antonette anak ni Rose at Ali. At eto si Desiree anak ni Maria ang dahilan ng selebrasyon" kada pakilala ni lola at ngumingiti at yumuyuko kami

"Magandang araw sainyo, sinama ko po yung mga anak ko tita sila Yumi panganay ko at si Josh po bunso ko. Wala po si Joshua eh nasa ibang bansa pa po alam nyo na ofw po." pakilala ni tita Annaliene

"Ayos lang yan anak halikana at umupo kayo sabayan nyo kaming kumain" yaya ni lola

Naglakad sila tita Annaliene palapit sa amin at umupo na rin.

Napuno ng kwentuhan ang hapag dahil matagal na palang magkakilala ang dalawang pamilya.

"Congratulations pala Desiree tama ba?" biglang baling sakin ni tita Annaliene

"Ah opo salamat po" sabay ngiti ko

"Hakot award ka daw sabi ng lola mo ano anong award ba ang nakuha mo at anong grade kana ba, ilang taon kana" sunod sunod na tanong niya

"Highest honor, Leadership awardee, Young mathematician awardee, Journalism achievement awardee, Young scientist awardee. Grade 11 po sa pasukan, 16 years old po" mahabang sagot ko

"Naku napakaraming award naman pala" papuri ni tita

"Ang anak mo ba Annaliene ilang taon na" tanong ni mama

"Ah si Yuna 25 na nag tatrabaho na, si Josh naman ay kaedad ni Desiree na 16 kakagraduate lang din ng G10. May award din yan" sagot ni tita

"Talaga ano?" tanong ni lola

"Highest honor din at athlete of the year dahil sa banda nya" sagot ni tita

"Masipag naman pala ang anak mo"papuri ni lola

"Mana po sakin" nakangiting sagot ni tita

Napuno muli ng tawanan ang hapag at nasundan ng maraming kwento

The One That Got AwayWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu