Chapter seven

22 1 0
                                    

Closeness

Mabilis na lumipas ang araw at napapadalas ang pag tambay ko kila Josh. Sa sobrang bilis ng pag lipas ng mga araw hindi ko na napansin na napalapit na ako kay Josh. Naging komportable na rin akong kasama ang mga ka grupo ni Josh dahil bukod sa sa lagi silang nakila Josh ay magaan silang kasama.

"Ano iniisip mo?" tanong ni Josh, ngayon ay nasa rooftop kami pinapanood ang sunset

"Thank you ha" sagot ko

"Para saan"

"Kasi kahit tinatarayan kita niyayaya mo pa rin akong maglaro tsaka tinuturuan mo pa rin akong maglaro sinasamahan mo pa akong tumambay dito"

"Syempre kaibigan mo ko" sagot niya

"Edi salamat kasi kaibigan kita" sabi ko

"Ang selfless mong tao deserve mo ng maraming kaibigan" sabi niya

Natahimik ako ng sambitin niya yon, wala akong masagot dahil ngayon lang ako napuri ng ganon

"Tara na uwi kana ano oras na rin" yaya niya rin kalaunan

Tumayo kami at bumaba. Hinatid niya ako hanggang harap ng bahay namin. Lagi niya tong ginagawa kahit magkatapat lang kami ng bahay

"Salamat ah" sabi ko

"Hinatid ka lang eh maliit na bagay" pabirong sagot niya

"Hindi, salamat kasi kaibigan kita" seryoso kong sagot

Natahimik siya at ngumiti lang sa akin. Pumasok na ako at dumiretso sa kwarto.

Nahuli kong nakangiti ang sarili sa kwarto. Dahil kay Josh, dahil sa ideyang mayroon akong Josh sa buhay ko. Pero pilit rin pumasok sa isipan kong hindi na nalang bilang kaibigan ang turing ko sa kanya at siya rin pero imposible.

"Ma pasok na po ako" paalam ko kay mama

"Sige anak ingat" sabi ni mama sabay yakap

Nakita kong nasa labas na ng bahay nila si Josh dahil sabay nga kaming papasok

"Tara" yaya ko, lumapit siya at naglakad na kami ng sabay

Mabilis kaming nakarating sa school at agad na dumiretso sa classroom. Naabutan namin si Sejun at marami na ring estudyante. Sa tabi ni Sejun ay dalawang upuan na walang nakaupo. Lumapit kami sa kanya at umupo, tumabi ako kay Sejun at si Josh naman ay nasa kanan ko.

Kaming tatlo lang ang mag kakaklase dahil kaming tatlo lang ang parehas ng strand which is HUMMS, sila Ken at Stell naman ay ABM at si Jah ay Arts and Design.

Hindi nagtagal ay pumasok na ang teacher namin. Mabilis din na natapos ang klase dahil first day palang

"Tara Des, Josh sa studio" yaya ni Sejun

"Andun na daw sila Ken" sabi ni Josh

Tumango lang ako at hindi na nagtanong dahil nakwento na sakin ni Josh na may studio sila sa school dahil kada event nga ay grupo nila ang nag peperform at minsan ay nilalaban din sila sa ibang school

Nakwento rin niya na tinatawag ang grupo nila na 'nameless' dahil hindi na sila nag abalang bigyan ng pangalan ang grupo dahil alam nilang lahat na pagkatapos nilang mag aral ay mabubuwag ang grupo pero mananatili silang mag kakaibigan.

"Ano meron? First day meeting agad?" tanong ni Jah nang makapasok kami

"Oo may event agad eh" sabi ni Sejun

Tumabi kami kila Jah na nakaupo sa sahig at nakapabilog

"Mag peperform daw tayo tatlong performance daw sana" paliwanag ni Sejun

"Tatlo agad?" si Stell

"Oo opening daw ay tayo tapos sa kalagitnaan ay tayo at sa closing tayo din" si Sejun

Since maaga pa ay nag meeting pa sila patungkol sa event dahil isang linggo nalang ito mula ngayon. Pa minsan minsan ay nagbibigay ako ng opinyon dahil may alam din ako sa pag sayaw at pag kanta.

"Try natin mag practice kaya pa ba?" tanong ni Sejun

"Ok lang sayo? Baka gusto mo na umuwi" baling sakin ni Josh

"Ok lang mag practice muna kayo ijujudge ko kayo" sabi ko

"Weh judger" pangangasar ni Jah

"Weh papansin" balik ko sakanya

"Weh basag HAHAHAHAHA" pangangasar ni Stell

Nagsimula na nga silang mag practice. Hindi na sila nahirapan dahil mayroong audio set sa studio at ang napagkasunduan nilang sayawin ay mga pamilyar na sa kanila.

Nasa tabi ako ng audio habang sila ay nakaharap sa isang malaking salamin para makita ang galaw ng bawat isa. Nakamasid lang ako sa kanila at iniipon ang mga suggestions na pwede kong sabihin

"Ano ok?" tanong ni Stell, tumango naman ako

"Pero pwede mag suggest?" tanong ko

"Oo naman" si Sejun

Binigay ko nga ang suggestion ko

"Try natin" si Ken at pumwesto na ulit sila

Una ay pinraktis muna nila ng countings, sumunod ay may tugtog

"Mas ok nga" pag sang ayon ni Ken

"Naks pasado kay main dancer" nakangiting sambit ni Stell

"Loko" si Ken

Ngumiti naman sakin si Josh at kumuha ng tubig

Nagtuloy tuloy ang practice nilang hanggang ma perfect nila yung pang opening nila

"Tara ba mag gagabi na" yaya ni Josh

Pinag kukuha naman nila ang gamit nila at sunod sunod na kaming lumabas

Dahil nga sa event na gaganapin sa susunod na linggo ay lagi kaming nasa studio. Naging dahilan din ito ng mas pagiging close ko sakanila lalo na kay Josh. At hindi parin nawawaglit sa isipan ko ang ideyang may iba na akong nararamdaman kay Josh at ganon din siya sa akin

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now