Chapter eight

21 2 0
                                    

Prove

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung una nilang event ngayong school year at matapos nun ay marami pa silang naging performance sa loob at labas ng school. Sa mga napanood kong performance nila kahit ako ay namangha sa kanila dahil hindi lang sila magaling sumayaw, magaling din silang kumanta at dagdag mo pa ang mga gwapo nilang mukha ang lakas nila manghatak ng audience.

Noong nag daang mga buwan ay mas naging malapit ako sakanilang lima. Sa sobrang lapit ay imbis na ipunin ko ang pera ko noong birthday ko ay nilibre ko sila. Hindi masama ka loob ko doon dahil ngayong taon iba ang birthday celebration ko mayroon akong mga kasama at sobrang memorable.

Ngayon ay nasa studio nanaman kami dahil may practice sila. Last week ay inannounce nga na magkakaroon kami ng JS Prom isang buwan nalang. Ngayon pa lang ay nag papractice na sila dahil more on vocals ang performance nila dahil nga JS yun mas ok na kakanta sila at dahil narin mas busy kami ngayon kaya mas kaonti ang oras na maibibigay nila sa practice.

"Des may partner kana sa JS?" tanong ni Jah nang makalapit siya sa akin para mag pahinga mula sa practice.

"Wala pa" sagot ko

"Sakto wala pa si Josh" sabi niya

"Ikaw din naman wala pa" sabi ni Josh nang makalapit

"Ano gusto mo ako nalang mag aya kay Des?" si Jah

"Subukan mo" si Josh

"Try me" pangangasar pa ni Jah

"Try me mo mukha mo" sabay inom si Josh at umalis na ulit siya

"Uh Des diba wala ka pang partner" biglang sabi ni Ken at umupo sa tabi ko

"Wala pa nga ulit ulit" pabiro kong sagot, nabibiro ko na si Ken ngayon hindi tulad noon dahil nalaman kong buang din pala to

"Alam ko biglaan pero pwede ba kitang yayain maging partner ko sa J-"

"Des" tawag sakin ni Josh kaya hindi natuloy ni Ken ang sasabihin niya

"Ano? Nag uusap kami ni Ken eh" inis kong baling sa kanya

"May sasabihin ako sayo" sabi niya habang palapit ulit samin

"Mamaya nag uusap kami eh"

"Ano yun Ken?" baling ko ulit kay Ken

"Tanong ko lang kung-"

"Des pwede ba kita maging partner sa JS?" putol nanaman ni Josh nang makalapit siya sa amin"

"Huh?" tanong ko kahit narinig ko siya

"Ulit ulit eh narinig naman ako" sabi niya

"Ge lang" sagot ko sabay baling kay Ken ulit

"Anong ge lang" si Josh

"Tinatanong mo ako eh sinagot lang kita. Dun ka nga nag uusap kami ni Ken eh minsan na nga lang to mag salita eh" sabi ko

"Paano pag niligawan kita ge lang din sagot mo" bulong niya habang paalis na hindi ko malinaw na narinig

"Ano?" sigaw ko sakanya

"Wala" sigaw niya pabalik

"Ano tanong mo Ken?" baling ko kay Ken

"Wala napag utusan lang" sabi niya

"Ewan ko sayo buang" sabi ko sabay tayo at kinuha na ang gamit ko dahil narinig ko si Sejun na uwian na daw

Umuwi na nga kami at nang maka akyat ako sa kwarto ay hindi na mawaglit sa isipan ko ang pag yaya sakin ni Josh. Hindi ko alam pero naka ngiti lang ako buong gabi non.

"Des paano kung may manligaw sayo" biglang tanong ni Josh habang nakatambay kami sa rooftop nila

"Ok lang" sagot ko

"Paano kung hindi mo siya gusto" tanong niya ulit

"Edi manligaw siya, para sa akin kasi pag nanligaw ang isang tao pinapatunayan niya sa taong gusto niya yung nararamdaman niya. Tsaka pinapakita niya yung mga bagay na hindi pa nakikita sakanya ng taong gusto niya na maaaring makapag pahulog ng loob sa kanya"  I explained

"Paano kung ligawan kita" biglang sabi niya

Hindi ako agad naka sagot at tinitigan muna siya

"Then prove yourself" I whispered

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now