Chapter thirteen

23 2 0
                                    

Chapter thirteen

Desire/Calling

Nang ipakilala ko si Josh sa mga kamag anak ko ay ngiti ang una nilang naging sagot ko at nagtanong tanong kay Josh. Si papa ang maraming tanong dahil siya lang ang hindi nakakakilala dito. I know that Josh is feeling nervous while being interrogated by my father but he managed to answer rhe questions.

Ngayon ay hinila ko naman si Josh pabalik sa table nila

"Uh guys si Josh" pakilala ko

"Alam namin Des tropa namin yan eh" pambabara ni Ken

"Boyfriend ko" dagdag ko

Nakita kong nagulat sila maliban kay Donny.

"Totoo?" tanong ni Sejun

Tumango ako habang nakangiti

"Sinagot mo yan? Nauto ka nyan?" si Jah

"Hoy tropa ba kita" si Josh naman

Nagtuloy ang asaran nila hanggang sa tinawag na ulit ako sa stage para sa message ko. Umakyat ako sa stage at inikot muna ang mata sa mga tao bago ako nagsalita.

Matapos ng speech ko ay bumaba ako at dumiretso ksy Josh at Donny. Sabay ko silang hinila sa backstage, naguguluhan man si Josh ay sumama parin siya.

"Call him" sabi ko kay Donny

"Sino tatawagan" si Josh

Binaliwala ko siya at nagpaalam na magbibihis lang ako para makadiretso kami sa pupuntahan namin. Nang matapos akong magbihis ay binalikan ko sila Josh kung saan ko sila iniwan at nandun pa sila.

"Tara" yaya ko at lumabas kami at naglakad

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Josh

"Sumama ka nalang" naguguluhan man ay sumama nalang siya. Walking distance lang galing sa venue ang tattoo shoo ng kaibigan ni Donny kaya mabilis din kaming nakarating don. Agad kaming pumasok at hinanap ni Donny ang kaibigan, nag usap muna sila at kami ay naupo sa isang gilid.

"Anong ipapatatto natin?" tanong ko

"Huh?" tanong ni Josh

"Sabi mo pag naging tayo papatatto ka" sabi ko

"Oo nga pero pati ikaw?" tanong niya

"Oo"

"Pwede ba yon habang nagtetraining ka?" nag aalalang tanong niya

"Oo naman" sagot ko

"Ano ipapatattoo natin" tanong ko ulit

Kinuha niya ang right wrist ko at tinuro iyon

"Calling" sabi niya

"Huh? Bakit?" tanong ko

"Cullen Calling. Tapos sa akin Desire Desiree" sabi niya

"Bakit yon?"

"You are my Desire, I am your calling" bulong niya habang naka sandal sa balikat ko.

Tumango ako at hinintay ang kaibigan ni Donny.

Nang dumating ang kaibigan ni Donny na magtattoo sa amin ay lumapit na kami at inexplain ang gustong tattoo. Madali niya itong nakuha at sinimulan na.

Sa akin ay sa right wrist ko may nakasulat na Calling at may konting design na instruments. Kay Josh naman ay Desire sa left wrist niya at may design na connected sa law.

Nang matapos ay nagpasalamat kami at lumabas na.

"Salamat Donny" nakangiti kong sabi

"Wala yun" sabi niya at bumaling kay Josh

"Bantayan mo kapatid ko ah" paalala niya

"Syempre" nakangiting sagot ni Josh

Masaya kaming umuwi non ni Josh samantala si Donny ay dumiretso kung nasaan daw si papa.

Matapos ang birthday ko ay naging patuloy ang pagiging busy namin ni Josh, pero hindi niya nakakalimutan na kamustahin ako at mas madalas niya akong bisitahin sa bahay.

Nagtuloy tuloy ang training ko at hindi pa ako natatanggal, thank god. Sa pag aaral ko naman ay maayos parin. Tinutulungan ako ni Justin since arts and design din sya.

"Congratulations" si Josh

"Salamat, congrats din" nakangiti kong sambit

Ngayong araw ay graduation namin, sa sobrang bilis ng oras ay nakagraduate na kami ng hindi namin napapansin.

Hindi man katulad noon na marami akong award ay namaintain ko na makagraduate with highest honor ganon din si Josh. Sila Sejun din ay grumaduate ng may award.

Kahit summer na ay naging busy pa rin ako. Pero hindi nakakalimutan ni Josh na kamustahin ako ganon din sila Sejun.

Nakikita ko ang effort ni Josh na hindi mawala ang communication kahit busy, sila Ken naman ay tinutulungan akong mapagaan ang training

"Kamusta training" tanong niya isang araw nang bumisita siya sa akin sa bahay

"Ganon parin nakakapagod pero ok lang" sagot ko

Sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya

"Sorry ah masyado akong busy sa training hindi tayo nakakalabas, sa sunday labas tayo" pagod kong sambit

"Magpahinga ka nalang sa sunday Love, naiintindihan ko" sabi niya

"Pero-"

"Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo

Pahintuin mga kamay ng oras sa relo

Dahan-dahan, dahan-dahan lang

Dahan-dahan, dahan-dahan lang"

Biglang kanta niya

"Sobrang saya dahil nandito ka na

Kahit mamaya lang ay aalis ka na rin agad

'Wag ka sanang mainis, panahon natin, mabilis"

Nakangiti akong tumingin sa kanya

"Sandal mo muna sandali, 'di naman nagmamadali, 'di ba?

Dantay ka muna sa 'kin, beh

Sulitin natin ang gabi"

Sumandal ako ulit sa kanya at niyakap siya patagilid

"Iyong mga problema'y itabi

Labi mo sa akin, idampi

Kahit anong lalim, aking sisisirin"

Niyakap niya rin ako habang patuloy na kumakanta

"'Di na mabibitin pa sa aking gagawin

Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo

Ako'y sasayaw sa himig mo, atin ang gabi na 'to"

Naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko at nagpatuloy muli sa pagkanta

"Pahintuin mga kamay ng oras sa relo

Takasan natin ang gulo, lilipad papalayo

Dahan-dahan, dahan-dahan lang

Dahan-dahan, dahan-dahan lang"

Hinalikan niya ulit ako

"I love you" hindi ko siya sinagot sa halip ay mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now