Chapter twelve

19 2 0
                                    

Last Dance

"Happy Birthday anak" sabay yakap sa akin ni mama

Ngayong araw ang birthday ko at naghahanda na kami dahil ilang oras nalang ay mag uumpisa na ang party.

"Salamat po" sagot ko

"Uh ma nacontact mo ba si papa?" habol kong tanong

Ngumiti ito at

"Enjoy your day anak" at umalis na siya naiwan ako sa kwarto, kaya inayos ko na lamang ang sarili nag retouch ako at naghihintay na tawagin ako ni mama

Hindi ko alam kung dadating si papa, sabi ni mama siya ang cocontact pero hindi siya nag update kung dadating ito. Kahit puro masasakit na alaala ang mayroon ako kay papa tuwing birthday ko gusto ko parin na siya ang first dance ko. Kasama rin sa 18 roses ko ang anak ni papa na si Donny, hindi kami close pero noong nasa manila ako ay nagkikita kami paminsan. Hindi katulad ni papa sigurado akong dadating siya dahil ako ang kumontak sa kanya

Nakarating kami sa event at dumiretso ako sa parang backstage dahil mamaya pa daw ako ipapakilala. Ako at mga staff lamang na binayaran ni mama ang nandon.

"Maam magstart na po mag ready na po kayo" sabi ng lumapit sa akin na babae, ngumiti ako at tumango

Narinig ko ngang pinakilala na si mama at nagpasalamat sa mga dumalo at hindi nagtagal ay tinawag na din ako.
Lumakad ako papunta sa stage at inikot ang mata sa mga taong dumalo sa kaarawan ko. Nakita ko sila tito kasama ang mga asawa at anak na nakangiti sa akin. Sila Josh din ay nakangiti sa akin, kasama nila sa table si Donny. Naroon din ang mga kaklase kong itinuring na malapit sa akin. Pero hindi ko nakita si papa.

Nang makaupo ako ay may kung anong sinabi ang emcee, at hindi nagtagal ay sinabi na mag sisimula na ang 18 roses, nakangiti akong tumayo at hinintay ang unang sayaw ko.

"The father of debutante Mr. Danny Velasco" pakilala ng emcee. Nakangiti akong nakatingin kay papa na paakyat ng stage na dala dala ang bulaklak

"Pa" tanging sambit ko habang nakangiti at maluha luha

"Anak happy birthday" sabi ni papa sabay abot ng bulaklak at mahigpit akong niyakap

"Ang ganda prinsesa ko" sabi ni papa habang nasagaw kami

"Salamat po" sabi ko at niyakap ko siya ulit.

Natapos ang sayaw namin ni papa at pinakilala na ang sunod sa 18 roses ko. Sila tita Marius, Mario at Ali ang sumunod na nagsayaw sa akin. At dahil wala akong pinsan na lalaki si Sejun na ang sunod na tinawag

"Happy birthday bunso" bati niya sa akin sabay abot ng bulaklak

"Thank you" nakangiti kong sambit

Sumunod kay Sejun ay sila Ken, Justin, Stell, Donny at mga kaklase kong lalaki na naging malapit din sa akin. Huling tinawag si Josh bilang last dance ko

"Happy Birthday" bati niya sa akin

"Salamat" nakangiti kong sambit

"Ang ganda mo ngayon"

"Lagi naman eh" biro ko

"Ngayon lang" aniya

"Uh Josh may sasabihin ako" kinakabahan kong sambit

"Ano yon" seryoso niyang tanong

Sinabihan ko ang emcee kanina na tagalan ang oras ng pagsasayaw ni Josh kaya ok lang na magtagal kami

"Pwede bang tigilan mo na ang panliligaw mo?" seryoso kong sabi habang di makatingin sa kanya

"Huh? bakit may nagawa ba ako?" nag aalala niyang tanong

"Ayoko lang na nanliligaw sa akin ang boyfriend ko" sambit ko sabay tingin sa kanya at ngumiti

Ngumiti siya at niyakap ako

"I love you" bulong niya

"I love you too" sagot ko

Nagpatuloy nga ang party, at tuwing tumitingin ako kay Josh ay sobra ang ngiti nya akin. At pag nalilipat namab kila Sejun ay nakikita kong naweweirduhan ang mga ito sa kanya. Hula ko ay hindi pa niya sinasabi.

Palapit ako sa table nila dahil iniikot ko ang mga table ng bisita.

"Des" nakangiting tawag ni Donny

Hindi kami masyadong nakapag usap kami noong sinayaw niya ako dahil nagkamustahan lang kami. Sa kanya ako dumiretso at niyakap siya

"Yung favor ko?" bulong ko tanong sa kanya.

"Oo sinabihan ko"  maikli nyang sagot

"Salamat"

"Des ano ba nangyari dyan kay Josh mukhang tanga kanina pa nakangiti" tanong ni Stell nang bumaling ako sa kanila

"Huh?" patay malisya kong tanong

"Ewan ko din sayo" balewala nalang ni Stell

"Hiramin ko muna si Josh" sabi ko sabay hatak kay Josh

Hindi katulad sa ibang table ay hindi ko sila kinausap, mamaya na.

Hinahatak ko lang si Josh papunta sa table nila Tito.

"Bakit mo ako sinama dito" tanong niya nang nasa harap na kami ng table

"Tito, tita, mga pinsan, ma, lola, papa" kuha ko ng atensyon nila

"Si Josh po boyfriend ko"

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now