Chapter five

19 2 0
                                    

Hi

"Tara na hatid kita sainyo mag didinner na rin" yaya niya sa akin nang matapos ang nilalaro ko

"Wala ka bang kasama ngayon? Nasaan sila tita?" tanong ko sabay harap sa kanya

"Ah may trabaho sila pareho pero uuwi din yun bago mag hapunan" he explained

"Ahh. Sige tara na uwi na ko" yaya ko sabay tayo

Nauna akong naglakad papunta sa pinto at dere deretso ako pababa hanggang sa makalabas kami ng bahay nila

"Sige na salamat ulit ah" paalam ko nang nasa harapan na kami ng bahay namin

"Wala yun salamat rin" sagot niya

"Sige na bye bestfriend" sabi ko at bago ako makatalikod nakita kong ngumiti siya

Pumasok na ako ng bahay at dumiretso sa kwarto para magpahinga

"Anak kakain na" nagising ako sa katok ni mama

Agad akong bumangon at bumaba

"Halika na anak kain na" yaya sakin ulit ni mama nang makitang nakababa na ako

Umupo ako at nagsimula na kaming kumain

"Anak" biglang tawag ni mama

"Po?"

"Nagpalipat ako sa branch ng kompanya namin dito sa cavite" paliwanag ni mama, hindi ako sumagot at hinintay ang susunod nyang sasabihin

"Ok lang ba kung dito kana mag aral sa cavite?" tanong niya

"Ok lang po" mabilis kong sagot dahil wala naman akong maiiwan sa manila at baka nga dito sa cavite magkaroon ako ng kaibigan

"Talaga? Pwede tayong bumisita sa manila anak sa susunod na araw para makapag paalam ka sa mga kaibigan mo" naka ngiting sambit ni mama

"Ha? Wag na po pwede ko naman po silang ichat maiintindihan naman po nila" tanggi ko dahil hindi naman alam ni mama na nilalayuan ako ng mga kilala niyang mga kaibigan ko

"Talaga? Sige ikaw ang bahala" sabi ni mama at nagpatuloy na kami sa pagkain

Natapos kaming kumain at tulad kaninang tanghali ako ang naghugas ng pinggan at umakyat ako sa kwarto.

Mabilis na lumipas ang araw at tulad ng sabi ni mama lumipat sa sa branch dito sa cavite ng kompanya nila.

Lumipas ang isang linggo at kinailangan naming pumunta sa manila para kunin ang mga gamit na naiwan namin sa bahay doon.

Sinabi din ni mama na pinaupahan nalang niya ang bahay sa manila para dagdag income sakanya.

"Balikan ko po yung iba kong gamit ma" sabi ko habang buhat buhat ang mga gamit ko na kinaya kong bitbitin.

Pumasok ako at umakyat sa kwarto para ilagay doon ang mga gamit ko. Bumaba ako agad para kuhanin pa ang ilang gamit ko.

"Oh anong ginagawa mo dito" napatigil ako dahil nakasalubong ko si Josh na bitbit ko iba ko pang gamit

"Tinutulungan kayo ipasok yung mga gamit. Saan ba to ilalagay?" tanong niya na tinutukoy ang mgs gamit ko

"Ah doon sa kwarto ko tara" sabi ko at sinamahan siya papunta sa kwarto ko

"Salamat" sabi ko matapos niyang ibaba ang mga gamit ko, malawak na ngiti naman ang naging sagot niya

Bumaba ulit kami at pumunta kay mama

"Oh mga anak wala na. Salamat pala Josh" baling ni mama kay Josh

"Ah wala po yun" nakangiting sagot ni Josh

"Tara pasok ka Josh samahan mo kaming kumain ni Desiree at ni mama" yaya ni mama

Pumasok kaming tatlo at naabutan naming nag hahain si lola ng meryenda

"Oh halika kain na. Andyan ka pala Josh halika rito at kumain ka din" yaya ni lola

Lumapit si Josh at nagmano kay lola

Umupo na kami at nagsimulang kumain

"Ah tita bakit po pala naglilipat kayo ng gamit" he asked

"Dito na kami titigil ni Desiree" sagot ni mama

"Edi dito na po mag aaral si Des?"

"Ah oo kaso di pa namin napag uusapan kung saan siya mag aaral" si mama

"Sakto po mag eenroll ako bukas tita baka gustong makita ni Des yung school ko tsaka baka magustuhan niya doon nalang po siya mag aral" pang eenggan ni Josh

"Pwede para may kakilala na rin siya" at bumaling si mama sakin na parang nag tatanong

"Ok lang po" sagot ko

"Sige sumama ka kay Josh bukas sa eskwelahan nila apo" si lola

Tumango lang ako at tahimik na ulit kaming kumain.

Matapos naming kumain ay nagpaalam na rin si Josh at sinabing susunduin ako bukas.

Gaya nga ng sabi ni Josh ay sinundo niya ako ngayong umaga at palabas na kami ng village dahil mag cocomute lang kami.

Nasa waiting shed kami para mag antay ng masasakyan

"Josh!" may mga lalaking biglang tumawag kay Josh

Nang makalapit sa amin ay lahat sila ay nakatingin sa akin. Nagtinginan silang apat at

"Hi Desiree"






The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon