Chapter six

21 1 0
                                    

New School

"Uh hi?" awkward kong sagot dahil hindi ko alam bakit nila ako kilala.

"Ah Des groupmates ko pala si Sejun leader namin si Justin bunso namin yan si Stell at Ken dancerist namin HAHAHA" nakangiting pa kilala ni Josh

"Hi Desiree lagi kang kinukwento ni Josh samin" nakangiting sambit ni Stell kung hindi ako nagkakamali. Base sa malawak nyang ngiti at mapang asar na titig sa tingin ko ay palabiro at masayahin si Stell. Matangkad siya at uh gwapo

"Diba sabi ko sayo papakilala kita sakanila kaya kinukwento kita" depensa ni Josh

"Sabi niya sobrang bait mo daw tapos maganda" pang lalaglag ni Justin. Malawak din ang ngiti ni Justin at halatang nangangasar. Si Justin ang pinaka matangkad sa kanila kahit siya daw ang pinaka bata. Medyo singkit siya at may gummy smile, ang cute niya.

"Paano mo naman nasabi yon eh ilang linggo palang tayo magkakilala" tanong ko kay Josh

"Bestfriend kaya kita malamang alam ko yun" sagot niya

"Syempre alam niya yon..." pabitin na sambit ni Justin at Stell. Napansin kong tahimik lamang sa gilid si Ken, base sa itsura ni Ken halatang tahimik siya pero nakikitawa. Matangkad din siya at medyo mahaba ang buhok kumpara kila Josh, napansin ko din na siya ang pinaka naka porma sa kanila.

"Corny nyo" balewalang sagot ni Josh at naghintay ng masasakyan

Bago ako bumaling sa kalsada ay napansin ko si Sejun na tahimik na nakikitawa, mukha siyang strikto kahit nakangiti. Dahil nga nakangiti siya kitang kita ang brace niya at gwapo din siya

Pumara ng isang jeep si Josh at mabilis kaming sumakay.

Nang makapasok kami sa jeep ay halos mapuno. Nakaupo na kaming lahat pero si Justin ay walang maupuan.

"Ken wala akong upuan" sabi niya kay Ken na hawak ang cellphone niya

"Anong gagawin ko?" balewalang tanong ni Ken na nakapag pasimangot kay Justin

"Hoy Stell kandungin mo nga yan si Jah baka umiyak yan dyan" panunuya ni Josh

"Hoy po" pagpoprotesta ni Justin

"Halika na nga dito Bujing Bujing baka umiyak ang bebe" pangangasar pa ni Stell

Dahil wala namang choice si Justin kumandong siya kay Stell. Pero naka yuko siya dahil nga matangkad siya

Maingay ang naging byahe dahil nag aasaran ang tatlo. Hindi nakisali si Ken dahil nakatutok siya sa cellphone pero paminsan minsan ay bumabaling sa mga kaibigan. Si Sejun naman ay nakangiti lamang habang nanonood sa mga kaibigan. Ngunit si Justin ay hindi na nagkaroon ng chance na makaupo ng maayos dahil hanggang sa pagbaba namin ay puno ang jeep.

Pagbaba namin sa harap ng school nila ay agad agad kaming pumasok dahil marami na ring estudyante ang naabutan namin na mag eenroll din.

"Pre hiwalay ng registrar si Desiree kasi transferee siya" paalala ni Stell.

"Ay hala oo nga" gulat na sambit ni Josh

"Kaya ko naman mag isa ok lang" sabi ko

" Ha? Hindi ano nalang papapila ko kila Stell yung enrollment ko tapos samahan kita. Tawagan nyo nalang ako Stell pag kailangan ako" sabi ni Josh

"No, no you dont have to" I protest

"Ano kaba mas maganda pag may kasama ka" si Josh

"I can handle myself tho stay with your friends"

"Ok lang Des sayo na muna yan si Josh nakakasawa na rin mukha nyan eh" si Justin

"Hoy Jah kuya mo kaya ako" pabirong suway ni Josh

"Nyenye" pangangasar ni Justin

Ganon ang naging set up namin, nakahiwalay kami ni Josh dahil sinamahan niya ako. Matapos ang ilang oras ay nakita namin sila Stell at Sejun na palapit samin.

"Tapos na kami pasunod na rin sila Ken" paliwanag ni Stell nang makalapit

"Malapit na rin kami" sabi ni Josh

Di nga nagtagal ay nakita na namin si Ken na palapit sa amin. Kasabay non ay tapos na rin kami kaya nagyaya silang kumain. Tutal ay lunch na rin ay dumiretso kami sa isang fast food chain sa labas ng school

"Josh umorder kana" utos ni Justin ng makaupo kami

"Kuya mo ko uutusan mo ko?" si Josh

"Kayong dalawa na ang umorder" singit ni Stell

"Di namin kaya yon" pangangatwiran ni Justin

" Kayong tatlo ang umorder" si Sejun

Hindi sila nakaprotesta pero maingay silang nagbabangayan dahil ayaw nilang pumila ulit

Nakamasid lang ako sakanila habang nag didiskusyon sila

"Ano sayo ako na oorder" tanong ni Josh

"Chicken with rice tsaka ice cream nalang" sagot ko

Nang makuha nila ang order ng lahat ay umorder na sila at naiwan kaming tatlo nila Ken, nasa harapan ko pa sila parehas.

"Si Josh madaling bumasa ng tao yun, lalo na pag may problema tingin palang sa mata non alam na niya" biglang sambit ni Sejun

"Bakit mo sinasabi yan?" naguguluhan kong tanong

"Mahilig talaga mang asar yon sila Stell kahit wala naman" sabi ni Ken

Tahimik lang ako at nalilito sa sinasabi nila

"Mabait sa lahat si Josh, mapang asar talaga sila Jah. Sana wag mong isipan ng iba ang mga galaw nila"

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon