Chapter two

30 2 0
                                    

Rooftop

After ng celebration umuwi na sila tita Anna sa bahay nila na katapat lang pala ng bahay ni lola. Sila tito at tita naman kasama ang mga pinsan ko ay umuwi na at sinabing bibisita nalang ulit. Kaya kaming tatlo na lang nila mama dito sa bahay.

Ilang minuto na akong nakatulala sa kwarto kaya naisipan kong bumaba, dumaan muna ako sa kwarto ni mama at dahan dahan kong kinuha ang susi ng sasakyan. Bumaba na ako at dumiretso sa sasakyan para kuhanin ang gitara ko.  Umupo ako sa gutter sa harap ng bahay ni lola. Siguro naman hindi mabubulabog ang mga kapitbahay kung kakanta ako dito.

I started strumming my guitar ang sing.

"Lift your head, baby, don't be scared

Of the things that could go wrong along the way"

I closed my eyes to feel the coldness of the wind tonight and to absorb the lyrics.

"You'll get by with a smile

You can't win at everything but you can try

Baby, you don't have to worry"

Everytime that I feel sad ang lonely I sing this song

"'Coz there ain't no need to hurry

No one ever said that there's an easy way"

Someone's voice sing it with me.  I immediately opened my eyes and stopped playing my guitar.

It was Josh

He continued singing while smiling at me

"When they're closing all their doors

And they don't want you anymore

This sounds funny but I'll say it anyway.

Girl I'll stay through the bad times"

"Hi" he said

"Hi?" may pag aalinlangang sagot ko

"Anong oras na nandito kapa" puna nya

"Sorry naingayan kaba, nagising kaba dahil sakin? Sorry ulit pasok na ko" paliwanag ko sabay tayo

"Uy hala hindi ok lang lumabas din talaga ako para may kunin sa garahe eh narinig kita kaya pinuntahan kita" pigil nya sakin

"Ah ganon ba sige pasok na ko baka may mabulabog pa ako eh" sagot ko sabay talikod para pumasok na

"Ok ka lang?" biglang tanong nya na nagpatigil sakin

"Ha? Syempre ok lang ako" sabi ko sabay ngiti

"Tara" sabi nya sabay kuha ng gitara ko sakin at hinila nya rin ako papasok ng bahay nila

Hindi na ako nakalaban sa pag hila nya dahil dere deretso lang sya hanggang sa nakapasok na kami sa bahay nila.

"Dahan dahan ha baka magising sila mama" bulong nya

Dahan dahan ang bawat hakbang ko dahil baka nga magising sila tita. Paakyat kami hanggang sa third floor ng bahay nila, hindi ko alam kung bakit nya ko dinala dito at hindi ko din alam kung bakit ako nagpapahila sakanya.

Nakarating kami sa third floor nila at may nakita akong hagdan na nakasandal sa pader. Hagdan ata yon paakyat sa rooftop.

"Tara akyat tayo" yaya niya habang hawak pa rin ang gitara ko

"Ano? Ayoko nga bakit ako aakyat dyan" apila ko

"Tara na saglit lang tayo" pag kumbunsi nya

"Ano ba gagawin natin dyan" tanong ko habang nakakunot ang noo ko

"Basta sumama ka nalang promise di ka mag sisisi pag sumama ka"

Hindi ako agad nakasagot dahil pinag iisapan ko kung sasama ako. Hindi ko naman kilala to personally

"Tara na" sabi niya ulit sabay hila sa kamay ko papunta sa harap ng hagdan

Umakyat nalang din ako dahil dala dala nya na rin ang gitara ko.

Pag akyat ko ay hinila nya ako ng bahagya para gumilid ako at tinakpan nya yung butas na pinag akyatan namin.

Ginala ko ang mata ko sa rooftop nila. May nakita akong papag na sa gilid at may naka tuping latag sa ibabaw nito.

"Hawakan mo muna to aayusin ko yung latag saglit" sabi nya sabay abot ng gitara ko.

Lumapit sya sa papag, ako naman ay sumunod sa kanya at pinanood siyang mag ayos ng papag

"Tara upo ka o humiga ka pa ikaw bahala kung saan ka kumportable" yaya niya sakin habang siya ay nakaupo na

"Bakit mo ba ako dinala dito" tanong ko habang umuupo medyo malayo sa kanya

"Para mag relax ka. Isipin mo mga bagay na gusto mo isipin. Mag gitara ka, kumanta ka bahala ka. Dito lang ako di kita guguluhin" sabi nya sabay higa at tumitig sa mga bituin

Hindi ko alam pero humiga na din ako at tumitig sa mga bituin sa langit. Wala akong iniisip, blanko ang isipan ko. Gusto ko munang tumigil sa kakaisip ng mga bagay.

"Anong problema?" biglang tanong nya

"Walang problema" sagot ko nang hindi bumabaling sa kanya

"Wala pero umiiyak ka"

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now