Chapter nine

19 2 0
                                    

Mahal kita

Lumipas nga ang isang buwan at mas naging busy ang lima sa pag papractice. Lagi pa rin akong nakasama sa bawat practice nila.

Hindi rin naman naka apekto sa amin ni Josh yung sinabi niya sa akin noong nakaraan sa rooftop. Hindi na niya ulit binanggit ang tungkol sa panliligaw pero mas naging uh sweet siya sa akin, madalas ding sa bahay na kami naka tambay at lagi niyang kinakausap si lola. Tuwang tuwa naman sa kanya si lola dahil kung ano anong kalokohan ang sinasabi niya.

"Apo kung mag kaka boyfriend ka bakit hindi nalang si Josh" sambit ni lola ng isang beses ay nasa amin si Josh

"Wala pong pag asa sa akin yan la" pabiro ni Josh

"Ang kapal ha" sabi ko

"Bakit Josh maganda at matalino naman ang apo ko" si lola

"Oo naman po. Kaso baka bustedin ako niyan kung manligaw po ako" sabi ni Josh habang naka tingin sa akin.

"Bakit naman gwapo at matalino ka rin naman diba hija" baling sa akin ni lola

"La kahit anong gwapo at talino po niyang ni Josh kung hindi po manliligaw yan wala hong mangyayari" sabi ko habang naka tingin kay Lola

"Try me" bulong sa akin ni Josh na alam kong ako lang ang nakarinig

"Hay nako ewan ko sainyo kung gusto nyo ang isat isa dapat at sabihin nyo" si lola

Matapos sabihin ni lola yon ay kumain na kami at patuloy ang pag kukwento ni Josh kay lola.

Nang hapon na ay nagpa alam na si Josh na uuwi dahil may gagawin pa

"Goodluck" sabi ko sakanila

"Thank you" sagot naman nila, nandito kami ngayon sa backstage dahil ilang minuto nalang ay performance na nila. Kahit naka gown ako ay nandito ako para lang mag goodluck.

"Tara na hatid kita sa table" yaya ni Josh

"Huwag na kaya ko naman" sabi ko

"Tara" yaya niya sabay kuha ng kamay ko at ginuide ako papunta sa table namin.

Ang table namin ay nakapwesto sa harap mismo ng stage kaya kitang kita ang mag peperform

"Salamat, sige na bumalik ka na don" sabi ko nang makaupo ako

"Goodluck kiss" biro niya

"Pakiss ka kay Ken" biro ko din

"Wag na" sabi niya

"Sige na pumunta kana don tatawagin na kayo. Goodluck" sabi ko

Umalis na nga siya at hindi nagtagal ay tinawag na sila.

"Let us all please welcome nameless" biglang pakilala ng mc

Umakyat sila sa stage at tumayo sa mga pwesto nila

"Sa aking puso'y nag-iisa

Mayroong himig na

Kumakatok sa pinto ng aking ala-ala"

Panimula nila na nakakuha agad ng atensyon ng mga estudyante.  Agad namang hinanap ng mata ko si Josh at nakita ko nga siyang naka ngiti at naka tingin din sakin

"'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata

Ngayon, ikaw na lang ang nakikita"

Kanta niya habang sa akin nakatitig

"Kung pinagtagpo tayong dal'wa'y para sa isa't isa

At kung nasabi ko ba ang lahat noon ay may magbabago ba?"

Nanatili ang mata ng lahat sa kanila dahil sa ganda ng kalidad ng performance na pinapakita nila. Ako naman ay tahimik na nakangiti sakanila inaabangan ang ang paboritong parte ng kanta.

"Sa aking bawat paghinga, dalangin ay makapiling ka

At kung ito na ang huli, nais kong malaman mo na"

Biglang namatay ang audio at bumaba si Josh sa stage.

"Mahal kita"

Patuloy ni Josh sa kanta kahit kay Jah na line yon

"Mahal kita"

Muling sambit niya nang makalapit na sa akin

"Mahal kita"

Sabay sabay naman nilang kanta

"May I have this dance?" sabay abot ni Josh ng kamay niya. Tumingin muna ako sa paligid at nang makitang nakangiti sa amin ang lahat pati sila Ken na nasa stage ay tinanggap ko ang kamay niya at tumayo

"Walang iba, walang iba

Wala nang hahanapin pa

Pag-ibig ko'y sa 'yo

Sa iyo hanggang sa huli"

Patuloy ng apat sa kanta dahil sa Josh ay naka yakap na sa akin at ako nalang ang nakakarinig sa pag kanta niya

"I'll prove myself to you"

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now