Chapter fifteen

19 3 0
                                    

Break

"Anak kamusta" tanong ni mama

"Ok lang po" sagot ko

"Anak kung pagod ka magpahinga ka, halos hindi na kita nakikitang nagpapahinga"

"Kaya pa naman po, malapit na rin pong matapos ang training ang sabi po sa amin halos buo na ang grupo" paliwanag ko

"Anak sana kahit busy ka sa training at pag aaral inaalala mo pa rin si Josh, nakikita kong nag eeffort siya para mapagaan ang relasyon niyo pero hindi pwedeng siya lang"

Alam kong halos wala na akong oras kay Josh dahil sa training at pag aaral, nitong mga nakaraan nga ay halos hindi na kami magkita.

Ngayong third year na kami mas naging mahigpit ang sched namin.

To Love:

San ka?

Text ko sa kanya, gusto kong bumawi

From Love:

Lib, why?

Maikli niyang sagot.

Hindi na ako nagreply at dumiretso sa library, pagpasok ko ay agad ko siyang hinanap. Nakita ko sa siya pinaka gilid na lamesa, may kasama siyang babae na tila tinuturuan niya.

Hindi na ako dumiretso at lumabas ng library, malungkot akong naglakad palabas ng school hanggang sa makasakay pauwi.

Binigyan kami ng company ng isang linggong pahinga, gusto ko sanang ibalita ito kay Josh pero mukhang busy siya. Siguro ito ang oras na ako naman ang iintindi sa kanya

Simula nang nagsimula ang relasyon namin ni Josh sy lagi akong busy sa training at pag aaral, halos dalawang taon niya akong inintindi kaya ako naman ang iintindi sa kanya

Tatlong araw na akong dumideretso sa library pagkatapos ng klase para puntahan si Josh pero tatlong araw na ko na rin silang naaabutan ng babae sa library.

"Josh busy ka?" tanong ko sa kanya mula sa telepono

Apat na araw nalang ay babalik na ako sa training gusto ko siyang makasama at makausap

"Huh? Bakit nasa library ako" sagot niya

"Uh sino kasama mo?"

"Si Cristy kaklase ko"

"Matagal pa kayo?" tanong ko

"Medyo may tinatapos kami eh"

"Ah sige ingat pag uwi ah I love you"

"Ingat din love you"

Binaba ko ang tawag at naglakad palabas ng eskwelahan at umuwi

Kinabukasan ay mas maaga ang labas ko sakanya kaya nandito ako sa labas ng room nila inaantay siya

"Oh bakit nandito ka" nagtatakang tanong niya nang makalabas siya

"Sinusundo ka" sagot ko

"Wala kang training?"

"Wala hanggang linggo" sagot ko

"Talaga?"

"Oo, busy kaba? Tara labas tayo" yaya ko

"Josh tara" biglang tawag sakanya nung Cristy

"Ah Cristy hindi muna ako maglilibrary alis kami ng girlfriend ko eh" sagot ni Josh

"Ah ganon ba sige ingat" malungkot na sagot nung Cristy

"Tara" masayang yaya ko kay Josh

Dumiretso kami sa park malapit sa village namin, ako ang nagsabing dito kami ayoko sa mall dahil mapapagod lang kami don. Gusto ko lang na mag usap kami, basta gusto ko lang makasama siya ayoko naman sa bahay o sa rooftop nila lagi nalang doon

Nakaupo kami sa isang table doon at nagkukwentuhan habang pinapanood ang mga tao sa paligid. Iba man ang aura ni Josh pinilit kong pasayahin ang usapan namin. Pinilit kong matapos ng magaan ang araw na yon.

Nang sumunod na araw ay niyaya ko ulit si Josh, pero gusto niya daw ay sa kanila nalang kami tumambay.

Nandito nga kami at nakahiga sa papag, nakaunan ako sa kanang braso niya.

"Des" tawag niya

"Oh"

"Yung group na binubuo ng company nyo kailan mag dedebut?"

"Walang exact date eh pero months from now daw" sagot ko

"Hindi kaba napapagod?" tanong niya

"Kaya pa naman" sagot ko

"Sa atin" dagdag niya

"Ano?" tanong ko sabay tayo at tingin sa kanya

"Sa atin, hindi ka pa pagod?" sagot niya habang sa langit pa rin nakatingin

Nakatitig lang ako sakanya at hindi sumasagot

"Des, simula palang ng relasyon natin halos dalawang beses sa isang buwan lang tayong nagkakasama ng matagal. Nagtetraining ka pa lang ganyan na, paano kung mag debut kana"

"Bakit Josh? Pagod kana?" tanong ko

"Hindi ko alam pero wala na eh" sagot niya

"Josh anong wala na?" tanong ko habang nakatitig pa rin sa kanya

"Yung dati wala na, dati kaya kitang intindihin dati ako pa yung pupunta sayo para pagaanin loob mo pero ngayon nakakapagod pala" sabi niya at umupo na rin

"Anong gusto mo" maluha luha kong tanong

"Tama na muna"

"Josh may iba kana ba?" tanong ko

"Wala, Des bakit ako maghahanap ng iba"

"Kasi Josh bakit, bakit ka mapapagod sa atin kung wala namang iba" sagot ko habang patuloy nang tumutulo ang luha ko

"Oo pagod na ako pero hindi ko sinabing hindi na kita mahal" sabi niya habang siya na ang nagpupunas ng luha ko

"Eh bakit ayaw mo na?" tanong ko

"Kasi hindi na katulad ng noon"

Niyakap niya ako

"Mahal kita pero hindi na katulad ng noon. Andito pa rin ako para sayo susuportahan pa rin kita. Alam kong isa ka sa magdedebut, susuportahan parin kita. Abutin mo yung pangarap mo, sa unang concert mo pangako nandon ako" bulong nya habang nakayakap sa akin

"Mag focus muna tayo sa mga bagay na mas mahalaga sa na bagay, ikaw sa training mo ako sa pag aaral ko" dagdag niya

Hindi ako makaapila, ayokong lumaban pa kasi alam kong pagod na rin siya.

"Let's break up" bulong niya ulit

Tanging tango ang naisagot ko habang nakayakap sa kanya panay ang hikbi


The One That Got AwayWhere stories live. Discover now