Chapter three

26 2 0
                                    

Open up

Nabigla ako sa sinabi niya dali dali kong hinawakan ang pisngi ko at mayroon ngang luha.

"Alam mo pwede ka sa aking mag open. Anong problema di kita ijujudge" sabi niya

"Bakit sino ka ba hindi nga kita kilala eh" pananaray ko sabay upo

"Sabi nga nila mas maganda mag open sa di mo kilala para di ka ijudge" sabi nya

Hindi ako sumagot at tumitig lang sa kawalan.

Naramdaman ko siyang tumayo at pumunta sa harapan ko

"Josh Cullen Santos, grade 11 sa pasukan at HUMMS yung strand ko mag lalaw ako eh.  May group ako sa school cover group kami" pakilala nya at inabot ang kamay nya para makipag kamay

"Pake ko?" pananaray ko ulit

"Sabi mo di mo ko kilala edi nag pakilala ako para makapag kwento ka sakin" sabi niya

Binalewala ko ang pagpapakilala nya at sumandal sa pader. Kinuha ko ang gitara ko at pinatong ko sa lap ko.

"Desiree Velasco, grade 11 din, HUMMS kukunin ko. Wala akong group o kahit ano wala rin akong circle of friends na matatawag pero graduate ako with 6 awards" sabi ko sabay tingin sa kanya

Nakita ko siyang ngumiti at umupo sa tabi ko at sumandal din sa pader.

"Simula noon yung ganitong takbo ng isip ko normal na sakin. Yung hindi ako makatulog, imbis na matulog kung ano anong bagay ang pilit pumapasok sa isip ko" dagdag ko

"Maganda naman buhay mo ah matalino ka, maganda ka, maayos pamilya mo anong dahilan ng pag ooverthink mo. Anong mga bagay ba yung pilit pumapasok sa isip mo"

"Alam mo noong bata ako ok naman kami ng pamilya ko. Dito kami nakatira noon kila lola hanggang sa naisip nila mama na bumukod ng bahay tapos sa manila sila nakahanap ng bahay. Si mama may trabaho bilang government employee si papa naman engineer. Ok naman kami doon sa manila ganun parin pero habang tumatagal napapansin ko na laging nag aaway sila mama at papa. Bata pa ko noon eh 7 years old palang ako nun di ko alam gagawin ko tuwing nag aaway sila kaya nag kukulong ako sa kwarto" tumigil ako sa pag kukwento at tumitig sa kawalan

Naramdaman kong bumaling siya sakin naghihintay ng kwento.

"Tapos nasanay na ko noon na nag aaway sila halos araw araw pa nga eh. Hanggang sa nag birthday ako sabi ni papa sakin bago siya pumasok uuwi siya ng maaga para mag celebrate ganon din si mama. Tumupad naman si mama noon umuwi nga siya ng maaga pero si papa wala pa, naghintay ako ng naghintay hanggang sa lumalim ang gabi, hanggang sa nakatulog ako. Kalagitnaan ng pag tulog ko narinig kong nag aaway sila mama at papa, umuwi si papa ng lasing kaya inaway siya ni mama" tumigil ulit ako at tumingala sa mga bituin.

"Hanggang sa ilang taon ganon ang nangyayari sa birthday ko, kung hindi uuwi ng lasing si papa matutuloy kami sa mall pero mag aaway din sila doon. Pero kahit ganon sila consistent honor student ako noon. Pero imbis na matuwa si papa sinasabi niya na bayad daw yung pagiging honor ko. Hanggang sa nag 10 years old na ako nag hiwalay na sila mama at papa. Si papa pala may iba nang pamilya kaya iniwan niya na kami ni mama. Pero kahit wala na si papa sa bahay tumatak na sa isip ko yung sinabi niya na di ako matalino na di ko deserve yung mga awards ko" tumigil ulit ako at pinunasan ang luha sa mata ko na hindi ko napansin kanina pa pala tumutulo

"Lahat naman tayo matalino eh depende nalang sa atin kung ilalabas ba natin yon o hindi" sambit niya

"Alam mo ba sa mga simpleng ginawa noon ni papa, yung pang iindian nya sakin tuwing birthday ko, yung pag sasabi niya about sa awards ko na trauma ako. Kada birthday ko hindi na ako nag cecelebrate o di kaya hinihingi ko na lang yung pera kay mama para ipunin ko. Mas dinoble ko yung oras ko sa pag aaral para patunayan na deserve ko yung awards ko" kwento ko ulit

"Happy Birthday" biglang sambit niya

"Anong happy birthday hindi ko naman birthday"

"Edi belated happy birthday isipin mo bati ko yan sayo nung mga nakaraang taon. Tsaka sa susunod nga na birthday mo tawagan mo ko" sabi niya pa

"Bakit naman?" tanong ko

"Celebrate natin sayang birthday mo vro di mo sinecelebrate bat ka mag iipon ng pera kikitain mo rin yan pag nag ka trabaho kana eh" dagdag niya pa

"Busy lagi si mama tsaka wala akong kaibigan na ililibre edi iipunin ko nalang duh"

"Kelan ba birthday mo ako nalang libre mo" biro niya

"October 26" sagot ko naman

"Oy sakto vro October 22 ako"

"So what"

"Magkalapit lang birthday natin ako nalang libre mo tropa naman na tayo eh" sabi niya

"Sino nagsabing magkaibigan tayo"

"Ako. Sabi mo wala kang kaibigan edi nag vovolunteer ako" sabi niya with confidence pa

"Ayaw nga kitang kaibigan" tanggi ko

"Lugi kapa? Josh Cullen na friend mo. Mabait, mapagkakatiwalaan, matapang, matulungin mapagkaibiga-"

"Eh batas yan ng isang org eh pinagloloko mo ba ako" putol ko sa sinasabi niyang kalokohan

"Basta friends na tayo, papakilala kita sa groupmates ko para madami ka nang friends"

Natahimik kaming dalawa at parehas na nakatulala

"Josh thank you"

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now