Chapter four

21 2 0
                                    

Online Game

"Desiree anak gising na anong oras na" sigaw mula sa labas ng kwarto ko na sinasabayan pa ng malakas na katok

"Anak kakain na" sigaw pa ulit ni mama

"Opo ma susunod na po" inaantok kong sagot

Pinilit ko bumangon kahit inaantok pa ako at kinuha ang cellphone ko para tignan kung anong oras na. 11:30 am na pala, hindi ka ako nagulat na tanghali na ako nagising dahil 2am na ako nakauwi galing kila Josh.

Pumasok ako sa banyo at naligo. Mabilis ang mga naging kilos ko dahil anong oras na alam kong hinihintay ako nila mama bago sila kumain. Pagkatapos kong magbihis mabilis akong bumaba at naabutan sila mama na nasa umuupo na sa lamesa, sakto lang ang dating ko.

"Oh anak tara na upo na hindi ka nag almusal kaya kumain ka ng madami" yaya sakin ni mama

"Saan ka ba galing kagabi apo narinig kong may pumasok ng madaling araw hindi naman ang mama mo yun" sabi ni lola

"Ha? Ano ah nagpahangin lang po ako hindi po kasi ako makatulog kagabi" palusot ko

"Ah ganon ba sa susunod wag ka nang lalabas ng ganoong oras baka mapahamak ka"

"Opo" sagot ko at nagsimula na kaming kumain.

Tahimik kaming natapos kumain. Ako na ang nag ayos ng lamesa at nag hugas ng kamay. Nagpupunas ako ng kamay ng may kumatok. Nakita kong tumayo na si mama kaya hindi na ako pumunta pa sa pinto.

"Anak Desiree halika rito" tawag ni mama

Lumapit ako kay mama at nakita ko kung sino ang bisita.

"Anak si Josh hinahanap ka"

"Uy vro tara" yaya niya

"Anong tara?" nag tataka kong tanong

"Pinagpaalam na kita kay tita sabi ko babalik kita bago mag dinner" sabi niya habang nakangiti

"Bakit saan tayo pupunta"

"Diyan lang sa bahay" sagot niya

"Sige na anak sumama kana mabait na bata yan si Josh atsaka para magkaroon ka ng kaibigan dito" pangungunsinti ni mama

"Oh diba ok lang kay tita tara na vro" sabi niya sabay hila sakin

Hinila niya ako hanggang sa makapasok kami sa bahay nila

"Ano ba ang hilig mo manghila" sabi ko sabay bawi ng kamay ko

"Eh ang tagal mong sumama eh' dahilan niya

"Ano bang ginagawa natin dito sainyo"

"Turuan kitang mag laro ng online games" sabi niya

"Bakit mo naman ako tuturuan"

"Wala lang kasi diba sabi mo kagabi wala kang friends sa school mo dati edi malamang di ka nakakapag laro ng online games kaya tuturuan kita" paliwanag niya

"Hindi ako interesado" sagot ko

"Ang kj mo naman vro tara na pag di mo nagustuhan di kita pipilitin promise" pangungumbinsi niya

"Vro ka ng vro dyan close ba tayo"

"Besfriend mo kaya ako" pagmamalaki niya pa

"Kailan pa?"

"Kagabi. Tara na nga" sabi niya sabay hila nanaman sakin paakyat sa kwarto niya

Pagpasok namin sa kwarto niya ay napansin ko kaagad na malinis at maaliwalas ito. Sa left side ng kwarto niya ay may computer set up mayroong dalawang gaming chair doon  at sa right side ng computer set up niya ay bintana na tanaw ang bintana ng kwarto ko, sa left side naman nito ay ang kama siya sa right side naman ng kama niya ay study table. Sa tapat naman ng pinto ng kwarto niya pinto na tingin ko ay pinto ng cr.

"Tara upo ka" yaya niya sakin sabay hila nung isang gaming chair para doon ako umupo

Umupo ako doon at pinanood syang buksan yung computer niya. Matapos niyang buksan ay may pinindot siya game doon.

"Tara dito lapit ka turuan kita" hinila niya yung upuan ko

Magkatabi kami ngayon sa at tinuturuan niya ako kung paano ba pagalawin ang character sa larong ito.

"Lapitan mo yun tapos kunin mo yung baril tapos labas kana dyan" pagtuturo niya

Sinusunod ko lang ang mga sinasabi niya. Hindi ko namalayan na naka ilang laro na pala kami.

"Gutom kana ba? Ilang oras ka na rin naglalaro eh. Teka kuha kita pagkain sa baba tuloy mo yang nilalaro mo" sabi niya at hindi na ako hinintay na sumagot dahil bumaba na siya

Natapos na ang nilalaro ko pero wala pa rin siya kaya tumayo ako at nag ikot sa kwarto niya. Nang nasa tapat na ko ng study table niya ay may dalawang frame dun yung isa ay frame nilang pamilya kasama ang papa niya at yung isa ay lima silang lalaki na nakaitim nakatalikod sila pero yung ulo nila ay nakaharap sa camera naka fierce silang lima.

"Mga groupmates ko yan" may biglang nagsalita sa likod ko

Pag harap ko ay nakatingin siya sa frame na tinitignan ko habang hawak ang tray na may cake at juice

"Di ko tinatanong" pananaray ko

"Ang taray mo naman sinasabi ko lang eh" sabi niya habang binababa yung tray sa study table.

"Papakilala kita sa mga groupmates ko" sabi niya bigla habang inaabot sakin yung cake

"Bakit naman" tanong ko habang tinatanggap ang cake

"Para lima na kaming tropa mo. Mababait yung mga yon makakasundo mo. Upo ka" sabi niya at pina upo ako sa upuan sa harap ng study table at siya naman ay umupo sa gilid ng kama

Tahimik lang kami habang kumakain

"Josh salamat ulit" basag ko sa katahimikan

"Wala yun bestfriend mo kaya ako" sagot niya habang nakangiti

Ngumiti din ako sakanya pabalik

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now