3: Why are you holding on?

1K 33 1
                                    

Lee Chan Sol - Still Fighting It

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lee Chan Sol - Still Fighting It

***

Cameron

Promises are meant to be broken, ika nga.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ba ako umasa na tutularin nila ang pangako nila? Hindi ka na ba nasanay, Cam?

I was holding back my tears as I listen to whay my teacher is saying in front if my classmate's parents.

Habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko maiwasang magtanong. Bakit sila nakapunta? May mga trabaho din naman sila? Bakit sila mommy hindi nagawa? Am I not important to them?

Lagi nalang ganito. Nakakasawa na. Hindi na ako natutuwa.

"For our field trip we have two choices po, one is an amusement park while the other one is beach." sabi ni teacher habang nagdi-discuss siya sa harap tungkol sa field trip namin next week. Kanya kanya naman ang opinyon ng mga magulang. Pero sa huli ay amusement park ang nanalo. Mas safe daw kasi kesa sa beach na maraming tao at mahihirapan na bantayan ang mga bata.

"Okay dito na po nagtatapos ang meeting natin. Thank you po sa pagpunta. Next week na po ang start ng bayaran. Salamat po at ingat sa pag-uwi." nagsi-tayuan na ang mga kaklase ko at naghanda para umuwi. May ilan pa nga na napatingin sa gawi ko dahil wala ang mga magulang ko. Some are whispering while others are smirking so I maintained my emotionless face.

"Cameron. Where are your parents?" tanong ni Freya, ang leader ng epal na ang hilig mang-away ng mga kaklase niya.

"Work." maikli kong sagot.

"Ahh, kaya pala wala sila dito. Siguro hindi ka nila priority. Kasi si mommy kahit busy siya iniwan niya muna ang work niya para pumunta dito. Kasi ganun naman talaga kapag mahal mo diba? Uunahin mo. Hindi ka ata nila mahal, Cam." napantig ang tenga ko sa sinabi kaya tumayo ako. Habang walang nakatingin sa amin ay hinila ko ng bahagya ang buhok niya.

"Aww."

"Say that word again and I'll make you bald." pagbabanta ko dito at binitawan na ang buhok niya. Umiiyak naman itong lumapit sa nanay niya. Tss.

"Cami, bad yung ginawa mo kay Freya." isa pang epal, si Amanda. Siya lang ang kumakausap sa akin dito sa classroom. Ewan ko ba kung wala ba itong kaibigan o isa nanaman siya sa mga epal na gusto akong asarin.

"Oh, tapos?" mataray na sagot ko dito. Aba ikaw kaya sabihan ng ganun di ka maiinis? Bait mo naman kung ganun.

"Haist. Sasama ka ba sa field trip? Tabi tayo sa bus!" may mood swing ata to. Kanina galit tas ngayon masaya na. Ito ata yung baliw eh.

"Ayoko kayong kasama." I said frankly. Wala naman kasi akong kaibigan sa kanila plus hilig nila ang awayin ako so why pa diba? Kaya ko namang pumunta ng park eh.

The VillainessWhere stories live. Discover now