Chapter 1

395 6 0
                                    

Riley's POV

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang asul at maaliwalas na kalangitan kung saan malayang lumilipad ang mga ibon. Mga nagtataasang puno at naggagandahang mga bulaklak lamang ang aking nakikita sa buong kapaligiran, na syang labis kong kinasasaya.

"Haaay... sobrang sarap at nakaka-relax!" Sigaw ko habang nakatingala at nakapikit ang aking mga mata

"Hmmm haaa!"

Sobrang sarap sa damdamin. Pakiramdam ko ay muli na naman akong nabuhayan ng loob matapos ang nakakapagod na maghapon sa school at mga problema sa bahay.

Walang katapusan kong sinasamyo ang malamig at mabangong hangin dahil sa sari-saring bulaklak sa kapaligiran. Ramdam na ramdam ko sa aking dibdib ang mumunting paghaplos ng malamig na hangin sa bawat paghinga ko.

"Woooooh!"  Sigaw ko habang nakataas ang aking magkabilang braso sa ere

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga tsaka ako tumakbo sa napakalawak na parang na syang naging dahilan upang mabulabog ang mga paru-parong nakadapo sa mga bulaklak.

"Wow!" Manghang-mangha ako habang pinanunuod ang iba't ibang kulay ng paru-paro.

Tumatawa ako habang umiikot na para bang nakikipagsayaw sa mga paru-parong lumilipad paikot sa akin. Nakikipaglaro din sila, dumadapo sa aking ulo o kaya sa aking ilong

Itinaas ko ang aking hintuturo kung saan dumapo ang isang pink na paru-paro. Pinagmasdan ko sya, hindi sya simpleng paru-paro lamang. Malaki ang kanyang pakpak na para bang yung napapanuod sa mga fairytales at barbie.

"Mariposa" tawag ko sa paru-paro

Muli syang lumipad paikot-ikot sa aking mukha tsaka sya dumapo sa aking ilong. Napatawa ako ng mahina dahil parang nakikiliti ako.

Napatingala ako nang lumipad sila lahat pataas na pa-spiral form. Tsaka malayang lumipad-lipad sa taas na parang mga fairy na sumasayaw sa hangin. Habang umaawit naman ang mga ibon sa mga kakahuyan.

Nakaramdam ako ng pagod at uhaw kaya naman nagtungo ako sa ilog kung saan nandon din ang iba't ibang klase ng hayop.

Mga usa, kanggaroo, squirrel, giraffe at may  mga lion at tigre pa. Tulad na lamang ng tigre na naglalakad sa aking tabi. Para syang pusa na naglalambing sa akin. Nakahawak lang ako sa kanyang likod habang hinihimas-himas ko sya.

*roar

Bigla nyang growl, ngunit hindi dahil sa galit sya. Kundi dahil nagugustuhan nya ang ginagawa ko kaya napangiti ako.

"Tara na! Alam kong pagod at uhaw ka na din"

Kausap ko sa kanya tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad patungo sa batis sa may ilog upang uminom ng tubig.

"Kamusta kayo mga kaibigan" bati ko sa kanila tsaka uminom ng tubig

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa crystalline na tubig dahil sa sobrang linaw nito. Napangiti ako ng ginaya ako ng tigreng kasama ko.

Masaya dito dahil para akong nasa eden, kung saan ito ay isang paraiso. Kaibigan mo ang lahat ng mga hayop maging wild man sila. Wala kang ibang hihilingin dahil nandito na ang kapayapaan na hinahanap mo

"Magandang araw kaibigang matsing"

"Hu!hu!ha!ha!" Habang nagtatalon at naglalambitin sa puno.

Bigla naman nya akong binato kaya mabilis kong sinalo ang kanyang binalibag sa akin. Napangiti ako tsaka  muling tumingala sa kanya

"Salamat kaibigan" tsaka ko itinaas ang binigay nyang mansanas

Kinagatan ko kaagad ito tsaka napapikit dahil sa tamis nito. Napahinto naman ako ng maramdaman ko ang mahinang pagbunggo sakin ng kaibigan kong tigre.

Lucid Dreamer (short story) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon