Chapter 9

40 3 1
                                    

Rileys' POV

"Hey babe! Babe! Wake up, we're here" tsaka ako nagdilat ng aking mata dahil sa mahinang pagtapik nya sa aking mukha.

"Hey babe" bati ko sa kanya ng sumalubong ang nakangiti nyang mukha. Kinusot-kusot ko pa ang aking mata tsaka tumingin sa paligid.

Nasa loob pa din ako ng kotse sya naman ang nasa pintuan na sa tabi ko, nakabukas na ito. Excited syang hinila ako kaya mabilis din akong sumunod sa kanya kahit pa medyo inaantok pa ako.

Bigla namang nawala ang aking antok ng mapagmasdan ko ang kabuuan ng lugar, tumingin ako sa aking likuran kung nasaan ang highway at sa kabilang part nito ay mataas na building. Ito siguro ang hotel na tutuluyan namin, mula naman dito sa kinatatayuan ay ang kabilang side ng highway at sa harapan ko ay ang white sand beach.

Tatakbo na sana ako ngunit napahinto ako ng hawakan ako ni Devonne. Laking pasalamat ko dahil nahawakan nya kaagad ang aking kamay para pigilan, dahil kung hindi ay siguradong mahuhulog ako. Mataas pala ang part na ito, para syang cliff na sementado. Lumingon ako sa paligid upang maghanap ng madaraanan, hindi naman ako nabigo dahil sa di kalayuan ay may nakita akong hagdanan pababa.

Nakita din iyon ni Devonne kaya inaya nya akong pumunta doon, ngunit kinuha muna namin ang aming picnic basket sa kanyang kotse at iba  pang gamit tulad ng panapin na tela.

Ako na ang halos nagdala ng mga gamit habang sya ay nakahawak sa isa kong braso habang pababa kami sa beach. Pagkaapak na pagkaapak ng aming mga paa sa pino't puting buhangin ay mabilis na tumakbo si Devonne malapit sa pangpang.

Napailing at napatawa lang ako sa kanya dahil para syang bata na ngayon lang nakakita ng dagat. Inaya ko sya na doon kami sa parte ng beach na may malaking bato. Sumunod naman sya sakin, nilatag ko na ang tela na panapin sa buhangin tsaka inilapag ang picnic basket.

Hinubad nya lang ang kanyang sapatos tsaka tinupi ang kanyang jeans hanggang tuhod, samantalang hinubad naman nya ang long sleeve checkerd nya. Inilapag nya ito sa gilid katabi ko. Kinuha ko ang checkerd nya tsaka inayos ito ng pagkakatupi.

Pinagmasmasdan ko lang sya habang masayang nagpapahabol sa alon. Kinuha ko naman ang camera na dala nya tsaka ko sya kinuhaan. Lumingon sya sakin habang nakangiti, sinenyasan nya akong lumapit sa kanya. Inilapag ko muna ang camera tsaka ko hinubad ang aking sapatos, at jacket. Itinupi ko din ang aking pantalon hanggang tuhod.

Kaya naman ang suot ko lang ay white sleeveless shirt at faded na maong ripped jeans and sunglass. Hindi naman ganoon kainit ang araw pero feel ko pa ring magsalamin. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya pagkadampot ko ng camera, mabilis kong sinuot ang lace nito.

Kinuhaan ko lang sya ng kinuhaan, gusto kong i-treasure at ipunin ang memories na kasama ko sya. Kaya naman bawat galaw nya ay kinukuhaan ko sya ng litrato. Nag-pose naman sya kaya lalo akong natuwa sa pagkuha ng litrato nya. Hanggang sa ayain nya ako, inakbayan nya ako tsaka ko kinuhaan ang aming mga sarili. At kung ano-ano pang pose ang ginawa naman.

Meron yung nakapasan sya sakin kaya hawak-hawak ko sya, samantlang sya naman ang may hawak sa camera upang kumuha ng aming litrato. Tuwang-tuwa sya na pinagmamasdan ang aming mga litrato at ganoon din naman ako. May nakita naman kaming couple na dadaan malapit sa amin, napasimangot ako ng biglang tumakbo si Devonne palapit doon.

"Ahmm excuse me, can you get us a picture?"  Tanong nya sa dalawa, ngumiti naman ito bago tumango. Tsaka inabot nya ang camera sa lalaki.

"Come on babe, lets take a picture" sabay kawit nya ng kanyang braso sa aking braso tsaka ako hinila palapit sa dalawa.

Pinatayo naman nila kami ng magkatabi tsaka kinuhaan ng picture. Hindi lang iyon, inutusan nila kami na maghawak kamay habang magkaharap at magkalapit ang aming mga mukha. Sinabihan nila kaming tingnan ang bawat isa sa mata.

Lucid Dreamer (short story) CompletedWhere stories live. Discover now