Chapter 13

34 2 0
                                    

Riley's POV

"Riley pakitulungan mo nga ako dito sandali. Nakakainis yang mga lalaki nating kaklase napakatamad!" Galit na turan ni Julia habang may hawak na mga kurtina't kinakabit sa isang kamayan

"Ah okay sige saglit lang" sagot ko sa kanya bago ko ibinigay kay Jm ang mga kartolina at ang mga hugis puso na ginupit-gupit namin.

"Mar, kayo na muna magtuloy. Tulungan ko lang saglit si Julia" ngumiti naman sila sakin tsaka tumango. Tinalikuran ko na sila tsaka lumapit kay Julia.

Tinulungan ko syang ikabit ang pulang kurtina at puti sa kawayan na nagsilbing maliit na bahay-bahay. Gusto daw kasi ng mga kaklase ko na gumawa ng picture boot para sa mga lovebirds. Mayroon naman kaming magaling na photographer kaya iyon ang napili namin, tsaka ang harana booth. Dahil may mga kaklase kami na magagaling kumanta, pero syempre kailangang magbayad para sa talent fee.

"Ganto ba?" Tanong ko kay Julia habang hawak ang dulo ng kurtina, tiningnan nya muna ito tsaka umiling

"Dasog mo konti! Yan! Perfect!" Ngiting-ngiti nyang turan. Sinilip ko naman ang pagkakaayos ng kurtina tsaka na ini- stapler.

Then pagkatapos ay bumaba na ako tsaka inalalayan ang upuan kung saan pagpapatungan ni Maritez, dahil sila ang mag-aayos ng kurtina. May experience naman sila sa housekeeping kaya alam na nila kung paano ayusin ang kurtina, upang lagyan ng design.

Nakatingin lang ako sa ginagawa nila habang may mga tinutusok na pin habang tinutupi nila ng maliit ang kurtina. Hindi ko alam kung anong tawag doon, pero masasabi ko na maganda naman ang kinalabasan. Nagmukha itong elegante, dahil sa mga close slit na nag-form ng mga guhit dahil sa tupi-tuping part ng kurtina.

Pagkatapos ay inutusan naman nila ako na kumuha ng pulang kartonila at gumupit ng parehaba, one inch at lapad nito. Gumupit naman ako kaagad ng dalawa tsaka inabot sa kanila, hindi ko alam kung ano ang gagawin doon kaya pinanuod ko lang uli. Itinali pa nila ito sa bandang gitna malapit sa dulo ng kurtina, pinaikot nila ito tsaka nilagyan ng stapler. Napatango-tango lang ako habang tinitingnan ito.

Itinuloy ko na ang pagkakabit ng puting tela pa harapan nito hanggang  tiyan ang taas. Paagkatapos ay nilagyan namin ng malaking puso sa gitna na gawa sa kartolinang pula. Then tumulong na din ako sa mga kaklase kong babae na ikabit ang maliliit na puso sa pulang laso, pati na rin ang magdikit sa paligid ng aming booth na nandito sa loob ng room namin sa may bandang likuran.

Nilagyan na din namin ng design ang paligid nito, mga nakasabit na puso at may mga plastic na bulaklak para mas magmukhang romantic. Iginilid namin ang mga upuan kaya naman maluwang ang gitna nito kung saan may mga nakasabit na puso't pula at puting lobo na nakakabit sa may kisame, sa gitna naman ay may red carpet na nakalatag habang may mga petals na nagkalat sa paligid.

Todo kuha naman ng litrato ang aming kaklase habang inaayos namin ang mga design, maging sa labas ng room namin ay nilagyan din namin ng walang katapusang puso, habang may nakataling makapal na pulang tela sa mga halaman na pa-ribbon.

Matapos namimg gawin ang mga ito ay saglit kaming naupo sa mga upuan, samantala ang iba naming kaklase na officer na babae ay nagbabantay sa pintuan para hindi makapasok ang mga kaklase naming lalaki. Ganti daw nila iyon dahil hindi manlang tumulong. Pero ang totoo ay may ginawa naman sila sa labas, sila ang mga nagkabit ng mga puso at pulang ribbon. Sadyang mga mapang-asar lang talaga sila.

Bukas pa namin namin ito gagamitin kaya sinabihan kami ni Sir Fritz at Maam Salem na ingatan lang na hindi masira para hindi sayang ang effort namin. Tuwang-tuwa ang teacher namin sa nagawa namin dahil maganda daw ang kinalabasan, mukha lang syang simple pero maganda. Mabuti na lamang at naisipan ni Leo na magdala ng red carpet, sa ibang lalaki naman ay ang mga kawayan at kurtina. Mga babae na ang gumawa pagdating sa pag-aayos

Lucid Dreamer (short story) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon