Chapter 2

100 4 0
                                    

Riley's POV

"So bakit ganyan na naman ang mukha mo Riley?" Paguumpisa ni Maritez ng matapos na ang flag ceremony

Pero nandito pa din kami sa pila dahil may ilang announcement, ngunit hindi ko naman maintindihan dahil sinasabayan din ito ng ibang grade at section.

Akala mo mga bubuyog na nagbubulungan, ako naman ay halos humaba na ang leeg kakahanap sa lalaking iyon.

"Oy! Riley parang hindi ka naman kinakausap!" Tawag pansin sakin ni Maritez

"Huh? Bakit ano ba yun?" Tanong ko sa kanya

"Sabi ko anong nangyare sayo bat ganyan mukha mo" dahil sa tanong nya ay napasimangot ako

"Paano yung mayabang kong haft brother sapilitang kinuha yung susi ng motor ko kanina. Kaya nga ngayon ay hinahanap ko sya para makuha na yung susi" habang walang tigil sa sinisilip ang pila ng kanilang section

"Ay sus! Ano pa bang aasahan mo dun. Naku! Riley, ito ay payong kaibigan lang huh?" Sabay tapik nya sa aking balikat kaya napatingin ako sa kanya na nakakunot pa din ang aking noo

"Ihanda mo ang sarili mo friend. Dahil nararamdaman ko na hindi mo kakayanin ang susunod na malalaman mo"

"Ano namang ibig mong sabihin?"

"Wala naman friend, naalala ko lang kasi yung motor na binili ng papa mo para sa kanya tapos ayon, wala pang isang oras di ba nasa junk shop na" sabi nya habang umiiling iling

"Kaya nga naiinis ako lalo eh. Nakakainis na talaga yung mag-inang iyon. Kung pwede nga lang umalis sa bahay lalayasan ko mga yun at hindi na ako babalik pa" hindi ko na napigilan sarili ko

"Gaga ka ba! Bakit ikaw ang aalis, bakit hindi sila?" Nakataas ang isa nyang kilay na tanong

"Iyon nga eh, masyadong makapal ang mga mukha ng mga iyon kaya ako na ang mag-a-adjust. Mahal ko pa buhay ko, madami pa akong pangarap. Kaya naman naisip ko na baka kailangan ko nang umalis sa bahay na iyon bago pa ako atakihin sa puso dahil sa sobrang inis" hinihingal naman ako matapos kong sabihin iyon

"Muka ngang inis na inis ka. Dahil halos walang preno hah? Relax ka nga lang friend. Naku, baka pumangit ka nyan. Mawawalan na ng gwapo sa room natin. Ikaw na nga lang ang nagsi-save samin mula sa mga kaklase nating anak araw eh" hinampas ko naman sya dahil pinagtitripan na naman nya mga kaklase naming lalaki.

"Ewan ko sayo Maritez. Basta, kapag nakita mo akong nasa harapan na ng pinto nyo na may dalang mga damit pagbuksan at papasukin mo ako huh?" Nakanguso kong turan sa kanya

"Nako friend hindi ko magagawa iyon" napasimangot naman ako

"Bakit naman?"

"Wala kasi kaming pintuan eh" sabay tawa nya, kaya napatingin ang ibang kaklase namin at istudyante samin

"Ah heheh pasensya na po. Hindi po kasi ito nakainom ng gamot" habang nakatakip sa bibig nya

"Ano ba yan Riley. Ang alat"

"Sino ba kasing nagsabi na dilaan mo kamay ko?" Masungit kong tanong sa kanya habang pinupunasan ang aking kamay ng panyo

"Eh gusto ko lang naman tikman kung masarap eh" mapang-asar nyang turan

"Gaga! Walang talo-talo! Di ako tumatalo ng tropa" sabay pitik ko sa kanyang noo na kinasimangot nya. Nginitian ko lang sya tsaka benelatan

"Tara na nga" aya ko sa kanya dahil nagsimula nang magsialisan ang mga istudyante

Tapos na pala yung announcement, wala manlang akong naintindihan. Hindi ko din nakita yung haft brother ko.

Nagkibit balikat na lang ako, siguro ay mamayang break ko na lang sya pupuntahan sa room nila. Kaso bigla akong napahinto ng maisip na pupunta ako sa room nila.

Lucid Dreamer (short story) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon