Chapter 15

32 1 0
                                    

Riley's POV

"Congratulation Riley. Binabati kita ng happy graduation day. At dahil dyan may surpresa kami sayo" masayang turan sakin ni maam Salem, nakangiti silang lahat pati ang mga kaklase ko.

Dinala nila ako sa loob ng room namin, hindi pa naman nagsisimula ang programa. Ngunit excited na silang ibigay ang surpresa kuno na hinanda nila para sakin. Nagtaka ako nang makita kong wala naman akong nakita sa room kundi ang nag-iisang lamesa sa gitna. Sa ibabaw nito ay isang laptop na nakabukas, sa paligid nito ay may mga ginupit-gupit na papel.

Lumingon naman ako sa kanila, sinenysan lang nila akong pumasok upang tingnan iyon. Kaya naman kahit nagdadalawang isip ay pumasok na ako uoang tingnan kung ano nga ba ang bagay na hinanda nila para sa akin. Pagkaharap ko sa laptop ay pinindot ko ito tsama biglang may lumabas na video. Kaya naman  I click the play botton, then iyon nag play na.

Wala naman akong ibang makita kundi mga larawan ng araw, dagat, bundok, ilog, talon, resort? Pinakatitigan ko ang mga ito dahil pamilyar ang mga lugar na ito. Hanggang sa lumabas ang mga hindi ko inaasahang litrato. Napangiti ako't may luhang pumatak mula sa aking mata. Napahawak ako sa screen ng laptop ng lumabas ang litrato ko na kasama ko sya sa mga lugar na pinakita. Hanggang sa sya na mismo ang nakatutok sa camera, ngumiti sya bago huminga ng malalim

"Hi babe, congratulation. You finally made it, like what I've told you, you can make it. Because you're the most brave and strong person I know. I'm so lucky to met you and to be loved by you. You never know how thankful I am, no words can explain how happy I am to be with you babe. I'm sorry I can make it to your graduation day because of my hectic schedule, I hope you understand babe. Don't worry after this I will fly to you, to be with you again. I miss you so much babe, I feel so lonely here because you're not here. I really miss your smell, your hug, your kiss, your presence, especially you babe. I miss you so much, wait for me please till I come back. I love you. Again congratulations babe"

Tsaka sya nagbigay ng flying kiss kaya natawa a ko sa kanya dahil napaka-childish  nya talaga, pero sobramg sweet. Nakangiti lang sya habang kumakaway hanggang sa tuluyan nang matapos ang video. Tumingin ako kila maam at sa mga kaklase ko na nakangiti sakin. Tumayo ako kaagad tsaka sila niyakap, nag-group hug kami at masayang bumalik sa covered court dahil magsisimula na daw

"Cortiz, Riley Shean V. " banggit sa aking pangalan, huminga muna ako ng malalim tsaka buong tapang na tumayo para tanggapin ang aking diploma.

Naglakad na ako patungo sa gitna, huminto ako sandali. Inilibot ko ang aking paningin, nagbabakasakali na baka dumating si papa. Ngunit ilang segundo na akong naghahanap ay wala sya, kaya naman naglakad na ako. Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa akin, mga kaiskwela ko, kaklase, mga teachers at mga magulang na nandito.

"Congratulation!" Bati sa akin ng principal namin nang ibigay nya sakin ang aking diploma. Tinanggap ko naman ito ng nakangiti

"Thank you sir" tsaka ako nakipagkamay, nanatili pa kami sa stage para kumuha ng litrato. Pagkatapos ay nagpasalamat akong muli bago tuluyang bumaba ng stage habang yakap ko ang aking diploma na matagal ko ding inasam na makuha.

Nakangiti ako ngunit iba ang sinasabi ng aking mga mata, dahil naalala ko bigla si mama noong nabubuhay pa sya. Sigurado ako na tuwang-tuwa iyon sa akin at proud na proud. Tumingin ako sa mga parents na nasa likod napangiti ako ng makita ko sya, nakangiti sya habang pumapalakpak kumaway pa ito sakin kaya ngumiti lang ako sa kanya hanggang sa makabalik na ako sa aking upuan.

"Capon, Julia Jane B. " tumayo naman si Julia na nasa tabi ko, bigayan na ng mga award tumayo muna sya sa gitna at masayang hinintay ang kanyang parents na naglalakad na patungo sa kanya. Both her mother and father. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanila habang pumapalakpak.

Lucid Dreamer (short story) CompletedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora