Chapter 11

38 2 0
                                    

Riley's POV

Nakatulala lamang ako sa harapan ng pisara habang pinanunuod at nakikinig sa discussion ng aking teacher habang nakapangalumbaba. Pakiramdam ko ay sobrang tagal ng oras, sobra na ang inip na nararamdaman ko. Gusto ko nang matapos ito, gusto ko nang makaidlip at makapagpahinga dahil ang bigat na ng mga talukap ng aking mga mata.

Napatakip naman ako sa aking bibig nang bigla akong mapahikab, napatingin ako sa aming harapan upang malaman kung nakita ba ako ng teacher namin. Nagpasalamat naman ako nang makita kong busy sya habang nakatingin sa libro.

"Excuse me maam"

Rinig kong turan ng isang boses mula sa labas, kaya't napahinto naman si maam sa kanyang ginagawa't napalingon sa may pintuan. Maging ako at ang mga kaklase ko ay ganoon din

Lumapit naman si maam sa pintuan tsaka lumabas upang kausapin ang taong dumating,, gusto ko sanang alamin kung sino iyon ngunit hindi makita mula dito sa pwesto ko kaya nagbawi na lang ako ng tingin tsaka dumukdok sa aking armchair tsaka pumikit dahil sobrang bigat na talaga ng talukap ng mga mata ko.

Napasimangot naman ako nang biglang marinig ko ang impit na sigaw ng mga kaklase ko. Hindi ko na lamang sila pinansin tsaka ko hinayaang magsara ang aking mga mata. Kampante naman ako na hindi ako mapapansin ni maam dahil nasa pinakadulo ang aking upuan at pinakasulok, kaya hindi ito pansinin

Bigla ko namang naramdaman na palakas nang palakas ang kanilang impit hanggang sa maramdaman ko ang pagtayo ng aking katabi, umusog ang kanyang upuan. Nakita ko iyon dahil sinilip ko ang kanyang paahan habang nakadukdok ako.

Hindi ko na rin narinig si maam na nagsalita kaya naisip ko na baka pinatawag iyon ng principal kaya ganito na lamang ang ingay ng aking mga kaklase. Napangiti naman ako dahil sa wakas makakaidlip na ako.

"Hi babe" nakaramdam naman ako ng kilabot nang marinig ko at maramdaman ko ang hangin sa aking tenga nang may bumulong.

Bigla akong napamulat ng aking mata, napakurap ako ng ilang beses dahil hindi ko alam kung namamaliktenga lang ba ako. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso, at lakong umiingay ang paligid. Nakikisabay sa ingay ng aking dibdib

"Hey babe!" Bulong uli ng isang pamilyar na boses

Inangat ko naman ang aking ulo tsaka dahan-dahang lumingon sa aking kanan. Nanlalaki naman ang aking mga mata nang masilayan ko ang napakagandang babae sa balat ng lupa. Nakangiti sya sakin tsaka kumaway.

Tuluyan na akong napaayos ng upo habang nakatitig sa kanyang mukha, nakayuko sya kanina habang nasa kanyang tuhod ang dalawa nyang kamay. Umayos na sya ng tayo kaya napatingala ako sa kanya.

Napatingin naman ako sa aking mga kaklase ng maghiyawan sila, nanunuod lang sila samin. Maging si maam ay nakangiti lang din. Tiningnan ko naman syang muli, nakangiti sya habang tumitingin sa aking mga kaklase

"Did you miss me babe?" Tanong nya sakin sabay pa-cute kaya lalong nag-ingay ang mga kaklase ko

Kinusot-kusot ko muna ang aking sarili tsaka tumingin uli sa kanya. Napatawa naman sya dahil sa ginawa ko pati ang mga kaklase ko

"Aren't you going to hug me?" Sabay spread ng kanyang mga braso, napasimangot naman sya nang hindi ako umiimik. Nakatitig lang ako sa kanya

"Aray!" Daing ko nang maramdaman ko ang sakit sa ulo ko ng batuhin ako ni Reymalyn ng marker sa aking ulo kaya napasimangot ako't napatingin sa kanya

"Yan! Para malaman mo na hindi ka nananaginip! Ikaw hah? Tatahimik-tahimik ka lang, di ka nagsasabi na may gf ka pa lang dyosa. Yieeeeeh" napakamot naman ako sa aking ulo tsaka napalingon sa kanya

Lucid Dreamer (short story) CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt