Chapter 6

72 3 0
                                    

Riley's POV

"So class yung habilin namin sa inyo huh? Ipagpapartner-partber namin kayo bago tayo pumunta doon, pagkatapos ay ia-assign namin kayo sa magkakaibang bahay. Walang pipili, huwag din kayong maarte hah? Huwag nyong hahayaan na makarating samin ang reklamo ng mga katutubo na maarte kayo. Remember community engagement ang gagawin natin. Makikipamuhay tayo sa pamamaraan ng pamumuhay nila, gagawin natin ang trabaho na ginagawa nila at kakainin natin kung ano ang pagkain nila. Pero pag-alam nyo naman na kakaiba ay huwag na. Pero sigurado naman ako na ligtas kayo doon. Kaya huwag kayong mag-alala" mahabang turan ni Sir Rolly dahil sya ang teacher namin sa Community Engagement kaya sya ang magbabantay samin habang nakikipamuhay kami sa ating mga katutubong Dingalenyo

Excited ako dahil iyon ang isa sa mga goal na gusto kong ma-achieve. Ang makipamuhay at malaman kung ano nga ba ang buhay ng mga katutubo. Kasi parang ang sarap balikan yung mga dating kaugalian ng mga Pilipino, mga lumang pamamaraan at tradisyon.

"Opo sir!" Sabay-sabay naming sagot ng mga kaklase ko

"Isa siguradong mag-e-njoy kayo doon mga bata. Dahil sa pagkakaalam ko madami ding mga taga ibang school ang nagtutungo doon para sa community engagement. Karamihan ay mga kilalang iskwelahan, tulad ng Ateneo, CLSU, La Salle at marami pang iba ang nagtutungo doon minsan  ay meron din namang mga taga ibang bansa ang dumadayo. Dahil gusto din nilang malaman ang klase ng pamumuhay nila at isa pa mahalaga ang community engagement na ito, dahil isa ito sa makakatulong sa inyo pagdating ng panahon. Ang pinagka-main goal natin dito ay ang makisalamuha sa iba at intindihin ang kanilang kultura. Dahil nga tayo di ba ay may magkakaibang pananaw sa buhay o paniniwala? Makakatulong ito para mabuksan ang ating kaisipan upang maintindihan din natin sila. Kaya naman unang-una sa lahat na pinapaalala ko sa inyo, matuto kayong rumespeto at umintindi. Maliwanag?"  Dagdag pa ni sir

"Opo sir!" Sigaw naming lahat

"Oh sya sige maiwan ko na kayo, umuwi na kayo diretso sa bahay. Huwag na sa kung saan-saan pumunta, nang makapaghanda kayo ng mga gamit nyo na dadalhin bukas. 7:30 am tayo dito bukas magkikita-kita okay?"

"Opo!" Pagkatapos ay tsaka sya umalis kaya naman nag-umpisa na din kaming magligpit ng aming mga gamit at naglinis ng room bago umuwi.

Tatlong araw din ang community engagement, kaya naman magdadala na din daw kami ng extra pang damit pati na rin pagkain na ibibigay sa kanila.

Sumakay na ako sa sakayan tsaka diretsong nagpahatid sa bahay. Pagkapasok ko ay tumakbo ako sa kwarto. Inilapag ko ang aking bag tsaka nagbihis ng jersey short at white t-shirt na plain lang.  Pagkatapos ay kinuha ko ang aking alkansya, binuksan ko ito. Tsaka ko kinuha ang 2K.

Hindi ko nilahat, syempre baka kailanganin ko yun bigla. Tinabi ko na uli ang alkansya ko, pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto tsaka dumiretso sa front door at sa gate.

Napatingin ako sa playground na nasa tapat lang ng bahay namin dahil may mga bata at mga high school student na naglalaro doon. Napatawa lang naman ako sa kanila bago naglakad patungo sa palengke para makapamili ng mga dadalhin ko bukas.

Malapit lang naman ang palengke sa bahay kaya hindi na kailangan pang gumamit ng sasakyan. 5 minutes lang na lakad, dipende din sa bilis ng paglalakad mo. Ganoon lamang kalapit iyon.

Pagkarating ko sa grocery store ay kumuha na ako ng mga delata at mga noodles, asukal at kape. Sinamahan ko na din ng gatas. Pinakwenta ko na ito sa tindera, halos naka-1K din ako. Pagkatapos ay ibinili ko na lang ng bigas yung sobra.

Naghintay pa ako ng halos 15 minutes bago matapos itong ilagay sa karton, sa sako naman inilagay ang halos 20kg na bigas. Hindi ko naman kaya itong dalhin na mag-isa kaya ang ginawa ko ay iniwan ko muna ito saglit, tutal kilala naman ako ng may ari.

Lucid Dreamer (short story) CompletedWhere stories live. Discover now