Chapter 12

41 1 0
                                    

Riley's POV

"What is your plan now Babe? Where do you want to go?" Tanong ko kay Devonne habang nagbabasa sya ng libro at nakahiga sa aking likod. Ako naman ay nakadapa lang nanunuod ng cartoons. Tumingin ako sa kanya dahil hindi sya umiimik

"Hey babe! I'm asking you, where do you want to go?" Tumihaya na ako tsaka kinuha ang unan upang ilagay sa aking uluhan. Kaya naman ngayon si Devonne ay nakahiga na sa aking tiyan, tumigil na din sya sa pagbabasa nakalapag na lang ito sa kanyang tiyan.

"Hmm... let's roam outside? I want to see your birthplace" sabi nya sakin habang nakangiti,, nag-isip muna ako then tumango na ako sa kanya.

"Okay then" tumayo na kami tsaka naggayak, pagkatapos ay lumabas na kami ng bahay. Ini-locked ko na lamang ang pinto.

"Lets go! Hop in!" Excited naman syang sumakay sa motor tsaka yumakap ng mahigpit sa aking bewang sabay patong ng kanyang baba sa aking balikat. Ngumiti lang ako sa kanya

"Are you ready babe?" Masaya kong tanong sa kanya

"Aye! Aye! Captain" tsaka nya tinaas ang isa nyang kamay habang nakangiti ng malawak

"Oooh!" Sabay naming dalawa then bigla kaming tumawa, tsaka ko na pinaandar ang aking motor.

Nakangiti lang sya habang pinagmamasdan ang kapaligiran, tuwang-tuwa din sya habang sinasamyo ang sariwang hangin. Una kaming nagtungo sa DKSA para magmeryenda.

Gusto ko kasing ipasubok sa kanya ang 75 pesos na lomi. Titingnan ko kung ano ang magiging reaksyon nya oras na makita nya ito

"Okay babe, I want you to try this food. This is the best, so delicious and affordable" turan ko sa kanya tsaka tinuro ang lomi na nakalagay sa isang malaking tarpauline

"Okay then lets order 2 bowls for the two of us!" Masaya nyang sagot sabay lapit sa pinto. Itutulak na sana nya ang pinto ngunit mabilis ko syang pinigilan kaya napatingin sya sakin

"No babe, lets order 1 bowl of lomi and 1 bowl of chamee. I'm craving for chamee" tsaka ako nagpacute sa kanya. Ngumiti naman sya tsaka tumango

"Okay" tsaka na kami pumasok, doon kami pumuwesto sa pinakadulo katapat ng aircon. Pina-una ko na sya ng upo doon, ako naman ay lumapit sa counter para mag-order. Pagkatapos ay nagpunta  naman ako sa ref para kumuha ng isang 1.5 na Royal at dalawang baso, self service kasi ang restaurant na ito. Tsaka hindi naman ito ganoon kalaki, maliit lang sya pero very comportable at affordable.

Inilapag ko kaagad iyon sa aming lamesa at muling bumalik sa counter upang kunin ang inorder kong log2x at spaghetti para habang naghihintay ay may kinakain kami. Hindi naman nakakainip dahil malamig ang loob at may tv din kaya malilibang kami habang hinihintay ang order.

Ilang sandali ay may lumapit na isang tao sa aming table, inilagay nya ang apat na maliliit na mangkok kasama ang kalamansi na nakalagay sa platito. Napatingin naman sakin si Devonne na may pagtataka, nginitian ko lang sya bago ako tumayo upang kunin ang chili oil at hot sauce.

After 10 minutes ay dumating na ang order namin, sayang-saya naman akong hinalo ang lomi at ginayak ang mangkok ni Devonne para malagyan ng lomi.

"Here babe!" Masaya kong turan sa kanya, lalo akong napatawa nang makita ko ang mukha nya. Nakatulala sya habang nakatingin sa dalawang malalaking mangkok na nasa harapan namin.

Mula ng makita nya ang order namin na dala ng waiter ay hindi na nawala ang panlalaki ng kanyang mga mata. Napatingim pa sya sakin, habang nakabuka ang kanyang bibig. Lahat ng dayo na kumakain dito sa DKSA ay ganoon ang nagiging reaksyon dahil hindi nila akalain na ang 75 pesos na lomi ay pang-apat na tao na. Kaya naiintindihan ko kung bakit ganoon ang kanyang reaksyon, isa pa masarap din ang lomi nila dito.

Lucid Dreamer (short story) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon