Chapter 7

51 4 0
                                    

Riley's POV

Lumipas ang madaming araw na lagi kaming magkasama ni Devonne, at sa mga araw na iyon masasabi kong naging sobrang saya ko. Makita ko lang ang ngiti nya at marinig ang mabini nyang mga pagtawa.

I like her vibes, pakiramdam ko ay kumpleto na ang araw ko makita ko lang sya. Halos wala kaming ibang ginagawa kundi walang katapusan na kwentuhan, kulitan at tawanan.

Yes we're just friend acted like a lover.

Halos hindi na kami mapaghiwalay sa tuwing kami ay nagkakasama. Sobrang saya, sobrang gaan sa pakiramdam. Yung simpleng bagay between saming dalawa ay nagiging special, lalo na't sya ang kasama ko. Sounds crazy, pero totoo iyon.

Ayoko nang magising pa

Sa ilang araw naming magkasama ay mayroon akong napapansin sa kanya, maraming beses ko nang sinubukan na sabihin iyon sa kanya. Ngunit ayoko namang sirain yung momentum kaya isinantabi ko na lang muna. Until lumipas ang mga linggo at buwan, pakiramdam ko ay sobrang tagal na naming magkakilala kaya ganoon na lang kami ka-comportable sa company ng bawat isa

Kasalukuyan kaming nasa park, nakaupo sa isang mahabang upuang kahoy. Tahimik na kumakain ng ice cream, katatapos lang namin maglibot-libot kaya nagpasya kaming mamahinga muna dito sa park hanggang sa may nakita kaming nagbebenta ng ice cream kaya bumili kami. Pampawi ng init at pagod.

Habang kumakain ng ice cream ay palihim kong sinusuri ang paligid, dahil napapansin ko ang mga tao na nakatingin samin. Para bang may ginagawa kaming masama, dahil bawat kilos namin ay pinanunuod nila. Ganoon lagi ang senaryo sa tuwing magkasama kami.

Kaya naman lumingon ako sa kanya, tahimik lang sya na kumakain ng ice cream. Kitang-kita ko ang tuwa at saya sa kanyang mukha. Hindi ko man makita ang kanyang mga mata ngayon dahil sa suot nyang sunglass at white cap. Ramdam na ramdam ko naman iyon sa kanyang aura. Naka-skinny jeans syang black at white airmax shoes, na tinernuhan nya ng long sleeve checkered na kulay black at white at nakasuot sya ng white t-shirt sa loob. Samantalang ang kanyang buhok ay blond na medyo wavy.

Simple lang ang kanyang itsura at pananamit, ngunit napakalakas ng dating para sakin. Wala naman akong ibang nakikita na special, kaya nagtataka ako kung bakit ganoon na lamang makatingin ang mga tao sa paligid. Minsan ay napapansin ko pa ang palihim na pagkuha nila ng litrato, kaya napapaiwas ako ng tingin sa mga iyon.

Pinagmamasdan ko lang sya hanggang sa bigla syang lumingon sakin. Napahinto sya sa kanyang pagkain tsaka ako pinakatitigan

"Why?" Tanong nya sakin, napangiti naman ako dahil may kumalat na ice cream sa gilid ng kanyang labi

"You looks liked a child. You're a messy-eater" sabi ko sa kanya, bago ko pinunasan ang gilid ng kanyang labi gamit ang aking thumb finger sabay ngiti sa kanya

"There you go, its done!" Pagkatapos ay humarap na ako sa aking harapan at pinagpatuloy ang aking pagkain ng ice cream, habang pinipigilan ang aking ngiti dahil nakita ko ang pamumula ng kanyang pisnge

"T-thanks, and I want to tell you I'm not a messy-eater" turan nya kaya napalingon ako sa kanya, nakanguso sya na para bang nagtatampo. Napatawa naman ako ng mahina dahilan para mapalingon sya sakin

"What?!" Masungit nyang tanong, pinakatitigan ko lang sya habang tumatawa pa din. Napanguso sya kaya ginulo ko ang buhok nya habang may suot syang cap, kaya nagulo ito na lalo nyang kinanguso

"Hey! Stop it!" Pagpigil nya sakin tsaka nya iniiwas ang kanyang ulo. Mas lalo kong ginulo ang kanyang buhok habang tumatawa

"Cute" sabi ko sa kanya bago ko sya tigilan at tumingin na lang uli sa harapan, napansin ko namang napahinto sya at nanahimik. Kaya napahinto ako sa pagkain ng papaubos ko nang ice cream. Nakatitig lang sya sakin

Lucid Dreamer (short story) Completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن