Chapter 5

70 2 0
                                    

Riley's POV

"Congratulation Riley, nagustuhan ko ang presentation mo. So far sa lahat ng research na naipresent, mas malinaw ang sayo kung ikukumpara sa ibang gawa ng mga kaklase mo lalo na ang mga nasa top. But may mga ilan kang butas sa research mo, pero ayos lang naman. Maybe ayusin mo na lang sa susunod. May susunod na research pa naman kayo sa Grade 12 eh" mahabang turan sakin ni maam Jen na kinangiti ko naman at kinapalakpak ng mga kasama ko

"Salamat po maam"

"So for the final question, rate your self from 1 to 10. What is your rate? Sa paggawa ng research" natahimik ako sandali tsaka ako nag-isip

"Maam 9 po" nagulat naman sya sa sinagot ko kaya napataas ang kanyang kilay

"Bakit naman 9 lang? Bakit hindi mo pa gawing 10?" Muli nyang tanong

"Kasi po sa totoo nyan maam, I had a trouble when it comes to socialize with other people. Hindi po ako comportable na makipagusap sa kanila, kung baga nahihiya po ako and lalong lalo na po kasi. Nakakahiya pong magtanong ng mga question regarding sa pre-marital sex tapos sa strangers pa" lalo naman syang naguluhan sa sinagot ko

"Then paano mo nakuha ang mga data?"

"Sa totoo po nyan maam, yung partner ko po ang nagconduct ng interview to get the data. Pagkatapos po ay ibinigay nya sakin lahat, then ako na po ang nag-finalize. From chapter 1 to 5 ay ako po ang gumawa, pero hindi ko po ito matatapos kung hindi dahil sa ginawa ng partner ko. Kung tutuusin ay mas malaki po ang naging part nya, dahil kung hindi dahil sa kanya hindi matatapos itong research" mahaba kong paliwanag sa kanya

"Kung ganon nasan ang partner mo?"

"Kasi po maam, hindi po sya pumasok ngayon. Sinabihan ko naman po na ngayon kami magpe-present. Kaso nagkaroon po ng emergency sa bahay nila kaya po hindi po sya nakapag-present kasama ko. Pero maam, kung okay lang po sa inyo. Pwede po bang magpresent yung partner ko para makapag-depend din po sya sa inyo?" Tanong ko sa kanya

"Oo sige. Basta huwag nyang paabutin sa huling araw ng depend. Dahil kapag di sya nakapag-depend ise-zero ko na sya. By the way good job. You may go now"

Nagpaalam na ako at nagpasalamat pang muli bago kami tuluyang umalis ng mga kasamahan ko na nagdepend din.

Nagbatian at nag-congratulation lang kami sa isa't isa tsaka kumain kami sa Di Ko Sukat Akalain Restaurant and Refreshment, dahil murang-mura lang doon.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami sa isa't isa bago umuwi sa bahay.

Labis akong nagtataka dahil napakatahimik ng bahay ng makarating ako. Hindi ko nakita si mama, kaya sinubukan ko syang tawagin. Madilim ang buong bahay kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba

Dahan-dahan kong itinulak ang pinto ng mapihit ko ang door knob nito, kinuha ko naman ang dustfan na nakita ko bago tuluyang itinulak ang pintuan.  Pagpasok ko sa loob ay inilibot ko ang aking paningin, sobrang dilim

"Ma, pa?" Ngunit wala ni isang sumagot hanggang sa bigla na lamang sumabog ang liwanag sa buong bahay

"SURPRISE!!!" Sigaw nila sabay ang pagsabog ng confetti.

"Happy birthday to you... happy birthday to you... happy birthday, happy birthday, happy birthday to you..." napangiti naman ako dahil sobra akong nasurpresa sa ginawa nila kaya napangiti na ako habang hawak-hawak ni mama ang cake

"Happy birthday baby Riley" sabay lapit nila sakin

"Make a wish then blow your candle" ginawa ko naman ang sinabi nya

Pumikit ako tsaka pinagsakilop ang aking dalawang palad tsaka humiling na sana ay  hindi na matapos ang ganito. Tsaka ako nagdilat ng mata, nginitian ko muna sila bago hinipan ang kandila. Tsaka sila pumalakpak

Lucid Dreamer (short story) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon