Chapter 17

51 1 0
                                    

Riley's POV

"Oh! Riley, anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong sa akin ni Maritez, nagpunta ako dito sa bahay nila upang magtanong

"Si Devonne" banggit ko nakita ko naman ang pagtataka sa kanyang mga mata

"Devonne? Sino yun?" Tanong nya sakin

"Hindi mo ba sya natatandaan? Pumunta sya sa room natin noong grade 11 tayo para surpresahin ako. Nakasama pa nga natin syang pumunta ng Mountain View Deck at sa Parola, kasama ang mga kaklase natin" napakamot naman sya sa kanyang ulo

"Wala akong matandaan. Ang alam ko lang ay tayo-tayo lang ng mga kaklase natin ata iyon" sagot nya

"Hindi, kinuhaan mo pa kami ng picture noon at nagvlog ka pa noon" naguluhan naman sya bigla sa sinabi ko

"Anong pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan"

Bagsak ang aking balikat na umalis sa bahay nila. Litong-lito na ako kung saan ako tutungo, kung saan ko sya hahanapin dahil halos lahat ng mga taong nilapitan ko ay sinasabi nilang wala silang kilalang Devonne

Mahigit 4 na oras ang ginugol ko upang puntahan ang mga kaklase ko para magtanong sa kanila ng tungkol kay Devonne, ngunit lahat sila ay iisa lang ang sagot. Walang Devonne na nag-exist sa memory nila.

Nandito ako ngayon sa Tanawan, sa Dingalan Cafe. Madilim na ang paligid ngunit nandito lang ako nakaupo sa gilid ng kalsada habang nakasandal sa sementong harang katabi ang aking motor. Napatingin ako sa aking cellphone nang muli itong mag-vibrate.

Tiningnan ko kung ano iyon, si papa lang pala. Kanina pa nila ako tinatawagan ngunit hindi ko magawang sagutin, kahit ang reply sa mga text nila ay di ko magawa. Hindi ko alam kung paano sila rereplayan.

Bigla naman akong nabuhayan ng loob ng maalala ko ang isang lugar na pwedeng makita ko sya. Pinunasan ko ang aking mukha upang tuyuin ang aking mga luha. Inilagay ko agad sa bulsa ang aking cellphone tsaka mabilis na pinaadar ang aking motor.

Patungo ako ngayon sa Aplaya, kung saan ako dati nangupahan noong pinalayas ako ni papa. Nabuhayan ako ng loob ng maalala ko ang lugar na iyon.

20 minutes ang lumipas ay nakarating din ako dito sa Brgy. Aplaya. Bumaba ako ng aking motor, ngunit nagtataka ako dahil may nakatira na kaagad sa bahay na ito. Lumapit naman ako sa taong nakatira doon at nagtanong. Sinabi ko sa kanya na ako yung nangupahan dito, tinanong ko kung may nakita ba silang babae dito bago sila lumipat.

"Mawalang galang na po, pero matagak na po kaming nakatira dito mula pa nang ipanganak ako ng aking ina. Mahigit 35 years na kaming nakatira dito, at ni minsan ay hindi namin pinaupahan ang bahay na ito. Mukang nagkamali ka ng lugar na napuntahan" sagot ng babae tsaka ako nito tinalikuran

Tumalikod na ako sa bahay na iyon tsaka naglakad papunta sa aking motor, ngunit di pa man ako nakakalapit ng lubusan sa aking motor ay nakaramdam ako ng hilo. Buti na lamang ay nakahawak ako kaagad sa posteng nasa tapat ng bahay, tiningala ko ito't napangiti ako ng sobrang pait.

"Devonne" tawag ko sa kanyang pangalan habang nakahawak sa ulo kong sumasakit. Muling nag-vibrate ang aking cellphone, kinuha ko ito kaagad sa aking bulsa tsaka sinagot ang tawag

"H-hello" sagot ko

"My god Riley! Sa wakas sinagot mo na din! Sabihin mo nasan ka? Kanina ka pa tinatawagan ng papa mo, nasabi nya sakin ang nangyari. Nasaan ka  ba ngayon? Sabihin mo nang mapuntahan kita, pinag-aalala mo ang mga tao sa paligid mo" mahabang turan sakin ni maam Salem na halatang sobra ang pag-aalala

"M-maam" hindj ko na napigilan ang aking sarili't tuluyan na akong pumiyok. Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang aking pag-iyak. Nalasahan ko lamang ag sarili kong dugo, ngunit hindi ko napigilan ang iyak ko

"Sabihin mo nasan ka?" Suminghoy muna ako bago sumagkt sa kanya

"Aplaya maam" sagot ko habang umiiyak na ako, nakatabon ang aking braso sa aking mga mata. Wala na din akong pakialam sa kung anong sasabihin sakin ng makakakita

"Sige dyan ka lang. Huwag kang aalis, pupuntahan kita" ibinaba ko na ang aking cellphone tsaka hinayaang mapaupo sa lupa habang walang tigil sa pag-iyak. Nakasandal lang ako sa poste ng ilaw na syang nagbibigay liwanag sa aking kinaroroonan

10 minutes ay dumating na din si Maam, napalingon ako sa kanya ng tawagin nya ang aking pangalan. Patakbo syang lumapit sa akin, napatayo naman ako. Lagkalapit nya ay mabilis nya akong niyakal, muli na naman akong napaiyak sa kanyang balikat. Hinaplos nya lang ang aking likod at ulo uoang pakalmahin.

"Sabihin mo sakin Riley ano ba talaga ang nangyayare?" Tanong nya sakin, nakatingin sya sakin nang lumingon ako sa kanya. Nandito kami sa loob ng sasakyan nya. Sinabihan nya ang kanyang pamangkin na sila na lang ang maghatid ng motor ko sa bahay.

"Si Devonne maam, hindj ko maintindihan kung bakit parang hindi siya nag-exist sa mga buhay nila. Pare-pareho lang ang sagot nila, hindi nila kilala si Devonne. Sinasabi nila na ilusyon ko lamang iyon, na imagination ko lang. Pero hindi, malinaw sa aking alaala ang lahat. Nakasama ko sya, nakausap, maging kayo. Malinaw iyon sa aking alaala, natatandaan ko ang lahat. Lahat-lahat. Kung paano kami nag-umpisa, ang nga nangyari sa amin habang masayang magkasama. Saksi kayo sa aming dalawa maam, pero bakit ganoon? Parang nabura sya sa inyong alaala? Sinasabihan nila akong baka epekto lang ito ng aksidente, sinasabi nilang nababaliw na ako! Hindi ako baliw maam. Totoo ang sinasabi ko! Maniwala ka maam! Nagsasabi ako ng totoo!" Nag- hysterical na ako kaya naman niyakap ako uli ni maam para muling pakalmahin.

"Totoo ang sinasabi ko maam, maniwala ka" umiiyak kong turan habang madiin na nakahawak sa kanyang balikat

"Shh!  Tama na Riley! Relax, huminga ka ng malalim. Pakalmahin mo ang sarili mo, then sabihin mo sakin ang lahat" habang hinahaplos nya ang aking likod

"Sinabi ko na sa inyo ang lahat maam. Kung ano ang naaalala kk, ang lahat ng natatandaan ko" tsaka ako humiwalay sa kanya

"Riley, makinig ka sakin huh? Huwag mo sanang masamain ang aking sasabihin" mahinahon nyang turan, tumango naman ako. Huminga muna sya ng malalim at napapikit ng madiin bago nagpatuloy sa kanyang sasabihin

"Sigurado ka ba sa lahat ng naaalala mo Riley? Baka kasi nananaginip ka lang, lalo ma matagal kang walang malay. Kung oo ay naiintindihan kita, dahil saksi ako kung gaano kadaming problema ang kinaharap mo noon. Ang stress at pressure na naranasan mo. Kaya naman Riley, bilang pangalawang ina mo. Hindi kaya mas makakabuti kung sumailalim ka sa theraphy, alam mo na baka dahil iyan sa aksidente at sa tagal ng iyong pagtulog ay nagkagulo ang mga alaala't panaginip mo" napatitig lang ako sa kanya, kitang-kita ko naman na seryoso sya sa kanyang sinasabi

"Baka dahil lang iyan sa pressure at stress na naranasan mo bago maganap ang aksidente. May kakilala akong psychiatrist na makakatulong sayo, basta sabihin mo lang. I think side effect lang iyan Riley, lalo na't isa kang teenager. Madalas nakakaranas ng pressure at stress, siguro ay resulta lang iyan ng naranasan mo kaya naman kung ano-ano na lamang ang nakikita't naalala mo na hindi naman talaga nangyari. Hallucination and illution" napatulala ako sa kanyang sinabi at napayuko

..
...
....
............

Lucid Dreamer (short story) CompletedWhere stories live. Discover now