Chapter 16

37 1 0
                                    

(Play: Lullaby - Faik Rauf)

Riley's POV

"Riley hanggang kailan ka ba dyan na nakahiga? Tumayo ka na kaya dyan"

"Alam mo ba na madami nang nagbago ngayon, yung dati nating school maganda na. Napaayos na, may mga bagong building at coverd court na din"

"Riley, alam mo bang bago na ang mayor natin ngayon? Isa lang ang masasabi ko, napakagaling nyang pinuno"

"Tama ka Julia, pag pwede ka na Riley gusto mo punta tayo ng Dika Road. Bagong kalsada iyon na pinagawa ni Mayor. Kaya naman pwede na tayong pumunta ng Dika ng hindi magbabangka, ang kaso hindi pa ata tapos iyon"

"Alam mo bang nagbukas na din ang Dingalan para sa mga turista? Madami na ang dumadayo dito sa atin. Minsan akyat tayo ng parola"

"Picnic na din tayo sa Tanawan Falls o kaya Laktas Falls"

"Bago na din pala ang palengke, parang nakakamiss nga yung dating ayos ng palengke natin eh. Kasi ang sikip na tingnan ngayon kumpara dati"

"Sayang Riley, hindi mo naabutan yung DKSA. nagsarado na nga ngayon eh.  Ang sarap pa naman ng lomi nila doon tapos napakamura pa"

"Ginawa na nga iyong gulayan eh. Halo-halo na ang tinda"

"Naayos na din ang Langawan Bridge Sa wakas. Sobrang taas na ngayon kesa dati"

"May bago na nga din tayong Fire station, naalala mo yung ginagawa sa harap ng simbahan ng Poblacion? Yung hindi natapos? Pagkaupo ng bagong mayor ay pinagawa na nya iyon"

"Pati rin kaya bagong Police station at center, pati yung gym ay coverd na hindi na tayo mababasa doon kapag umulan. May saeiling radio station na din tayo"

"Pati yung playground at gater ay maayos na din. Sa central nga ay may coverd court na din tapos nagtayo na din ng 2 storey building"

"Riley, anak. Patawarin mo sana ang papa mo dahil hindi kita naalagaan ng maayos at hindi kita pinaniwalaan noon. Patawarin mo sana ako anak"

"Riley, kailan ka ba papasok uli? Nakausap ko na yung kaibigan kong Pulis, sabi nya ay pwede ka daw gawing scholar ng PNP. Ayaw mo noon sila na ang sasagot sa lahat ng gagastusin mo sa school. Hinihintay ka na lang nila na makipagkita't makipag-usap sa kanila"

"Riley maganda pumunta ng Mountain View Deck, gusto mo ba pumunta doon?"

"Alam mo nakakainis ka na! Hanggang kailan ka pa ba dyan?"

"Andami mo nang na-missed na mga bagay at pangyayari Riley!"

"Baka naman gusto mo nang bumangon dyan?"

"Hindi ba nananakit ang likod mo kakahiga dyan Riley? Pakiramdam ko makapal na kalyo ng likod mo"

"Anak, wala na ang lola mo. Hindi ka na nya nahintay pa, pati ang lolo mo ay sumunod na din sa lola mo. Huwag ka munang sumunod sa kanila huh?"

Lucid Dreamer (short story) CompletedWhere stories live. Discover now