Chapter 11

72 6 1
                                    

Dahil wala ang partner ni Hanson at wala rin ang partner kong si Zion, nagdesisyon ang coordinator na baguhin ang mechanics. Pinagpares ang parehong lebel, at magbubunutan para maiba partners.

Dahil ti-a-apat ang babae at lalaki sa 4th year, hindi nahirapan ang coordinator na ipagpares kami sa ibang seksyon. Medyo nailang nga ako dahil galing sa 4E ang naging partner ko. Aldos daw ang pangalan niya. At kanina pa niya ako kinukulit.

"Sonya Cetera Amarez is your name? What shall I call you, Sonya Cetera Amarez? Your name is too long, Sonya Cetera Amarez."

"Ah! Pwedeng manahimik ka?" Humalukipkip ako. "Hindi mo kailangang ipamukha sa akin ang pangalan ko. Alam na alam ko 'yon."

Ngumisi lang siya at nilapit ang mukha sa akin. Umusog naman ako palayo kaso nawalan ako ng balanse kaya muntikan na akong mahulog sa maikling upuan na walang sandalan. Maagap naman niyang pinulupot ang braso sa baywang ko at hinigit ako palapit sa katawan niya.

Napatitig ako sa kulay asul niyang mga mata. Nagulat ako nang ngumiti siya bigla. "Maganda ka pala," sabi niya bago lumayo.

Napaikhim ako at napaiwas ng tingin. "Wag mo nang gawin 'yon ulit."

"Tatawagin na lang kitang black-eyed girl."

Napabaling ulit ako sa kaniya. "Ano?"

Ngumisi siya at sumipol. "Black-eyed girl."

"Para naman akong nabugbog niyan," asik ko at humalukipkip. "Ano bang pangalan mo?" tanong ko pa.

"Aldos."

"Full name."

"Alistar Domis F. Dagoon."

Tumango-tango ako at tumahimik na. Tiningnan ko ang babaeng partner sana ni Aldos at tinuro 'yon. "Sino siya?" tanong ko.

Nagtaka ako nang malapad siyang ngumiti. "Si Clara."

Tinaas ko ang kilay at tiningnan si Clara mula ulo hanggang paa. Maganda naman. Makinis, saka maputi. Halatang anak-mayaman. "May gusto ka sa kaniya?" tanong ko.

"Oo."

"Walang ligoy-ligoy, a?"

"My mother raised me to speak truth."

Nagitla ako nang may sumigaw na babae. "What? No! This is nonsense!"

Natahimik ang buong gym. Napatingin ang lahat sa babaeng sumigaw. Napatingin ako sa babae, at unang napansin ko ang naka-ponytail niyang buhok. Medyo maputi ang mukha niya kaya alam ko na agad na naglagay siya ng foundation sa mukha. Kausap niya ang coordinator ng event.

Bigla na lang sumulpot ang Vice-President ng SSG na si Rita. Walang emosyon ang mukha niya at nakahalukipkip. "Excuse me? Anong problema rito?"

Humarap ang babae kay Rita. "Ms. VP, I don't agree with this change. Froilan Jude should be my partner and not someone from 4B!"

Umikhim si Rita. "I'm sorry, but what's your name, Miss?"

"Call me, Gerry."

"Okay, Ms. Gerry." Ngumiti si Rita. "If you can't accept this change, you can back-out."

"What? Kilala mo ba ako?" masungit na tanong ng babae. "I'm Gerry Anne from 4A!"

"Wala akong pakialam, Ms. Gerry."

"Pero Miss, hindi ako papayag! 4A ako, and that boy?" Umirap si Gerry. "He's not the same level with me!"

Napahalukipkip ako at manghang pinagmasdan ang nangyayari. Ang tinutukoy na lalaki ni Gerry ay si Donovan. Ah, alam ko naman na may ilan sa 4A ang medyo... not in good terms sa ibang section. Siguro, dahil mas lamang daw sila ng ilang hakbang sa ibang section. Hinihintay ko ang reaksyon ni Donovan pero nandoon lang siya sa upuan, nakahalukipkip at tahimik na nakikinig ng music sa earphones na nakakabit sa magkabilang tainga.

"So what?" ani Rita at humarap kay Froilan na kasalukuyang nakababa ang tingin sa cellphone. Parang nagtitipa ng text. "Froilan Jude Jimenez," tawag ni Rita.

Nag-angat ng tingin si Froilan. "What is it?"

"Ayaw ng former partner mo. Baka may sasabihin ka?"

Sumulyap si Froilan kay Gerry bago binaling ulit ang tingin kay Rita. "I'm sorry. Papunta na rito ang kapalit ko."

"Kapalit?" Nangunot ang noo ni Rita. "Anong ibig mong sabihin?"

"I can't make it to the event. Mas kailangan ako ni Sidine."

Natahimik saglit si Rita bago nakakaunawang tumango. "I see. Pero baka may sasabihin ka kay Gerry?"

Tumingin si Froilan kay Gerry. "We're not forcing you. You can back-out if you want. Angelica is eager to replace you," sabi ni Froilan bago naglakad paalis ng gym.

Tahimik pa rin ang lahat, at bigla na lang tumawa si Aldos. Napatingin ako sa kaniya. "Anong nakakatawa?"

Natatawa siyang umiling. "Nothing. I just find it amusing," aniya at ngumisi na naman nang malapad.

Napailing na lang ako. Natahimik na si Gerry, at mukhang wala na ring magrireklamo sa kani-kaniyang mga bagong partners. Limang minuto pa bago kami pinatayo ng coordinator. Tahimik namang nagmasid si Rita.

HALOS alas-siyete na ng gabi nang matapos ang practice namin. Nag-aayos na ang lahat para umuwi pero nandito ako sa sahig ng court, nakaupo, nakapikit, at nakahawak sa ulo. Pakiramdam ko, umiikot ang paligid at halos masuka ako sa hilo.

Inikot ako nang inikot ni Aldos kaya muntikan na akong matapilok. Mabuti na lang at malakas siya kaya nahihigit niya ako payakap para hindi madapa sa sahig. Tinawanan pa ako. Hay. Ewan ko kung kanino nagmana ang lalaking 'yon.

Naramdaman kong may lumuhod sa harap ko. Nagmulat ako at nakita ko ang nakangiting mukha ni Aldos. "Hindi mo kayang tumayo?"

Ngumuso ako. "Bakit mo ba ako inikot? Wala naman 'yon sa choreography."

Nagkibit-balikat siya at inabot ang tuktok ng ulo ko para guluhin ang buhok ko. "Halika, tulungan na kita."

Tumayo siya at nilahad ang kamay sa harap ko. Kunot-noo kong inabot ang kamay at napasinghap ako nang basta-basta niya lang akong hinila patayo. Napasubsob ako sa dibdib niya. Natawa na naman siya at pabirong hinagod ang likod ko. "Hatid na kita sa inyo," sabi pa niya.

Agad ko siyang tinulak palayo. Napaatras naman siya. Nangunot ang noo ko nang umikot ang paligid. Napapikit ako at para yatang nanlambot ang tuhod ko. Mabilis na hinawakan ni Aldos ang magkabila kong balikat.

Kunot noo akong nagmulat at nakita kong seryoso na ang mukha niya. "Namumutla ka."

Hinawi ko ang kamay niya at naglakad palayo pero nandidilim ang paningin ko. Mabilis akong sinalo ng kung sino bago pa ako mapasalampak sa sahig. Bakit ba ayaw mawala ng hilo?

Naramdaman kong umangat ako sa eri. Nanlalabo ang paningin napatingin ako sa taong nagbuhat sa akin. Donovan?

"Pre, ako nang bahala sa kapatid ko."

"Namumutla siya."

"Papakainin ko siya ng ampalaya."

"Kapatid mo ba talaga si Sonya Cetera Amarez?"

"Oo, pre. Iuuwi ko na siya."

Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos.

#060220.7.4P
R.V.

River Flows in You (Complete)Where stories live. Discover now