Chapter 21

75 8 2
                                    

Malalim na ang gabi. Nakapaskil na sa madalim na langit ang mga bituin. Walang buwan. Siguro, new moon ngayong gabi. Hindi naman kasi maulap.

Huminga ako nang malalim at umupo sa bench na nasa garden. Tulog na si Mama kaya lumabas ako para magpahangin. Para makapag-isip-isip. Masyado na kasing maraming bagay ang gumugulo sa isip ko. Bumuntonghinga ako.

Kaninang umaga, nakita ko si Zion na kumakanta kasama ang mga kaklase ko. Absent si Cara kaya si Donovan at Zion ang kasama ko kaninang tanghalian. Hindi ko rin nakita si Hanson o kaya si Aldos sa hallway, at hindi na rin ako kinukulit ni Donny, kaya naging tahimik ang buong maghapon ko.

Napatingala ako sa mga bituin. Hindi ko pa rin limot ang sinabi ni Zion kahapon. Tungkol sa salvation, tungkol sa gospel. At kung gaano ako nasaktan sa ginawa ng mga tao kay Jesus.

Hindi iyon ang unang beses na narinig ko ang kuwento ng buhay Niya. Pero sa sandaling iyon, mas naunawaan ko kung bakit pinako Siya sa krus. Sa sandali ring iyon, mas ramdam ko ang sakit, at ang bigat ng sakripisyo ni Jesus para lang maligtas ako sa kamatayan.

Mas naunawaan ko ang pag-ibig Niya sa akin. Mas naunawaan ko ang importansiya ng paghingi ng tawad sa Kaniya. Mas naunawaan ko na ngayon...

At kailangan ko nang maramdaman ulit ang presensiya Niya...

Huminga ako nang malalim at pumikit. Pinakinggan kong mabuti ang ingay ng kuliglig at banayad na simoy ng malamig na hangin. Antahimik ng paligid na maski ang mahinang ugong ng aircon sa second floor ng bahay ay naririnig ko.

Dahan-dahan kong pinuno ng hangin ang baga sabay buga. "Lord..." Unang salitang lumabas sa bibig ko. Mas pinaigi ko ang pagpikit at bahagyang nangunot ang noo.

Maya-maya pa'y nawala ang tensiyon ng katawan ko. Huminga ulit ako nang malalim. "I believe in Your burial, death, and resurrection. I believe that You have died for my sins. I believe that the Spirit of God whom was with You while doing Your ministry here on earth, had risen You from the dead. I believe that You appear to many people before You ascended into heaven. I believe that You have seated at the right hand of the Father, and given authority over the heaven and earth.

I believe that You are the Son of God. Lord, I believe in You. I believe in all of Your wonders, all of Your marvelous authority. I have seen Your love and affection to other people. I know that You are working in their lives...

Lord, my heart is longing for Your presence. Lord, I deeply need Your presence in my life... please..."

Nagmulat ako ng mata at mariing tumitig sa kalangitang binudburan ng diyamante.

"All I want is to feel Your presence. I have been longing for Your presence, Lord. Let my life be an altar. Let the fire consume me. For Your glory... Use my life for Your glory. This I ask in Jesus name..."

Pinikit ko ang mga mata at tumahimik. Nakiramdam ako sa ihip ng hangin. Noong una ay banayad, ngunit paunti-unti iyong lumalakas. Yumayakap. Malamig. Isang mabilis na ihip ng hangin, katulad ng inilarawan sa Pentecost.

Napahawak ako sa dibdib at naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata. Bumigat bigla ang dibdib ko at sa isang iglap, nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Napaluhod ako sa lupa. Napatingala ako sa bigat. Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha sa mga mata ko.

Bumalik bigla sa isip ko ang mga maling nagawa ko nitong nakaraang mga buwan. Mga kasalanan na ginawa ko kahit alam kong mali. Kasalanang hindi ko alam na nagawa ko na pala. Mga kasalanang nagparumi sa pagkatao ko. Paulit-ulit akong humingi ng tawad sa Kaniya.

Nagmulat ako at nanlalabo ang tingin tumitig sa itaas. Bumulong ako sa hangin. At naniniwala akong naririnig na Niya ako. Dahil alam ko, mula sa oras na ito... mag-iiba na ang takbo ng buhay ko.



River Flows in You (Complete)Where stories live. Discover now