Chapter 25

162 10 3
                                    

Media: Revelation Song

~

Sa isang kisap-mata, biglang nagbago ang buhay na kinagisnan ko. Nilingon ko ang gate ng Amarez-Castro compound bago tuluyang pumasok sa sasakyan ni Papa. Bahagya akong ngumiti sa kaniya at nagsuot ng seatbelt. Ngumiti rin siya sa akin bago binuhay ang sasakyan at pinatakbo palayo.

Simula nang nagkausap sina Mama at Tito, naging tahimik na si Mama. Isang linggo pa 'yong lumipas bago niya sinabi sa aking ipapadala niya ako kay Papa. Doon na muna ako titira sa poder ni Papa habang aalis na muna siya para hanapin ang sarili. Pupunta siya sa ibang bansa.

Hindi ko na pinigilan dahil alam kong nasaktan siya nang husto sa ginawa ni Tito. Isa pa, mas mabuti nga siguro ang nangyari dahil hindi na matutuloy ang plano nilang dalawa. Hindi sa nagiging masama akong anak, pero mas makakabuting hindi na nila itutuloy.

"Kumusta naman ang Tito Gerald mo?" tanong bigla ni Papa.

Huminga ako nang malalim. "Ayos lang po siya. Hindi naman masungit. Mabait nga po."

"Kumusta naman ang Mama mo?"

"Ayos lang din po." Bumaling ako sa kaniya. "Hindi kayo nag-uusap ni Mama, Pa?"

"Minsan lang."

"Amm, mahal mo pa rin ba siya... Pa?"

Ilang segundo siyang tumahimik bago sumagot. "Mahal ko ang mama mo."

Nagbaba ako ng tingin at bumuntonghinga. "May chance ba na makipagbalikan ka ulit sa kaniya, Pa?"

Sumulyap siya sa akin bago binaling ulit ang tingin sa kalsada. "Hindi ako ang nakipaghiwalay. Pero kung makipagbalikan siya, hindi ako magdadalawang-isip na tanggapin siya ulit, Sera."

"Masaya akong marinig 'yan, Pa." Ngumiti ako nang malapad bago tumingin sa labas ng bintana. Pero muli akong tumingin sa kaniya nang may biglang sumagi sa isip ko. "Amm... Pa?"

"Ano 'yon?"

"Ikaw po ba 'yong dahilan o si Mama?"

Natahimik siya saglit bago umikhim. "Hindi ko inisip kung sino ang may kasalanan, Sera. Basta nasa mabuting kalagayan siya, masaya na ako."

Napabuntonghinga ulit ako at napatingin ulit sa labas ng bintana. Hindi na ako ulit nagtanong kay Papa.

NAPAKURAP ako. Hindi ko akalaing ito ang mararatnan ko sa bahay ni Papa. Isang set ng musical instrument ang nasa sala, at may apat na lalaki at dalawang babaeng masayang nakukwentuhan sa may sofa.

Napatayo sila nang makita kaming pumasok sa main door.

"Brother Ishyel, good afternoon." Tumingin ang lalaki sa akin. "Ito ba ang anak mo, Brother?"

Tumango si Papa. "Si Sonya Cetera Amarez. Sera, si Yuan, worship leader ng Living Word Church."

Umawang ang labi ko at napatingin kay Papa. "Church? Living Word Church?"

"Oo."

Napangiti ako nang malapad at masayang nakipagkamay kay Yuan. "Nice to know you po. Amm... kumakanta po talaga kayo? Praise and worship?"

Natawa siya. "Yes. If you want, join us here. May practice kami ngayon at itong bahay ng Papa mo ang magandang lugar para mag-practice. Sana ay hindi ka maiirita sa ingay."

"Hindi po." Mabilis akong umiling. "Sa katunayan, pangarap kong makasali sa isang worship team ng isang church. Kahit na hindi kagandahan ang boses ko."

Tumango-tango siya. "We'll let you lead a song. Kapag medyo okay naman, isasali ka namin. Pero kailangan mo munang ma-baptize ng Holy Spirit. Sumama ka bukas sa church. May impartation si Pastor."

"Wala pong problema!" masaya kong sambit.

Natawa pa si Papa sa excitement ko habang ngumiti nang malapad si Yuan. "So... come. Anong alam mong kanta?"

"Revelation song po."

Ngumiti si Yuan at inakay ako palapit sa musical intruments. Nagsilapitan na rin ang ibang kasama niya. Lumingon ako kay Papa. Ngumiti siya sa akin kaya bahagya akong kumaway sa kaniya. Nag-thumbs up pa siya sa akin bago lumabas ulit sa main door.

Halos manlamig ako sa excitement. Hindi ko akalaing dadating ang araw na 'to. Kung saan kaya kong kumanta nang malakas para sa Kaniya. Kung saan nakikita ko nang magiging malaya na rin akong ipakita sa ibang tao ang paniniwala ko.

Lord... How great You are! Thank you so much, Lord Jesus...

Pigil ang hiningang humawak ako sa mic habang inihahanda ng worship team ang instruments. May lumapit sa akin at nagpakilala. Ngiti at kaway ang sinukli ko sa kanila.

Huminga ako nang malalim nang magsimulang tumugtog ang worship team. Pinikit ko ang mga mata at dinama ang kanta. Ito na...

Nagpatuloy ako sa pagkanta habang patagal nang patagal ang tugtog. Mas lalo kong nadarama ang kapayapaan at kasiyahan dahil malaya na akong ipagsigawan sa lahat na si Jesus ang Tagapagligtas ko.

Nagmulat ako at napangiti nang matapos ang kanta. Lumingon ako sa worship team at nakita ko ang malalapad nilang mga ngiti.

Nag-thumbs up pa ang ilan sa akin. Mas lalong lumapad ang ngiti ko at nag-thumbs up pabalik sa kanila. Tumango-tango naman si Yuan na may kasamang ngiti sa mga labi.

"Biniyaan ka ng magandang boses, Sonya Cetera. Isasali ka namin sa team," sabi niya.

Napatalon ako sa tuwa at napakanta nang hindi oras. Natatawa namang muling tumugtog ang worship team para sabayan ang kanta ko. Ang saya talaga. Hindi ko mapaliwanag ang saya.

Kung parating ganito sa bahay ni Papa, hindi na ako babalik sa compound. Sa bahay na ito nakaramdaman ako ng kalayaang ipakita ang beliefs ko. Malaya akong maging lingkod ni Jesus.

Wow, praise God! Sobrang buti Niya!

At oo, He works unexpectedly! Tama nga ang nakasulat, all things work together for good to those who love God and are called according to His purpose.

Hindi na ako magda-doubt sa presensiya Niya. I have tasted and seen of His great love for me, and for everyone. Hindi ko na hahayaang mawala ang apoy sa puso ko. I will keep the good fight of faith!

Inaya ako ng worship team na lumabas sa garden para sa snacks. Mas gusto raw talaga nilang sa labas kumain para makalanghap ng preskong hangin. Maraming punong nakapalibot sa bahay ni Papa kaya hindi mamomoblema kung saan sisilong. Isa pa, gusto ko ring malibot ng tingin ang garden.

Napatingala ako sa araw at napapikit nang tumama ang sinag niyon sa mga mata ko. Napangiti ako.

"You are really faithful, Lord. Thank you for everything, Jesus."

Sinundan ko ng tingin ang mga naglipanang ibon na may ngiti sa labi. I have found life in Him alone. Nakakita ako ng bagong pag-asa. Nakakita ako ng bukas. Nahahawakan ko na ang liwanag dahil sa Kaniya.

Jesus...

He is the way, truth, and the life. He is the light of this world. And He is like a river that flows from my heart. He cleanses my soul of all impurities. 

Now, the Spirit is in me. I will no longer fear for I've been sealed by God's Spirit. I am now a child of God.

Forever... River flows in You, Jesus.

The End.
061320.11.42P

River Flows in You (Complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt