Chapter 16

87 7 3
                                    

Matapos ang formal attire ay pinatayo na kami ng coordinator sa harap ng stage. Katabi ko si Aldos at kasalukuyan akong nakahawak sa braso niya. Sobrang taas kasi ng heels at natatakot akong baka matapilok ako nang hindi oras. Kanina pa nga nanginginig ang binti ko pero tiniis ko na lang.

"Ang our winner for Mr. Intramurals is... Mr. Hanson Seda."

Nagpalakpakan ang mga tao. Pati ako ay nakikipalakpak na rin. Mabagal namang pumalakpak si Aldos.

"Now, the winner for Ms. Intramurals is... Ms. Angelie Velasquez. Congratulations!"

Napakurap ako sa gulat pagkuwa'y pumalakpak. 'Yong babae sa 4B ang nanalo at hindi ako nag-expect na siya nga. Akala ko kasi ay si Francine ang mananalo dahil sobrang confident niya at sobrang ganda pa.

Matapos ang picture-taking ay bumalik na kami ni Aldos sa backstage. Lupaypay siyang naupo sa monoblock at tumingala pa. Kumibot ang sulok ng labi ko at humalukipkip sa harap niya. "O, bakit ganiyan itsura mo?"

"We didn't win."

"Ano naman ngayon?"

Naningkit ang mga mata ni Aldos, pagkuwa'y tumayo. Nilapit niya ang mukha sa akin. Napaatras ako pero hindi niya ako hinayaang makalayo. Pinulupot niya ang kaliwang braso sa baywang ko at ngumiti. "Black-eyed girl."

Tinulak ko siya. "Ansagwa. Mas mabuti pa ang Sonya Cetera Amarez mo."

Nagulat ako nang hinigit niya ako para yakapin. Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko. "Thanks for being my partner. I learned a lot from you."

"Ah..." Ngumiwi ako at nahihiyang tumingin kay Bernie. Nag-thumbs up naman siya sa akin at inasikaso ang mga gamit. Umikhim ako. "Ayos lang. Uh, pwede mo na akong bitiwan."

Kumalas siya sa yakap at tinitigan na naman ang mga mata ko. "I really like those dark orbs. Mysterious. A hidden danger."

Nangunot ako noo ko. "Ano bang pinagsasabi mo riyan?"

Umiling siya at ngumisi na naman. "Now that the event is over, we'll go back to our lives before. I will never forget you, black-eyed girl. It was an awesome experience. Thank you... for teaching me how to care and to be responsible."

"Ah..." Hilaw akong natawa. Hindi ako sanay sa seryosong Aldos. Napa-iwas ako ng tingin. "Para namang graduation na natin. Maraming months pa kaya bago tayo ga-graduate. Saka hindi naman ako magta-transfer. Alam ko ring hindi ka rin magta-transfer kaya 'wag ka nang seryoso riyan."

Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko at mariing tumitig sa akin. "I belong to 4E. Sooner or later, you'll think that I forget you. But know that I will not." Ngumiti siya bago umatras at tumalikod. Naglakad siya palabas ng backstage.

Hindi ko alam kung bakit... sobrang bigat sa dibdib ang sinabi niya.



HINDI KO nakita si Francine o kaya si Donovan matapos ang event. Nauna na raw umuwi si Francine ayon sa stylist niya, at sabi naman ni Tito, may inasikasong experimental research si Donovan kaya agad nagpunta sa laboratory. Ngumiti ako at nagpasalamat kay Tito Gerald bago nagpaalam. Hinanap ko si Cara at Zion at nakita ko silang kausap si Hanson doon sa stage.

Umakyat ako sa munting hagdanan at lumapit sa kanila. Nakita ko ang pagngiti ni Hanson at pagyakap kay Cara. Nakita ko rin ang pagtapik ni Zion sa balikat ni Hanson sabay ngiti.

Umikhim ako. "Sali niyo naman diyan."

Napatingin silang tatlo sa akin. Natawa ako nang walang sabing yumakap sa akin si Cara. "Ang ganda mo talaga! Kahit hindi ka nanalo, proud pa rin ako sa 'yo."

Gumanti ako ng yakap at marahang ngumiti. "Hindi naman ako naghabol sa korona."

"Alam ko kaya nga proud ako sa 'yo."

River Flows in You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon