Chapter 14

76 6 0
                                    

Malapit na ang event. Nasaulo ko na rin ang mga dance step at kung saan ang exit at entrance. Mas pinagbuti ko ang performance sa practice para ipakita kay Francine na hindi nasayang ang effort niya sa pagturo sa akin.

Mabuti na lang din, nakakasama ko na si Cara at Zion sa tanghalian. Maayos na raw kasi ang lagay ni Sidine at hinihintay na lang na magising siya. Nakakasama ko na rin si Cara sa practice. Sa katunayan, sabay-sabay kaming lumalabas ng school gate tuwing uwian. Hinihintay pa niya kasi akong matapos sa practice. At dahil ayaw ko naman siyang mapahamak, gabi-gabi rin namin siyang hinahatid ni Donovan.

Isang sakayan lang naman ang bahay nila mula sa Tyrant. Wala namang kaso kay Donovan. Tahimik lang siya sa tabi ko. Katulad ngayon.

Kasama namin si Francine habang papalabas na kami ng gate. Nagkukwentuhan sina Cara at Francine. Panaka-naka naman akong sumisingit pero hinahayaan ko silang magkamabutihan. Para naman maging kaibigan na rin ni Cara si Francine.

Huminto lang kami nang maabot ang waiting shed sa labas ng gate. Nagbaba ako ng tingin. Pasado alas-siyete na ng gabi.

"Thank you, Cara. I never knew na marami palang katulad niyo rito sa Tyrant. I thought kasi na puro competition lang ang umiiral sa mga students. You know, galing ako ng 3A. And that section sucks."

Ngumiti si Cara. "Kailangan lang talaga nating ibaling ang tingin sa paligid."

"Okay, I need to go. My driver is here. Sonya, thank you. Bye, Cara. And Donovan... thank you." Ngumiti si Francine kay Donovan bago kumaway sa akin. Pumasok na siya sa kotseng pumarada sa harap.

Bumuntonghinga naman ako at tumingin kay Cara. "Pasado ba?"

Nagkibit-balikat siya at ngumiti. "Siguro? May ano lang, something sa kaniya. Siguro hindi ako sanay sa mga conyo."

Natawa na lang ako at humalukipkip. Sumulyap ako kay Donovan. Seryoso lang siyang nakatitig sa harap, at mukhang nakikinig nang husto sa music sa earphones na nakasaksak sa tainga niya. Pansin kong tahimik siya nitong nakaraang mga araw. Hindi ko alam kung bakit pero mabuti na rin siguro 'yon. Nabawasan ang makukulit sa buhay ko.

ORDINARYONG araw lang 'yon pero bigla na lang nagpakita si Jedron sa amin. Kasama niya ang ilang CAT Officers. Nagri-recruit sila ng mga cadetes, at mga trainee na pwedeng maging kahalili ng mga officers na nag-transfer sa ibang branch.

May ilang sumali sa mga kaklase ko pero kadalasan ay hindi tumayo para ilista ang pangalan. Nanatili rin si Zion at Cara sa upuan nila kay hindi na rin ako tumayo. Wala naman akong balak maging CAT Officer.

Pagkatapos, nagpatuloy si Miss Marcel sa pagtuturo. Nang tanghalian, sabay kaming nagpunta nina Zion at Cara sa canteen.

"Grabe, nakaka-miss din palang kasama kang kumain, Sera. Sobrang tahimik sa ospital."

Natawa ako. "Hayaan niyo na. Tapos na 'yon. Nandito na rin naman kayong dalawa kaya okay na."

"Sera." Umikhim si Zion. "Pasensya na sa ginawa kong pag-back out. Sinabihan ko si Donny para palitan ako sa puwesto pero ayaw niyang sumali."

"Sus, grounded 'yon," biglang sabi ni Cara.

Napatingin naman ako sa kaniya. "Grounded?"

"Hindi mo alam, Sera?" Nangunot ang noo niya. "Dahil sa ginawa niyang pangongopya. 'Yong teacher natin sa Physics, Mama pala 'yon ni Donny. Kaya pinagbawalan siyang sumali sa mga extra-curricular activities. Napansin mo ba? Tahimik na siya ngayon at hindi nangongopya."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi ko pansin."

"Kasi..." Umiling-iling si Cara. "Tingin din sa paligid. Palagi ka lang nakatingin sa bintana. 'Yong totoo, gusto mo bang sa labas na lang magklase ang teachers natin?"

River Flows in You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon