Chapter 20

94 9 3
                                    

Ilang minuto kaming natahimik ni Cara. Nanatili akong nakaupo sa bermuda, at nakaupo naman siya ng ilang metro mula sa akin. Nakatungo siya. Sa gano'ng pwesto kami naratnan ni Zion.

"Nandito lang pala kayo." Nangunot ang noo ni Zion. "May problema ba kayo?"

Nag-angat ako ng mukha sa kaniya pagkuwa'y nag-iwas ng tingin. Hindi ako umimik. Narinig na ko nalang ang boses ni Cara. "M-Medyo."

Nakita ko sa gilid ng mata ang pagluhod ni Zion sa harap ni Cara para magpantay ang mukha nila. Hinawakan ni Zion ang baba ni Cara at tumitig sa mga mata nito. "May masakit ba sa 'yo?"

Nag-iwas ng tingin si Cara at marahang hinawi ang kamay ni Zion. "I'm ashamed."

"Ashamed?"

Kinagat ni Cara ang labi. "I failed as a friend. Akala ko naintindihan na ni Sera ang tungkol sa salvation pero hindi pa rin pala."

Napabaling si Zion sa akin. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin sabay upo sa harap ko. Tumitig siya sa mukha ko pero nanatili sa gilid ang tingin ko. Umikhim siya. "Sera, tingnan mo ako."

Hindi ako sumunod. Bumuntonghinga siya at inabot ang kamay ko. Nagbaba ako ng tingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Pinisil niya 'yon. "Galit ka ba sa akin? Sera... hindi ko gustong magalit ka sa akin. Nasasaktan ako."

Nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Dahan-dahan akong tumingin kay Zion. Nanatili akong nakatitig sa mukha niya. Ngumiti siya bigla sa akin. "You don't know how beautiful you are, Sera. God created you with so much love."

"Z-Zion..."

Marahan niyang inabot ang pisngi ko at hinaplos. "I love you, but God loves you more."

Napakurap ako. Bigla na lang nahulog ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Bakit m-mo sinasabi 'yan?"

"Gusto kong malaman mong maraming nagmamahal sa 'yo. Isa na ako ro'n." Ngumiti siya. "Kaya binahagi namin ni Cara ang salita ng Diyos dahil mahal ka namin, Sera."

Nagbaba ako ng tingin at huminga nang malalim. "Pasensya na, Zion. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko."

"Anong gusto mong mangyari, Sera?" bulong niya. "Handa akong makinig sa 'yo. Sabihin mo lang."

Ilang segundo akong napaisip bago napaikhim. "G-Gusto kong maging katulad niyo." Nag-angat ako ng tingin at tumitig sa mukha niyang natatanglawan ng liwanag. "Yong walang problema. 'Yong palaging masaya. Gusto kong maging kagaya niyo. Gustong-gusto ko."

Bumuntonghinga siya at umusog palapit sa akin. Kinabig niya ako sa isang yakap. Hinagod niya ang likod ko. "Hindi totoong wala kaming problema, Sera. Hindi mo pansin na namomoblema kami dahil binibigay namin ang lahat sa Kaniya. Ako, marami akong problema, pero nawawala ang bigat niyon dahil binibigay ko sa Diyos."

"P-Pero... nakakangiti ka pa rin."

"Dahil alam kong hindi Niya ako pababayaan." Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. "Sera, kapag tinanggap mo si Kristo bilang Tagapagligtas, hindi iyon nangangahulugang wala nang problemang lalapit sa 'yo. Ang pangako ng Diyos, hindi Niya tayo pababayaan sa oras ng problema, sa katunayan, bibigyan Niya tayo ng lakas para mapagtagumpayan iyon."

Lumunok ako at huminga nang malalim. Ngayon ko napagtantong wala talaga akong alam sa salita Niya. Ngayon lang din ako nagsisi kung bakit pinabayaan ko sa sulok ng kuwarto ko ang Bibliya, hindi binabasa ni pinagtuonan ng pansin.

Umikhim ako. "Salamat sa sinabi mo, Zion. Ngayon ko nalamang wala talaga akong alam kung sino Siya. Ni hindi ko alam kung anong sinasabi niyo dahil hindi ko naintindihan ang salvation."

River Flows in You (Complete)Where stories live. Discover now