Chapter 3

3 1 0
                                    

Kumaway siya sa akin bago sumakay sa jeep. Tulala ako pag-uwi sa amin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Should I assume something? What if he's just being friendly? Ang hirap naman nito.

"Aral muna tayo. Ayokong bumagsak." Huminga ng malalim si Charm bago isinubsob ang kanyang mukha sa mesa.

Halos lahat kami ay mababa ang gradong nakuha sa chem. Ang hirap, mami!

We spend our time studying. Mahirap nang maiwan sa second year. Nung first year nga eh halos umiyal na kami. Ngayon pa kaya!

Sulit din naman lahat ng pagod. Laking blessing kaya ang makausap si Liam. Noong first year kasi hanggang tingin lang ako sa kanya.

Minsan nakakapagtaka rin kung bakit bigla-bigla niya na lang akong kinausap noong gabing iyon.

"May transferee raw sa CEA!" Kinikilig kong tsismis sa mga kaibigan ko.

Simula na ng second year second sem namin. Kanina lang may nakita akong lalaking naka civilian attire at pumasok sa multimedia hub. Kumuha ata ng ID dahil paglabas ay mayroon ng ganon. Pogi rin pero hindi ko maipagkakaila na mas pogi pa rin si Liam.

Knowing the girls here in BSU, tiyak ay mababaling ang atensyon nila sa transferee na iyon.

"Talaga? Pogi ba?" Usisa ni Rose. Wala namang pakialam sina Ella at Charm.

Well, of course, Ella have a boyfriend and Charm is obviously into Liam.

Kagat labi akong tumango kay Rose. Tumili ito na para bang kinikilig. Gaga rin e.

"Makatili ka naman parang nakita mo na!" I hissed at her. Inirapan lamang ako nito.

"Minsan na nga lang kiligin." She spat.

Akala namin ay blessing in disguise ang transferee na iyon. Akala lang pala namin.

Halos magtransform ako bilang lalaki ng pumasok ito sa room namin at hanapin ang secret admirer ni Liam.

Napakunot ako ng noo nang makita ang pagbaling ng tingin nito kay Charm. Possible kayang alam niya? Pero paano niya naman malalaman e kakasulpot niya pa lang?

Nahuli kong nakatingin sa akin si Liam. Halos mapatayo ako sa aking kinauupuan.

"Kumalma ka nga!" Ella whispered at me.

Alam kong kinakabahan na si Charm. Kahit sino naman siguro ay kakabahan ngunit nang tumayo si Donna ay dedo na!

Maganda sana kaso papansin din masyado e. Buti na lang at hindi ito nagpapansin doon sa bagong prof namin. Pogi rin yun e!

"Charm! Tahan na!" Hindi na kami pumasok ng last subject dahil hindi maawat ang iyak ni Charm.

Dumiretso kami sa bahay nila at nagkulong sa kwarto nito.

"Ang sama talaga ng ugali niyang Donna na 'yan!" Ella hissed.

"Aray! Hindi naman ako si Donna!" Rose spat dahil halos makurot na ito ni Ella sa inis.

"Kakarmahin din 'yan si Donna! Kumalma ka, Charm! Maraming isda sa dagat!" I hissed at her. Kanina ko pa tinatapik ang balikat nito.

Hindi ko alam pano natigil sa pagdadrama si Charm. Nagising na lang ako dahil sobrang bigat ng paa ni Ella na nakapatong sa akin. Mukhang nakatulog kaming apat.

Doon na tuloy kami kumain ng dinner. Masyadong masarap din kasi magluto ang Mama ni Charm.

"Salamat po!" We said in unison. Hinatid na kami ni Charm sa labasan ng bahay nila.

"Bye girls! Ingat!" I waved at Rose and Ella. Bumaba na ako sa jeep. Maglalakad na lang ako papunta sa amin dahil hindi naman dadaan ang jeep doon.

Napatingala ako sa kisame. Hindi ko mapropeso lahat. Ano kayang pangalan ng transferee na iyon? Bakit niya kaibigan sina Liam?

I sighed. Kailangan ko ng comfort foods. Tahimik akong pumuslit palabas sa amin.

Halos atakehin ako sa puso ng makita si Liam. Ganoon din siya ng makita ako.

"Anong ginagawa mo rito?" Gulat kong bulong sa kanya.

He motioned me to hop on his motorcycle. Ganoon din ang ginawa ko. Huminto kami sa convenient store. Kumuha ako ng hotdog bun at saka nagbayad. We sat outside the store. Both of us were silent.

"Can't sleep?" He asked.

Napailing ako. "Gutom lang." Naramdaman ko ang pagbaling ng kanyang tingin sa akin.

"You didn't eat dinner?" His voice sounded concerned. Well, I'm his friend.

"Kumain kami kina Charm..." I trailed off and looked at him. Kumalabog ang aking dibdib. "Anong tingin mo kay Charm?"

Pinaglaruan niya ang kanyang labi. Mukhang nag-iisip ata. "She's nice."

Tumango ako. "Nagagandahan ka ba sa kanya?" Narinig ko ang mahina niyang tawa.

"Lahat naman may natatanging kagandahan. You just need the right person to see how beautiful you are." He said the last line while looking at me.

I waved my hand at him and fake a laugh. "Masyado ka namang seryoso!"

"Seryoso pero totoo." He casually said.

God! Ganito ba mag-isip ang mga matatalino? Sana naman mabiyayaan ako ni Liam ng katalinuhan.

I coughed. "So, nagagandahan ka kay Charm?"

He nodded. Mapait akong napangiti. Mukhang may pag-asa naman si Charm e. Kailangan lang ng kaunting push.

"Tingin mo...pwede mo siyang...magustuhan?" Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay ko.

"She's your friend, right?" I nodded at him. "Then...I'll like her."

I bit my lower lip. "In a romantic way...Liam?" He looked at me with confusion. "If there's a chance...for you...to uh...like her...in a romantic way?"

He looked at me. Halos malunod ako sa malalim niyang mga tingin. Mukhang nauubusan na ako ng hangin sa katawan.

Tumingala ito at saka pinagmasdan ang tahimik na pagkinang ng mga bituin. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang adam's apple. Halos matuyo ang lalamuna ko dahil doon.

"I honestly don't know...I'm confused over a lof of things." He shook his head.

Nakita ko kung gaano kalungkot ang buhay ng isang Liam Imperial. The emotions on his eyes suddenly revealed how heavy his loads are.

Alam ko iyon dahil bigla kong nakita ang sarili ko sa kanya. Totoo nga talaga na ang hilig ng mga tao sa maskara...maskarang bumabalot sa totoo nilang nararamdaman.

"I have a lot of problems. For some time, I got a chance to run away from it...but it keeps on hunting me and it's really hard...really painful." Ngumiti ito sa akin. Ngunit alam kong hindi iyon totoo.

Yakap. Sabi nila isang mainit na yakap ang maaaring makatulong sa isang tao upang gumaan ang nararamdaman niya.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago unti-unting binalot sa yakap si Liam.

Chaotic LoveWhere stories live. Discover now