Chapter 25

10 0 0
                                    

Mabagal ang naging pag-usad ng kaso. Hindi ko mapigilang panghinaan ng loob tuwing nakikita ko ang pangangayayat ni Papa.

I never saw Liam. Madalas ay ang abogado lamang nila ang humaharap. Gusto ko sanang puntahan siya ngunit nalaman ko na agad din palang inilibing ang kanyang tatay.

Nagising ako dahil sa malakas na pagyugyog sa aking katawan. Panic rushed all over me upon seeing my sister crying.

"S-si Papa..." Agad akong ginapangan ng kaba matapos marinig iyon.

Hindi magkamayaw ang pagtulo ng mga luha habang tinatahak namin ang hospital.

Mabilis na itinawag kay Mama ang biglaang pagkawala ng malay ni Papa. Mama's holding her rosary while silently mumbling her prayers.

Lord, please. Gusto ko pa pong makasama ang tatay ko. Gusto kong ayusin ang relasyon namin. Gusto kong bumawi. Lord...pakiusap.

I know I am not a religious person but I believe that He would listen to me.

Naabutan namin ang nagkakagulong mga doctor at nurse habang pilit na isinasalba si Papa.

My poor father is helpless. Gustong-gusto ko siyang yakapin at sabihin na kaya niya 'yan. Maghihintay kami sa kanya.

"Papa...please...nandito na kami...lumaban ka." Tahimik kong bulong habang pinagmamasdan sila mula sa salaming bintana.

My lips parted upon seeing how the doctor shook his head while staring at a machine as if my Papa's life was in there.

Mabilis na inalalayan si Mama ng mga kaibigang pulis ni Papa dahil muntik na itong mahimatay.

"Sorry. We did everything we can do but he had three cardiac arrests." The doctor apologetically told us.

Napaupo na lamang si Ate habang pilit na ipinapasok sa isip niya na wala na si Papa. I stared at the lifeless body of my father who's being taken care by the nurses.

My poor father saved me. Why wasn't he able to save his self?

Bukas daw dadalhin sa bahay si Papa. My Mom's helplessly crying. Tulala si Ate habang paulit-ulit ang pag-agos ng kanyang mga luha.

Ni hindi man lang namin siya magawang lapitan o yakapin. Tulala kami. Hindi namin matanggap. Hindi ko matanggap.

Wala sa sarili sina Mama. Tila ba pinoproseso pa rin nila ang nangyari. Marami rin sa mga kasama ni Papa ang nakiramay sa amin.

Nilakasan ko ang aking loob na iwasan ang pagmukmok. I made sure that his burial would be nice.

Magaling nga talaga akong magpanggap. Tuwing may ibang mga tao ay pinipilit kong makisalamuha sa kanila.

Unti-unti ko lamang mararamdaman ang sakit kapag nasa dilim na lang ako.

Pa...kung nandito ka man...pwede ka bang magparamdam sa akin? Pwede ko bang maramdaman ang yakap mo?
Pa, hindi ko na kaya. Hindi namin kaya na wala ka.

My friends mourned with me. Hindi ko alam kung paano nila nagawang hindi pumasok sa kanilang mga trabaho.

"Je, you have us ha." Rose sat beside me as we both stared at my father's coffin.

Tahimik akong tumango. "I know...out of all the people I have in my life...I know you'll always be there for me."

Akala ko ay si Rose lang ang malapit sa akin. Naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap sa akin ng mga kaibigan ko.

Chaotic LoveWhere stories live. Discover now