Chapter 26

5 0 0
                                    

"Aliesha Merlinda Lim."

I proudly clapped my hands as I watched my friend received her awards.

Halos maiyak na rin ako. Akala mo naman talaga ako nagpa-aral sa gaga kong kaibigan e.

Ngayon ang kanyang graduation sa law school. I know she can nailed the bar.

She winked at me before going back on her seat. Pagkatapos ng seremonyas ay agad akong lumapit sa kanya.

"Congrats!" Mahigpit ko itong niyakap at saka ibinigay ang isang palumpon ng bulaklak.

Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mukha. I know how she patiently waited for this.

"Congrats, Mommy!" Kinarga ni Ali ang dalawang taon na batang babae at saka hinalikan sa pisngi.

Kilig na kilig naman ito dahil sa ginawa ng kanyang Mommy. "Yey! Fam-ily...picshur!"

I waved my hand on the photographer near us. Ako na ang kumarga sa anak namin habang hawak-hawak ni Ali ang boquet na binili ko.

Who would have thought that she's going to be my endgame, right?

I drove the car as we went to a restaurant owned by Rose. Yes, may restaurant na ang kaibigan naming iyon.

"Pinagod mo ba si Red?" Saglit kong nilingon si Ali bago muling binalik ang tingin sa daan.

Red, our child, is a two-year old wonderful girl. Tahimik itong natutulog sa backseat.

"She played on my phone. Titigil lang kapag tinawag ka na." Ngumuso ito at saka muling nilingon ang kanyang anak.

Ipinasara ni Rose ang kanyang restaurant dahil exclusive raw ito para sa amin.

Bumungad ang confetti pagkabukas namin ng pinto. Halos mapatalon tuloy si Red ngunit ng makita ang kanyang mga Tita ay mabilis itong bumbaba mula sa aking pagkakakarga.

"T-tas!" She shrieked and hugged her Titas.

"This is too much! Hindi pa ako nakakapasa!" Singhal ni Ali sa mga kaibigan.

Natatawa kong hinapit ang kanyang beywang. Tumikhim ito at saka dumistansya sa akin.

"Tigil-tigilan mo ko, Jerard ha! Kanina ka pa feeling asawa ko! Di ka ba nandidiri?" Mabilis niya akong kinurot sa tagiliran. "Tinuruan mo pa ang anak mo na tawagin akong Mommy!"

Malakas akong humalakhak dahil sa sinabi niya. Ang totoo ay inaasar ko lamang ang kanyang ex boyfriend kuno! Sayang! Mas malaki pa naman ang roses na dala nun kaysa sa akin.

And Red, she's my daughter. Nag-volunteer kasi ako sa isang adoption center. She was around seven months ng dinala doon. Ang sabi ay drug pusher daw ang mga magulang.

I've decided to adopt her. Naisip ko kasi na kaya may mga taong gaya ko dahil may mga batang nangangailangan sa amin. We all have our purposes. Mine is to take good care of my daughter.

Too bad ay hindi ni Ali nakita ang kanyang cute ex. Di ko rin alam anong ganap ng dalawang iyon e.

"Cheers to our success!" Sabay-sabay naming sigaw habang itinungga ang mga baso namin.

"Juice lang muna dahil may bata!" Rose added while laughing.

We looked at Red who's laughing with us. Akala mo naman talaga ay naiintindihan niya kami e.

It's been three years. Hindi ni Liam iniatras ang kaso niya. I felt sad for him. Grabeng sakit ang naidulot ko sa kanya. Isang bagay na ayaw kong maramdaman na.

Chaotic LoveWhere stories live. Discover now