Chapter 24

2 0 0
                                    


Bumungad sa akin ang puting kisame. Nakita ko rin ang tube na nakakabit sa aking kamay.

I saw my Ate rushing near me. Magang-maga ang mga mata niya. Hindi ko maalala ang mga nangyari. Kaunting galaw lang ay nararamdaman ko na ang sakit ng aking katawan.

"Please...stop moving." Nanghihinang pakiusap sa akin ni ate.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Pilit kong inalala ang mga nangyari. How I went to Liam's house. How his father tried to raped me. How my father saved me.

"S-si Papa?" Mataman akong tiningnan ni Ate.

It was as if on cue, she started crying her heart out. Sunod-sunod na rin ang pag-agos ng aking mga luha.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang mga kaibigan ko. Katulad ni Ate ay magang-maga rin ang mga mata nila.

They looked wasted. Sabog ang mga mukha nila.

Ella rushed near me. Napangiwi ito ng makita itsura ko.

"Masakit pa rin ba ang ulo mo? Ano pa ba ang masakit?" She asked in panic mode.

"Wala pang sinasabi ang doctor." I heard Ate worriedly said.

"How about your father po?" Usisa ni Charm saka tumabi kay Ella na nakatayo malapit sa akin.

"He's in prison."

Ang maisip na nasa loob ng isang madilim na kulungan ang aking ama ay labis na nagdudulot sa akin ng sakit. He doesn't deserved to be jailed. He just saved me!

"I will...talk...to...Liam." Nanghihina kong saad na agad nilang hindi sinang-ayunan.

"Magpagaling ka muna, please?" Pagsusumamo sa akin ni Rose.

"I will try to look into his case po kaya lang I'm afraid I can't go into details since nasa first year of law pa lang naman ako but I'll ask someone." Ali forced a smile on me.

Ang makitang nandito sila ay sobra-sobra na. My friends said that they file a leave. Ang uuwi lang ay si Ali dahil may pasok pa siya. I understand law school. The mere fact that she went here is enough.

Hindi namin muling pinag-usapan ang mga nangyari. It looks like my friends are trying to avoid it until I got fully recovered.

Halos isang linggo rin akong nasa hospital dahil sa mga sugat na natamo. Buti na lang at mukhang pangmalakasan ang ulo ko.

"Tibay rin ng ulo natin ah! Masamang damo talaga!" Pang-aasar sa akin ni Ella nang makalabas na kami sa hospital.

Naging usap-usapan ang pangyayari. I pity myself and my family. Alam kong mahirap paniwalaan ang kwento ko.

The wounds may be gone but the trauma it brought me will be painted on myself forever.

"Gusto kong makita si Papa." Pagbasag ko sa katahimikang bumabalot sa amin nina Mama.

She worriedly looked at me. Hindi ako nagpatinag sa kutya at takot na nararamdaman ko.

"Pupuntahan natin siya bukas." Mahinang tugon sa akin ni Mama.

Mabuti na lang at pumayag na rin siya. Pagkatapos kumain ay tahimik akong pumasok sa aking kwarto.

Everytime I would closed my eyes, the  horror of what had happened would crossed my mind.

Parang sirang plaka iyon na paulit-ulit na nagpplay sa aking isipan.

Kung paano ako sinubukang gahasain ng kanyang tatay. Paano ako binugbog. Paano ako tinutukan ng baril sa ulo. Paano ako pinagtanggol ng aking tatay.

Paano ako tiningnan ni Liam...

Funny how he can affect me so bad. Hindi pa rin maalis sa isip ko kung kumusta na ba siya. Ano bang ginagawa niya. Kung...galit ba siya sa akin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Dala siguro ng masasamang panaginip kung kaya't hindi ako makatulog ng maayos.

Ilang ulit kong kinuskos ang aking katawan tuwing ako'y naliligo. Baka sakali ay mawala nun ang karahasan na naranasan ko.

I would silently cry while taking a bath. I feel so hopeless.

Sa isang iglap, dumilim lahat. Sa isang iglap, nawala lahat ng pangarap na binuo ko.

Mahigpit kong hinawakan ang aking mga kamay habang papasok kami sa presinto kung nasaan si Papa.

Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha habang pinagmamasdan ang inosente kong ama na nangangayayat na.

Mabilis ko itong niyakap. Ang plano ko ay ipakita sa kanyang may silbi ako. Hindi ko lubos maisip na dahil sa akin ay mapupunta sa loob ng rehas si Papa.

"Pa...sorry...sorry." I sobbed while hugging him.

I can't bear to see my father this weak. He doesn't deserve this.

Mabilis akong pinatahan ng aking ama. "Anak, wala kang kasalanan dito."

The corner of his eyes were slowly turning red. Ilang beses siyang pumikit tila ba pinipigilan ang kanyang sarili sa pag-iyak.

"Hindi ako magdadalawang isip na saktan ang sinumang nananakit sayo. Mahal na mahal ka ng Papa, ha?"

It was the first time that I heard him said it. Masyado kasing matigas si Papa para sabihin kung gaano niya ako kamahal.

"Tanggap na tanggap ka ng Papa. Sorry kasi ang tigas ko noon pero mahal na mahal kita. Walang sinuman ang pwedeng manakit sayo. Sorry kasi nahuli ng dating ang papa ha."

Hindi ko lubos maintindihan kung bakit kailangan pang umabot sa ganito bago ko marinig kung gaano ako kamahal ng aking ama.

Bakit ang unfair? Hindi ba pwede na kahit minsan lang maging patas din naman?

Sabi nila, after every storm is a rainbow. Ngunit bakit sa lagay ko ay after every storm is a rainbow and storm again?

Ito ba ang nakukuha ko dahil ganito ako? Gusto ko lang naman sumaya ah. Gusto ko lang naman matanggap. Gusto ko lang naman mahalin...magmahal. Bakit hindi pwede? Bakit ang hirap naman?

"Ilalabas ka namin dito, Papa. Kaya wag kang mawawalan ng pag-asa. Ilalabas kita, Papa." Hindi ko alam kung ilang beses ko iyong inulit.

I just want my father to trust me. I don't want him to lose his hope.

"Pinatay ko siya, anak."

Mabilis akong umiling. "Because you have to. Kung hindi mo 'yon ginawa, siguro ako ang wala na. Papa, you saved me. Dinepensahan mo lamang ako laban sa kanya." Mariin kong giit sa kanya.

"Hindi ako tatantanan ng anak niya." My father sounded too weak. "Galing naman ng anak kong maghanap ng lalaki. May paninindigan sa buhay."

He smiled at me and gently squeezed my hand. "If only I knew you were in good hands with his son, I would've supported you all the way. Anak, wag kang magagalit sa kanya. Nawalan siya ng...ama."

Nanikip ang dibdib ko matapos marinig ang sinabi ni Papa. Naiintindihan ko si Liam. Hindi madali ito sa kanya.

Pareho kaming nahihirapan dito ngunit kung gusto niyang bigyan ng hustisya ang kanyang ama ay gusto ko rin bigyan ng hustisya ang akin.


Chaotic LoveWhere stories live. Discover now