Chapter 5

1 0 0
                                    


Hindi ko alam kung gaano ko katagal iniwasan si Liam. Mabuti na lang din dahil mas napapadalas ang sama ni Charm sa kanila.


Tahimik kaming kumakain nina Rose at Ella sa canteen. Hindi na kami nag-abala pang kumain sa labas.


"Ano ba gagawin natin sa Intrams?" Boring na tanong ni Rose sa amin.


I rolled my eyes at them. "Manonood tayo ng Mr. and Ms. Intrams."


Okay na rin na mayroong events sa school namin. After ng Intrams ay Hearts Ball naman. Iwas lessons kaya okay na to.


I continued with my life as if Liam's not existing. Ayokong maging dahilan ng pagkasira niya. Gets ko naman na maraming nagkakagusto sa kanya pero ang idea na pumatol siya sa kagaya ko ay parang mali.


Nakipagsiksikan kami sa napakaraming estudyante na abala sa pagsigaw para sa kanilang pambato.



"Jamaica Rose Quinao, 20, College of Engineering and Architecture!"


Nakakabinging hiyawan ang bumalot sa pav. Maging ako ay nakisigaw na rin para sa pambato ko. Alam kong dapat ay nasa College of Arts and Sciences ako ngunit hindi ko mapigilan ang suportahan si at Jam. Siya ay nasa 5th year na sa kursong Electronics Engineering. Morena, matangkad, maganda. Pageant potential.


Gusto ko rin maging kagaya niya ngunit alam kong mananatiling isang kagustuhan na lamang iyon.


"Anong oras ka uuwi?" Saglit akong huminto sa may pinto namin.


"Overnight ako, ate, kina Ella." Nahihiyang paalam ko kay Ate Jen. Doon na rin ako magbibihis para sa hearts ball. Baka makita pa ako ni Papa.


Dala ko ang isang backpack. May isang puting bestida dito na binili ko pa sa ukay at mga make-up kits ko.


Tumango lamang sa akin si ate. "Ingat ka. Enjoy, Jerard."


Kapwa namin nginitian ang isa't-isa. Naglakad na ako palabas sa amin at saka nag-abang ng jeep. Ilang beses na rin naman akong nakapunta sa bahay ni Ella kaya kilala na ako sa kanila.


"Si Charm?" Kunot-noo kong tanong sa dalawa na abalang nanonood sa Youtube ng make-up tutorial.


"Hindi raw makakasama sa atin pero pupunta siya mamaya." Rose casually said.


"Bagay kaya sa akin ang nude make up?" Rose asked without tearing her eyes on the screen.


Maputi si Rose. Magkasing-puti sila ni Ella.


Inilapag ko na ang bag ko at saka kinuha ang make-up kit ko. "Tingin bagay sayo yung mga dark colors. Puti mo kasi!"


"Marunong ka?" She innocently asked me. Sarap din palakihin pa lalo ang bilugan nitong mga mata e.


"Bakla ba ako kung hindi ako marunong sa kaartehan?" Inirapan ko siya.


Ala singko ang simula ng attendance para sa party. Alas tres na ng hapon at chill na chill pa kami.


"Mag-ayos na tayo pag three thirty. Tinatamad pa ako e." Ella said then rolled over her bed.


"Patingin nga ng mga damit niyo!" Excited kong tugon sa kanila.


Inilabas na ni Rose ang pula nitong dress. Backless ang likod nun. Si Ella ay black sleeveless dress na hapit sa kanyang katawan.


Habang naliligo si Ella ay nagsimula na akong ayusan si Rose. I let her wore her red dress nang sa ganon ay hindi masira ang ayos niya.


I applied light yet bold make-up on Rose. Inayos ko ang porma ng kanyang makapal na kilay.


"Baka magmukha akong chaka!" Reklamo niya habang pinapaganda ko ang kanyang mga mata.


Madaling ayusan si Rose dahil natural na ang mahabang pilik-mata nito. Konting kembot lang kailangan.


Nilagyan ko siya ng red matte lipsticks at plinantsa ang kanyang buhok.


Nang lumabas si Ella sa banyo ay nagseselfie na lamang ang magaling naming kaibigan.


Pumunta na ako sa banyo ni Ella at doon nagbihis. Swerte ko talaga na maliit na lalaki lamang ako. Nakatulong din ang pagdidiet ko noon kaya maliit lamang ang katawan ko.


Ambisyosang bakla nga siguro ako dahil halos libutin ko ang ukayan makahanap lamang ng magandang damit. Nagawa ko pang biyakin ang isa sa lima kong mga alkansya. Papambili ko iyon ng pills e!


Isang puting off-shoulder dress ang binili ko. Silk ang tela nito at may slit sa kanan na bahagi.


"Alam mo, duda talaga ako kung bakla ka ba o babae ka talaga." Mataray na wika ni Ella habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.


Lagpas sa tuhod ang binili kong dress. "Daya naman! Mas makinis pa legs mo kaysa sa akin!" Rose said while pouting her lips.


I shrugged my shoulders. "Safeguard gluta lang 'to." Biro ko sa kanila.


"Gandang bakla mo rin e. Naku! Wala ka bang nagugustuhan man lang?" Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway matapos marinig iyong tanong ni Ella sa akin na agad din sinang-ayunan ni Rose.


Kinuha ko na ang liquid foundation ko na sa shopee ko lamang nabili at saka nilagyan ang makinis kong mukha.


"Si Sir Gab crush ko." Narinig kong sabay silang umangal dahil sa sinabi ko.


"Sus! E mukhang iba ang type ni Sir!" Humalukipkip si Rose at saka itinabi ang kanyang cellphone.


We both raised our eyebrows at Rose. "Nakita ko kaya si Donna na madalas pumunta sa office ni Sir." Inis niyang amin sa amin.


"Malay mo naman may iniutos lang sa kanya." Saad ko habang inaayos ang aking kilay.


Nang makitang pantay na ito ay saka ako naglagay ng nude na lipstick. Nag hot oil na ako ng maiksi kong buhok kanina kaya sinuklay ko na lamang ito.


"Wag nga kayong judgmental..." I trailed off and faced them. "Hindi naman natin alam ang buong kwento...I mean, yes, inis tayo kay Donna pero that doesn't mean na ijujudge na natin siya."


I don't know how I was able to say it. Siguro kasi alam ko kung paano sa pakiramdam ang mahusgahan ng ibang mga tao.


"Iba talaga ang Jerard! Beauty in and out!" Ella and Rose said in unison.


Nag selfie muna kami bago nagpasyang umalis na. Hinatid kami ng Papa ni Ella dala ang kanilang sasakyan.


Nag-attendance at tinext si Charm. Naghanap na rin kami ng bakanteng mesa. Inilibot ko ang aking paningin. Ibang-iba ang ayos ng pav ngayon. Mukhang pinaghandaan talaga nila ito.


Marami rin akong nakitang mga kagaya ko na nag-ayos talaga.


"Pupunta ba talaga si Charm?" Rose worriedly ask. Dinner na kasi at wala pa rin si Charm.


"Pupunta iyon dito." Kampanteng sagot ni Charm.


Nabaling ang atensyon namin dahil sa ingay ng mga estudyante.


"Wow!" Ella said in awe


"I thought it's Dale?" Rose curiously asked.


Madalas kasi naming makita ang dalawa na magkasama. Akala ko rin.


Nanikip ang dibdib ko ng makita kung paano nginitian ni Liam si Charm. Para bang walang ibang tao sa paligid nila.


Ang ganda ni Charm. Mukhang tinulungan siya ni Liam mag-ayos. Nilibot ko ang mga mata ko. Nagbabaka-sakali na makita si Dale ngunit nabigo ako.


Nanuyo ang lalamunan ko ng makita kung paano hawakan ni Liam si Charm sa siko nito.


Bitterness crawl into my system. Mas lalo lamang ako nitong iminumulat sa katotohanang kahit anong bihis kong pambabae. Wala talaga.



Chaotic LoveWhere stories live. Discover now