Kabanata 1

11.7K 373 97
                                    

Kabanata 1

If I Have Nothing

"Congratulations, Kuya!" bati ko kay Kuya Bo nang matapos ang graduation ceremony nila.

Ngumiti si Kuya sa akin bago hinubad ang tatlong medalya at isinuot sa akin. Napahagikgik ako bago ko iyon sinuri nang mabuti. Medyo mabigat iyon kahit na tatlo lang naman. Masaya nga ako dahil nakapasok si Kuya sa top 10 ng kanilang section. Ang iba niyang kaibigan ay special awards naman ang nakuha kaya nakakuha rin ng mga medalya.

"Hindi kita nakita kanina nang umakyat ako sa stage!" aniya sa akin matapos kong titigan ang kaniyang medalya.

Napasimangot ako at iniangat ang camera'ng dala.

"Kumuha po ako ng litrato niyo. Maganda pa nga ang kuha ko!" giit ko. Kuya just grinned at me before messing with my hair. Mas lalo akong napasimangot at akmang ihahampas na sa kaniya ang strap ng camera.

"Chill, nandiyan na sina Mommy. Sige ka.." tukso niya. Tumigil ako sa akmang gagawin at nilingon na lamang ang aming mga magulang. Our mother looked so beautiful in her white dress na binagayan naman ni Daddy. With the age of 45, sinong mag-aakalang ganito pa rin kaganda si Mommy?

"Congratulations, anak!" sabi ni Mommy at yumakap kay Kuya. Inakbayan naman ako ni Daddy pagkatapos ay binati rin nito si Kuya. Nakangiti pa rin ako habang pinagmamasdan sila. This is what I've been dreaming before. Kahit noon pa mang una kong kita sa kanila ay ito na ang pinapangarap ko. I hope when I graduate, ganito pa rin. Buo pa rin kami.

"Let's have someone to take our picture together, sayang ang moment." Sabi ni Mommy.

Si kuya ang nagtawag ng magiging photographer namin at lumayo pa nang kaunti. Nang bumalik siya ay akay-akay niya na si Rhett na may dalang pulang box.

"Come on, Rhett!" sabi ni Kuya. Agad kong hinubad ang strap ng camera at lumapit sa kanila.

Nilingon ako ni Rhett gamit ang malamig niyang titig. Natigilan ako at napayuko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa kaniya. Lumipas na naman ang dalawang taon at ganoon pa rin naman. Kapag ang barkada ni Kuya ay nasa bahay at kasama na siya doon, paminsan-minsan nama'y bumababa ako para batiin sila. Ayaw ko namang masabihang bastos lalo na't sa ugali ni Kuya, sobrang hospitable ito.

Walang salitang kinuha ni Rhett ang camera sa akin at iritadong hinarap si Kuya. Wala akong naintindihan sa tinginan ng dalawa pero humalakhak ang aking kapatid. Inakay ako ni Kuya at inakbayan. Si Rhett ay inilapag muna sa sahig ang hawak na box bago niya maingat na hinawakan ang camera. Nang itutok niya ito sa amin ay mas lalo kaming naglapit na pamilya.Naiilang na napangiti ako sa camera. Pakiramdam ko tuloy ay tinitingnan ako ni Rhett gamit nun.

Ilang shots pa ay nagrequest ulit si Kuya na kaming dalawa ang magpapapicture. Walang nagawa si Rhett kundi ang sundin ang kapatid ko. They were the best of friends. Siguro kapag sinabi ni Kuya na magpabugbog si Rhett ay magpapabugbog ito.

"Maganda ba ang kuha mo?" ani Kuya na ngising-ngisi.

"Yeah. See for yourself."

Malamig na sambit ni Rhett at sandali akong tinapunan ng tingin. Naiilang na ngumiti ako sa kaniya. Nakita ko ang bahagya niyang pag-ismid pagkatapos niyang pasadahan ang aking suot. May mali ba sa suot ko?

I was wearing a beige off-shoulder chiffon dress. Hanggang tuhod naman ang haba nun kaya hindi naman bastos kung tingnan pero kita naman ang kalahati ng aking likod. Hindi naman maitim ang aking likod! Sobrang alaga ko kaya 'to!

"Call the others, Bo." Utos ni Rhett sa aking kapatid na may bahid pa rin ng kalamigan. Magsasalita pa sana ako ngunit umalis na si Kuya at iniwan ako kay Rhett.

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Where stories live. Discover now