Kabanata 25

7.5K 306 19
                                    

Kabanata 25

If I Have Nothing

"Ang kapal mo namang umatras sa kasunduan! We've wasted a lot of time for this mess. Nasaan ang tapang mo ngayon at bakit ka umaatras?" Lola continued ranting. The anger was apparent in her tone. Lumapit pa siya sa amin ni Mommy at hinatak ako mula rito.

I felt exhausted and enfeebled. Nagpadala ako sa marahas na paghatak sa akin ni Lola.

"Mama, tama na 'yan!" Mommy tried to reach for me. Huli na para gawin niya iyon dahil naramdaman ko na ang mabigat na kamay na tumama sa aking pisngi.

It was like a hit of hard steel. Umakyat ang init sa aking mukha at namimigat na iyon. Sa lakas ng sampal ay Napabaling ang aking mukha sa kabilang direksyon. I heard my mother gasped. "Mama! Ano ba?"

"Kailangang magtanda ng batang iyan. Hindi basta bastang inaatrasan ang ganitong kasunduan. Pinapahiya niya ang ating pamilya. What would the Vasilievs think of our family? Hindi na nila tayo pagkakatiwalaan ng dahil sa kaniya."

My tears welled on the edge of my eyes. Parang may nakadagang mabigat na bagay sa aking dibdib at hindi rin ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

"You're not even sorry at all. Barging in, telling us to stop the wedding? For what? For your own good? Wala kang utang na loob! Manggagamit ka!"

"Mama, tama na! Syden doesn't deserve those words! Kung gusto niyang itigil ang kasal ay ipapatigil ko!"

Lola's eyes widened. "Hijo de puta! Agatha, hindi mo anak ang batang ito! Sampid lang ito sa pamilya niyo. She signed a contract. She was willing to do it! Huwag mo ng ipagtanggol at pagbigyan sa gusto! She wanted to stay here so she signed it. Hayaan mong panindigan niya ang kaniyang pinasok!"

Bumagsak ang aking balikat kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha sa pisngi. Nanginig ang aking kamay ngunit hindi ko lam kung ano ang gagawin..

Tama naman si Lola eh. It was my decision to sign the contract. It was my decision to stay in this family.

Hindi ako nag-iisip. Nagadalos-dalos ako.

"Ma, kung ayaw ni Syden, gagawan ko ng paraan."

"Tama na po..." I whispered but my mother continued. Hinanap ko ang aking boses upang marinig niya ako.

I sobbed. "Tama na po...Mommy, tama na po..."

She stopped talking and her eyes gazed to me. Bakas ang gulat sa kaniyang mga mata. Namumula na ang gilid noon at nasasaktan ako na kailangan niya akong ipagtanggol sa sarili niyang ina.

It shouldn't be like this. No one should do it for me.

"Tama na po, 'My. T-tama po si Lola. I-I signed the contract. Hindi na po mabubura iyon." Tumulo ang isa pang luha sa aking mata.

"I'm sorry, 'My..." I sobbed hard. Nanlambot ang kaniyang tingin sa akin at hinila ako patungo sa kaniya.

"Matalino ka naman pala! Gamitin mo iyang utak mo bago ka magpadalos-dalos. Ang daming taong nadadamay nang dahil sa pagiging makasarili mo!"

Patuloy ako sa pag-iyak. Mommy cradled my face and wiped those tears. Amidst the tears, I still heard Lola's heavy footsteps ascending the stairs.

"Sigurado ka ba? I thought you were in good terms with Rhett anak?"

Nanginig ang aking labi. "It's for a show, 'My. Ayaw ko pong madisappoint kayo." Iniwas ko ang tingin sa kaniya.

Gusto kong bawiin ang aking mga sinabi. No, it wasn't for a show! Nagpakatotoo ako sa mga panahong nagkasama kami. I thought...he did too. Pero nagkamali ako kasi napipilitin lang din naman si Rhett na pakisamahan ako.

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Where stories live. Discover now