Kabanata 8

8.2K 333 21
                                    

Kabanata 8

If I Have Nothing

Mabilis na natapos ang unang semester ko sa pagiging isang grade eleven na studyante. Maliban sa pagiging malapit ko kay Marriam, nadagdagan naman ako ng isa pang kaibigan sa pagsisimula ng panibagong sem.

His name was Darwin. He was from Cavite and he transferred here because of the work of his parents. He's a good company, actually. Hindi ako naiilang kasi nasanay ako na may kasamang lalaki palagi sa bahay. Darwin is also smart, on top of that, marami rin kaming pagkakatulad.

"Ang baba ng nakuha kong score sa Chem 1. Kayo? Sigurado matataas ang nakuha niyo." Marriam sat between Darwin and I. Ipinakita niya ang score niyang pasado mula sa nakaraang quiz namin sa General Chemistry.

"Ano ka ba? Makakabawi ka pa. Kulang ka lang sa review." pampalubag loob ni Darwin sa kaniya habang patuloy ako sa paggawa ng entry namin para sa Personality Development na subject.

"Syd, paturo ako after class, ha?" Marriam leaned on my direction sideways. Nilingon ko rin siya at tumango.

"Sure. Gawin mo na 'yang PerDev mo kasi malapit ng mag-time." I told her and went back to my big notebook.

Every week kasi ay may ginagawa kaming entry sa mga natutunan namin sa ganitong subject. It's either what you learned for the whole week o pwede ring isang araw lang kung saan may natutunan ka. What's important is you've put something on it.

Hindi ko naman masyadong pinagtutuunan ng pansin ang ganito. So as my classmates. Kaya nga minsan sabay-sabay kaming gumagawa ng entry dahil mas madami ang vacant hours bago ang subject na ito.

When I was done with my entry, I put some designs on it. Nanghiram ako kay Marriam ng kaniyang art materials dahil mas marami siyang dala palagi na mga ganoong bagay.

There's nothing much about my week. Wala palagi sina Mommy sa bahay at nasa ibang bansa dahil sa kanilang business venture. Si Kuya Bo ay busy rin dahil marami ng ginagawa sa school dahil second semester na rin nila. I was always alone in the house that I felt practically nothing. Maagang nagigising at gabing-gabi ng natutulog.

When the next weekend came, it was a miracle that Kuya Bo went home. Hindi ko alam kung bakit pero alalang-alala ako kay Kuya. He looked problematic. Gusto ko sanang itanong kung bakit siya nagkakaganoon pero ayaw ko namang mangialam. He didn't say anything so I get that as a cue that he didn't want to talk about what happened.

Noong Sunday, mag-isa akong nagsimba dahil ayaw sumama ni Kuya. I wore a moss green white dotted design wrap dress. Lumampas iyon nang kaunti sa gitna ng aking hita kaya hindi naman kabastos-bastos tingnan.

I sat at the far end seat at the back of the church. May iilang kababaihan akong nakasama doon sa upuan at pamilya.

I prayed silently, praying for the good health of my family and those in the orphanage. I never stopped praying for them, kahit na sa layo na ng narating ko. I have never forgotten my first home ever since I was born.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung bakit ako iniwan sa ampunan. Ayon kina Sister ay may nagbigay daw sa kanila sa akin. The giver didn't know who my real parents were and that she couldn't provide for me so she sorted on giving me to the orphanage.

Ipinagpapasalamat ko na rin iyon. At least, they didn't try to throw me on a bridge or kill me with a knife. Ipinagpapasalamat ko na rin na ang nagbigay na iyon ay may puso pa palang natitira upang maawa sa akin.

I seldom think about my parents. Kahit walang mukha ay naiisip ko pa rin. I always try to wonder why they gave up on me like that.

Marami ba kami sa pamilya at ang pagdagdag ko ay isang pabigat na sa kanila? O baka ayaw naman talaga nila ng anak kaya ibinilin na lamang nila ako sa kung sino.

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Where stories live. Discover now