KABANATA I

199 98 235
                                    

ANG PAYO

Pababa, pataas, paliko, pakanan, pakaliwa. Mga direksyon ng aking mahiwagang panulat habang lumilikha ng isang mukha ng isang babaeng kahali-halina. Napakadaling ipinta ang kaniyang mukhang walang emosyon, mga matang mapupungay at ang kaniyang mala-kapeng kulay.

Lagi kong minememorado ang bawat sukat at parte ng kaniyang mukha kasabay ng kaniyang pangalan sa bawat hampas ng aking tingin sa kaniyang pormal na letrato ng kaniyang pagkakakilanlan sa pangalang Chlea.

Unang linggo yaon ng pasukan. Unang linggo ng kagalakan sa mga bagong kamag-aral. Unang linggo ng kaba nang masilayan ang mga bagong guro. At unang linggo ng bagong pagkamit sa aking mga pangarap.

Isang araw, nang makita ko siya sa canteen ng paaralan nang mag-isa. I sat beside her and offered my food.

"Okay lang, huwag na. May hinihintay lang ako dito." Sagot niya at ibinalik sa akin yung pagkain.

Ngumiti na lang ako at pinagmasdan siya sa gilid ng aking mga mata.

Tila isa siyang nag-iisang bituwin sa loob ng canteen na medyo madilim. Nagmistulang isang disco sa loob dahil sa kaniyang kakinangan. Nang nasa gitna kami ng katahimikan, tinawag na siya ng kaniyang mga kaibigang may hawak na mga pagkain.

"Chlea, tara na sa labas. Sino yang kasama mo?" Tanong ng kaibigan niya, mga ilang metro ang layo mula sa amin.

Galing sa ibang sections ang ibang mga kaibigan niya kaya hindi nila ako nakikilala.

Umalis na sila at naiwan na ako. Inubos ko na lahat ng pagkain and I went back to our classroom. Hindi na naulit pa ang pag-uusap namin nang araw na yun kahit magkasama kami sa iisang silid ngunit alam kong mas lumalim ang pagtingin ko sa kaniya.

Mas ginusto ko siyang makasama, makilala at makita. Wala akong palya sa pagpasok ni isang araw, ni isang oras o minuto para masilayan ko ang isang anghel na nagkatawang siya.

Sa tuwing pumapasok ako, siya ang lagi kong inaabangan, amoy niya ang lagi kong hinahanap, presensiya niya ang lagi kong hinahangad, pagmamahal niya ang labis kong inaasam.

Pinipilit kong mapalapit sa kaniya, pinilit kong makahanap ng paraan para makausap siya kaya humingi ako ng payo mula sa mga barkada ko.

Mula nang makakalap ako ng suggestions nila, nagsimula akong gumalaw. Lagi ko na siyang inaasar, lagi ko na siyang binabasag, lagi ko na siyang binabato ng mga crumpled papers.

Nakita kong mas napalapit ako sa kaniya, napagmamasdan ko na siya habang masayang nakikipagkuwentuhan sa kaniya at ng kaniyang mga kaibigan tuwing nasa labas kami, ngunit sadyang torpe ako, hindi pa rin ako nakahanap ng pagkakataon para ipagtapat sa kaniya yung nararamdaman ko hanggang sa isang araw, naisip naming mas lalong asarin siya.

Binato namin siya ng maraming crumpled papers hanggang sa mainis siya. Napakaganda niya kapag nagagalit. Lumalabas yung awra niyang mala-bahaghari sa tuwing ramdam kong napapakulo ko yung dugo niya.

Ngunit bilang ganti niya, nagulat kami nang batuhin niya kami. Binato niya kami ng isang lapis na araw-araw siguro niyang tinatasahan. Sa kasamaang palad, yung pagmumukha kong exposed ang tinamaan, gaya ng kung paano niya natamaan yung puso kong ligaw. Ayiee haha.

Tumama yaon sa taas ng mata ko kung saan madaling sumabog dahil sa nipis nito. Naramdaman ko ang pagtalsik ng lapis kasabay ng pag-agos ng dugo patungo sa pisngi ko.

Agad kaming ipinuntang dalawa sa office of the principal at tumakbo naman nang papalayo yung mga barkada ko. Minsan talaga, magkakasama kami sa kalokohan pero hiwalay sa panahon ng kaparusahan.

Naroon at nakaupo sa kaniyang upuang umiikot ang punong-guro naming si Dr. Felicio Real. Isang terror, masungit ngunit maunawaing tao. Nakaupo ako sa harap ng mesa niya habang inaayos ng isang nurse ang sugat ko. Nasa harap ko naman si Chlea. Ang ganda pa rin niya kahit umiiyak.

On her every sobs, her curved lips, nakita ko how adorable she was when she started brushing her hands on her teary eyes. Hindi ko ininda ang hapdi ng ipinahid sa aking gamot at inunahan ko siyang magsalita.

"Sir, ako po yung may kasalanan. Inaasar ko po kasi siya kaya gumanti lang po siya." Unang sabi ko at naaninag kong tumigil siya sa pag-iyak at tumingin sa akin na may isang malaking tandang pananong sa taas ng kaniyang ulo.

"Oh ikaw naman pala itong nauna iho. Nakita mo ba iyang napala mo dahil sa pang-aasar mo?" Tanong ng aming punong-guro sabay turo sa sugat ko.

"Opo sir. Kaya hindi na po mauulit." Siyang huling sabi ko at umalis na kami. At bago kami magkahiwalay ng landas, tinanong ko siya.

"Okay ka na? Huwag ka na umiyak. Ako naman nauna. Sorry." I insisted and I guided her to our room.

Hinayaan ko siyang mauna sa paglalakad at nakita ko ang kaniyang kahinaan.
It made me feel na I must comfort her. Pero paano? Paano ko siya icocomfort kung ganito naman ako?

Sa mga nagdaang araw, nakita ko ang ilang bahagi ng pagkatao niya. Tahimik siyang dilag ngunit masarap siyang kasama kapag naging komportable na siya sa kasama niya. At panghuli, isa siyang dilag na may angking kalakasan, ngunit minsa'y nagkakaroon ng kahinaan.

ANG PAYO

Wasn't Enough #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon