KABANATA VI

103 74 32
                                    

SPECIAL DAY


Isang araw sa klase, tumawag sa akin ang mama ni Chlea.

"Wala na kayo ni Chlea iho?"

"Ay opo matagal na siyang bumitaw." Sarkastikong sagot ko.

"Ganun ba. Kaya pala. May sinagot na kasi siya. Akala ko nga ikaw pero nagulat ako ibang lalaki naman. Ilang buwan na pala sila pero ngayon lang nagpakita yung lalaki."

Napatigil ako bigla. Napatigil ako at hindi ko alam kung ano isasagot ko.

"Hello Jimuel? Nandiyan ka pa iho?"

"Ay opo tita. Nabigla lang ako." Sabay tawa ko sa linya.

"Sige iho at may gagawin pa ako dito." Sumagot na ako bigla at ibinaba ang telepono.

Para akong kawawang uod na biglang dinurog ng isang malapad na paa sa isang sahig. Hindi na talaga siya naging masaya sa akin dahil may mahal na pala siyang iba. Nalaman ko rin mismo sa mama niya na kababata niya yung bagong ipinalit niya sakin.

Si Jess Noto, lalaking matipuno, gwapo, matangkad at may pera ngunit nung inistalk ko siya sa social media, hindi ko na nabilang kung pang-ilan na si Chlea.

Ipinalangin ko na sana hindi siya magsisi sa taong ipinalit niya sa akin.

Minsan napakadaya ng pag-ibig dahil saka lang magpaparamdam kapag nakakita ng taong perpekto pero sa totoo, wala talaga. Naisasantabi ang mga hindi man kaguwapuhan, yung mga walang anim na pandesal, wala mang milyon pero may mabuting kalooban. Hindi ko naman sinasabing ako ito pero parang ganun na rin haha.

Sa henerasyon ngayon, mas nananaig na ang pisikal na kaanyuan sa standard list ng lahat at nahuhuli na ang kalooban at ugali. It is a hurtful statement but a fact that can be proven without conducting any study.

Why choose may itsura kung puwede naman yung mabait?

Why choose sexy o macho kung puwede naman yung matapang?

Why choose bastos o manyak kung puwede naman yung marespeto?

Hindi ko alam kung bakit ganito ang karamihan sa mga tao ng mundo kaya ako nalang yung lumayo at hinayaan ko nalang siya. Minsan na niya akong ipinagpalit at kaya niya yun siguro nagawa dahil hindi ko nameet yung mga standards niya o nagkulang ako.

Dumaan ang maraming sleepless nights dahil sa mga kailangang tapusing projects, thesis at mga requirements at natapos din. Naghanda na kami, inaayos ko ang itsura ko, pinaplantsa ko ang kurbata ko gamit ang aking mga kamay, pinagmasdan ang bawat anggulo ng aking mukha, katawan at damit bago ako tumungo sa campus.

Napakasayang pagmasdan ang mga mukhang nakapaskil sa may gate ng school, bitbit ang nirolyong makapal na papel ng tagumpay at naitali ng isang mahabang resulta ng kasiyahan. Ang mga makukulay na disenyo mula sa entablado at mga iba't ibang estilo ng ilaw sa taas nito.

Dumating na ang araw na pinakahihintay namin, pinakahihintay ng lahat at lalo na ng mga magulang namin. Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad nang matawag ang aking napakagandang pangalan- Marquez, Jimuel R.

Humakbang ako ng isa, dalawa at tatlo papunta sa entablado, animoy para akong nasa langit suot ang itim kong toga at ang pulang hood.

Nanginig ang mga kamay ko habang binubuka ang aking malamig na kaliwang palad  para tanggapin ang aking diploma at ipasa ito sa aking mga magulang.

Agad ko silang niyakap at pinasalamatan sa kanilang ibinigay na oportunidad sa akin upang pulutin ang mga dunong sa mundong ito at ibuhay bilang isang tao.

Sa puntong yaon, puro nakaraan ng paghihirap, pagsasakripisyo at sakit ang lumabas sa isipan ko at hindi ko namalayang nakangiti ako nang makita ko kung nasaan at kung ano na ang narating sa pinakamagandang araw noon.

SPECIAL DAY

Wasn't Enough #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon