KABANATA X

97 68 18
                                    

GIVING UP


Chlea's PoV

I have undergone antiretroviral treatments. The NRTI (Nucleoside Reverse Transcriptase Inhibitors), drug combination called Truvada which includes Tenofovir and Lamivudine. Nakakapagpababa raw yun ng rate ng pagdami ng viruses sa katawan ko.

Hindi na ako nagdalawang isip na pumayag at umaasang makakabangon pa ako sa sakit kong ito. Pinilit kong labanan ang mga side effects because I usually suffer from nausea, palagi rin akong hindi makatulog, palagi akong sumusuka at napakarami ko nang mga rashes sa katawan which they call Kaposi's Sarcoma yata, I am not sure.

Lagi na rin akong nakakafeel ng sakit lalo na sa mga joints ko. I have realized na it is the right time to stop dahil hindi ko na kaya.

"Hindi ko na kaya, ayoko na." Iyan lagi ang tumatakbo sa isip ko kapag nakakaranas ako ng sakit pero minomotivate ako ni mama, ng mga pamilya ko at ni Jimuel. Sinabi ko naman na kay Jimuel na tulungan niya si mama na mag-alaga sa mga anak ko, kaya kampante na ako na magiging okay sila.

I have suffered from day-to-day pains. Hirap akong maglakad kahit sa mga short distanced places lang.

Napakahirap ng ganito. Yung magdurusa ka sa mga pagkakamali mo. Hindi kasi ako nag-isip nang maayos dati at yung puso ko lang yung pinakinggan ko.

I was such an uto-uto. Nagpauto ako sa naramdaman ko. Nagpaloko ako sa mga nakikita ko. Punung-puno ako ng pagsisisi dahil sa mga nangyayari and I am very sorry for myself. I am so sorry for being like this.

Jimuel's PoV

Palagi naming minomotivate si Chlea. Alam kong malakas siya kahit pa nasa ganoon siyang kalagayan pero hindi pa rin mawawala sa isang tao ang paghina kaya naman mas mabuting idaan namin sa positibong mga paraan ang lahat.

"Mama!" Sabi ni Jessica habang isinasara ko yung pintuan.

Si Jessica, siya ang unang anak nila Chlea at ni Jess. Nakakainis lang isipin na ganun lang yung nangyari sa taong minsan kong minahal nang totoo, pero wala naman na akong magagawa. Ibibigay ko nalang sa mga anak niya yung hindi ko naibigay na kalinga sa kanya noon.

Anywhere, anytime, pwedeng mawala si Chlea. I know there is no cure para sa AIDS lalo at malala na yung sa kanya. So, I need to be calm whatever might happen.

"Iwan ko muna siya sayo, papasok pa ako sa trabaho ko e. Na kay mama mo si Claire." Claire, siya yung bunso niyang anak.

"Sige." Sabi niya sa akin habang inaayos ko ang kurbata ko.

"Jimuel." I was about to open the door nang tawagin niya ako.

"Ingat ka." Sabi niya na may halong pilit na ngiti. Wala na akong naisagot kaya nagngitian na lang kami.

Iniisip ko kung bakit ko pa inako yung pag-aalaga sa mga anak nya.

I cannot imagine what might happen kung bigla kaming maging malapit sa isa't isa ng mga anak ni Chlea. Paano na kung bumalik si Jess sa kanila? Paano kung baka ako na yung ituring nilang ama? I just can't imagine.

Yun yung naiisip ko sa bawat araw na nakakasama ko ang mga bata. Napalapit na rin sila sa akin. Patuloy akong nag-oobserba na baka bumalik si Jess para kay Chlea, pero wala. Walang anino ni Jess kahit saan.

Chlea's PoV

I am very happy. Not because Jimuel is with me pero dahil sa masaya yung mga anak ko sa aruga niya. Kahit papaano, may nakakasama silang parang ama nila. And kampante na ako. Hindi ko man sila makitang lumaki, at least, may kasama silang pinagkakatiwalaan ko.

Ang hirap ding makita sila na nahihirapang nakikita ako sa kalagayan ko. Ayoko na silang mag-alala. Dahil alam kong papunta na ako. Magpapahinga na ako nang maayos sa maganda at malambot na kuwarto ko. Kaya salamat sa kanilang lahat. Jimuel, salamat sa ala-ala.

Jimuel's PoV

Weekends ngayon at sinundo ko ang mga bata sa bahay nila. Nagleave muna ako sa work dahil gusto kong makasama nila ang mama nila.

Bumili kami ng prutas na makakain para kay Chlea. Bitbit ni Claire yung mga mansanas na medyo hirap pa rin sa paglalakad. She is still five kaya she still cannot walk comfortably sometimes.

Na kay Jessica naman yung mga pananghalian. She is seven at malapit na rin ang birthday niya.

We arrived in her room at the hospital. Ibibigay na sana namin yung mga kakainin nang makita ko mula sa door window ang mama niyang nakahawak sa mga kamay niya habang umiiyak. Parang alam ko na ang nangyari kaya iniwan ko muna ang mga anak niya sa labas.

"Jessica dito muna kayo ha. Kunin mo na si Claire at maglaro muna kayo sa labas. Pagagalingin lang namin si mama nyo okay?" Sabi ko kay Jessica at lumabas naman sila pagkatapos kong kunin ang mga pinamili namin.

Hinipo ko ang likod ng mama niya while still crying.

"Okay lang tita. Talagang ganyan. She really needs to take a rest for the rest of her life. Sawa na po siguro siya sa mga hirap na dinanas niya." I said and she responded with a hug.

Niyakap niya ako ng pagkahigpit releasing her mourn and hurtful feelings.

Lumabas ako para mag-explain sa mga bata. I saw them making their own chores habang nakaupo sa mga benches. Masaya silang naglalaro kaya ayoko silang mabigla.

"Jessica, Claire, tabi muna ako sa inyo ha." Sabi ko at umusog sila para bigyan ako ng mauupuan.

"Magaling na si mama niyo okay? Pero kailangan pa niyang magpahinga nang matagal. Payag ba kayo dun?" Tanong ko sa kanila.

"Opo puwede." Malakas na sagot ni Jessica.

Sinamantala ko ang kawalan nila ng muwang sa mga pagkakataong yaon. Pinapasok ko sila para makita nila ang mama nila. They hugged her hoping na magigising pa siya pero hindi na.

"Mama, bilisan mong magpahinga ha. Malapit na kasi ang birthday ko. Gusto ko magaling ka na sa araw nay yun ma." Masayang sabi ni Jessica habang yakap niya ang mama niya.

I feel very sad para sa kanila. Pinigil ko nalang ang aking mga luha habang pinagmamasdan ko silang mag-iina. I am very happy dahil natuldukan na ang malagim na naranasan ni Chlea, pero I am also sad dahil hindi man lang niya makikitang lumaki ang mga anak niya.

GIVING UP

Wasn't Enough #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon