KABANATA XIV

76 52 22
                                    

PAGBABALIK


Napakahirap abutin ng mga tila imposibleng mga pangarap. Napakahirap magsikap na mahalin ang taong hindi sa iyo nararapat. At napakahirap gawin ang mga bagay na hindi mo gustong gawin ngunit kailangan.

Pero, mas mahirap abutin ang mga bagay na literal na mataas lalo kung hindi sapat ang iyong laki para makuha iyon.

"Ako na." Bungad ko nang makita kong may babaeng halos tumaas na ang kaniyang suot na pulang mahabang damit na pawang sadiyang ginawa para takpan ang magandang sukat ng kaniyang katawan.

Pilit na inaabot ni Ara ang ilang mga portfolio sa taas ng cabinet kung saan nakalagay ang mga dokumento at mga ibat ibang papeles na pag-aari ng kumpanya.

Si Ara ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ng boss namin bagaman hindi siya ang sekretarya. Napakatahimik niya ngunit ginagawa niya ang lahat ng bagay upang hindi mabigo ang boss namin sa kaniya.

Kaya niyang gawin lahat ng bagay kahit na mag-isa siya maliban na lamang sa pag-abot ng mga matataas na bagay.

Hindi naman ako kasing tangkad ng mga basketbolista ngunit sapat lamang ang aking laki para abutin ang mga hindi niya maabot.

"Salamat." Sagot niya at bahagyang iniyuko ang kaniyang ulo.

Hindi ko na nakita ang mukha niya dahil sa kaniyang pagyuko. Nabalutan na ang magkabilang tainga niya dahil sa pagbagsak ng kaniyang maalon na buhok na abot hanggang baywang niya.

Dahil sa kaniyang buhok, kilala siya ng lahat ng mga kasama namin sa kumpaniya. Malalaman na ng lahat kung sino ang tinutukoy kung babaeng mahaba ang buhok ang iyong sinabi.

Hindi rin siya nabibigong makuha ang atensyon ng lahat na pati ang aking atensyon ay nakukuha rin niya. Napakahirap lamang niyang kausapin dahil tahimik siya.

Ngunit dahil sa kaniyang angking kagandahan at katangian, hindi ko maiwasang maalala si Chlea. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawaglit ang kaniyang pangalan at imahe sa utak ko.

"Hello?" Nagulat ako nang magsalita uli siya. Nilamon na pala ako ng kung ano-anong iniisip ng utak ko.

"Ah...eh sorry. May aabutin ka pa ba diyan?" Utal kong tanong habang tuminging bahagya sa cabinet para ituro.

"Ah wala na. Sige salamat ulit." Huling sabi niya at nag-iwan ng matamis na ngiti bago niya ako talikuran paalis.

Ginantihan ko rin siya ng isang totoong ngiti ngunit agad ko namang binawi nang matapat na sa akin ang kaniyang likod.

Muling nagpaikot-ikot sa aking isipan ang mga hindi mapantayang ngiti ni Chlea noon sa akin lalo noong sinurpresa ko siya sa kaniyang kaarawan.

Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa puwesto ko. Hindi pa man ako nakakarating ay may kamay na dumapo sa kaliwang balikat ko. Bigla ko itong nilingon at tumambad sa akin ang mukha ni Greg na may baong isang abot-taingang ngiti.

"Oh, masaya ka yata?" tanong ko at muli akong lumakad. Hindi pa rin niya tinanggal ang kaniyang kamay at siya ay sumagot.

"Hindi ba ikaw ang masaya sa ating dalawa? Jimuel?" Tanong nito na parang may ibig sabihin dahil sa kaniyang ngiti at mga matang nanlilisik na usisain ang mga bagay-bagay.

"Anong pinagsasasabi mo? Baliw." Sabi ko at umupo na ako sa may desk ko. Hindi pa rin siya tumigil at iniurong ang mga nakalapag kong gamit sa desk ko para kaniyang upuan.

"Akala mo hindi ko nakita? Ang sweet mo kay Ara kanina bro. Naka move on ka na ba talaga kay Chlea?" sunod-sunod na tanong nito habang ipinapatong ang kaniyang kaliwang braso sa kaniyang tuhod para mailapit ang kaniyangu ulo sa akin.

Wasn't Enough #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon