KABANATA III

132 87 65
                                    

Kaarawan

Kulay pulang tela na ipinalibot sa bawat sulok ng kanilang bahay kasama ng mga malalaki at maliliit na pulang lobong nakasabit pababa sa kanilang kisame, isang malaking birthday cake at iba't-ibang nagsasarapang mga pagkain ang nakahain sa mesa, nagmamahalang mga unumin ang nakasilid sa isang kahon, mga upuang may palamuting pula at puti na nakapalibot sa bawat mesa sa loob ng kanilang sala, mga matitingkad na rosas ang nakalagay sa isang malaking babasaging vase, isang malaking speaker at isang amplifier at ang huli, ang kaniyang damit- isang pulang gown na punung-puno ng kinang katulad ng kaniyang kagandahan.

Pinagmasdan ng isang gabi ang motif ng kaniyang kaarawan at tanging paghahangad ko lamang ang aking naiisip. Hindi na ako makapaghintay na sa oras na yaon ay makita ko siya.

Kinaumagahan, pagdating ng hapon, iginayak ko ang aking sarili. Karaka akong pumanhik sa kanilang bahay nang patago kasama ng kaniyang pinsan.

Puno man ng kaba at pawis ang aking mga kamay, agad ko iyong ipinunas sa ibaba ng aking itim at puting checkered na polo at ibinalik ko sa aking palad ang rosas na kaybango.

Nagmistulang naipadila ang aking buhok sa isang baka dahil sa hindi na mahawi at magulo. Doon nga ay naupo ako sa likod ng bahay nila para maghintay sa hudyat ng kanyang pinsan.

Akin siyang sinisilip sa kanilang bintana at nagulat ako nang makita kong nagbago siya, nagbago ang kaniyang mukha. Nangibabaw ang kaniyang kagandahan sa suot niya pulang damit. At sa bawat pagyapak niya sa sahig, bumagal ang mga segundo sa aking paningin.

Gusto ko siyang yakapin ngunit sa pagkakataong yaon, mas nanaig ang kaba at pangamba ko na baka hindi niya ako tanggapin. Na baka ayaw pala niya talaga sa akin.

Naghintay ako nang maraming minuto hanggang sa dumating ang oras para handugan siya ng labing-walong rosas.

"Uy Jimuel, maghanda ka na. Diyan ka na susulpot. Ikaw ang huli." Sabi ni Jacob, pinsan ni Chlea.

Tama, isa ako sa mga magbibigay ng rosas pero bale panglabing siyam na ako dahil hindi ako dapat mailagay sa mga pangalan na nasa listahan.

Sumagot nalang ako at naghanda. Inayos ko sa huling pagkakataon ang buhok at damit ko. Nag-isip ako ng paraan kung paano ko ba ibibigay yung mga rosas na bitbit ko hanggang sa naging tahimik ang paligid. Yun na yung hudyat ko kasabay ng pagtawag sa akin ni Jacob sa bintana. Lumabas ako bigla at nagtungo sa likod kung saan nagaganap ang kasiyahan.

Dumaan ako sa pintuan nila sa likod. Doon ko nasilayan ang mahaba niyang paalon-alon na buhok. Dahan-dahan akong lumakad at nagpunta sa likod niya. Walang nabanggit na pangalan ko kaya pasikreto akong pumunta sa likod niya habang magkabilaan ang kislap ng mga ilaw mula sa mga dala nilang camera.

Nagulat ang lahat maliban na lang sa mga taong nakaaalam. Bigla kong tinakpan ang mga mata niya gamit ang aking malamig at medyo basang mga palad. Nabalutan naman ng init ang aking kamay nang hawakan ito ni Chlea. Bigla niya itong ibinaba at tumalikod siya.

Wala na akong nagawa kundi yakapin siya nang mahigpit nang mahigpit na halos hindi na siya makahinga. Isunuksok ko ang aking ulo sa kaniyang leeg as a gesture na sobrang namiss ko siya at kaniya namang inilagay ang kanyang kamay sa aking likuran.

Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman sa pagkakataong yaon. Bumuhos ang mga luha mula sa akin. Inalala ko ang lahat ng mga nakalipas naming dalawa bagaman ilang panahon lamang kaming nagsama.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakapulupot ko sa kaniya nang marinig kong may isang awiting tumugtog. Sa Ngalan ng Pag-ibig by December Avenue.

Patunay na hanggang sa dulo ng walang hanggan, ako'y naghintay at maghihintay, sa ngalan ng pag-ibig. Napuno na rin ng mga tilian ang loob ng kanilang bahay nang akin nang iabot ang mga rosas na hawak ko. Pinunasan ko ang kaniyang mga luha at niyakap siya ulit.

"Chlea, Happy 18th Birthday. Namiss kita." Sambit ko at niyakap siya ulit.

Palakpakan na ang naging kasunod ng lahat. Isinayaw ko siya sa himig ng isang kantang patungkol sa pag-ibig.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa gitna ng mga pag-indayog namin.

"Uhm. Chlea. Huwag ka sanang magalit. Alam ng mga magulang mo kung bakit ako nandito. Alam mo ba, gusto na kita dati pa kaso napakatahimik mo kasi noon na baka hindi mo ako pansinin, torpe kasi ako kaya, mukhang ito lang yung right time para aminin ko sayo. Chlea. Gusto kita. Mahal na mahal kita." Aking sinabi at inilapit ko ang aking mukha sa kaniya at tinitigan siya mula sa kaniyang noo habang nakatingin siya sa ibaba na parang nahihiya.

"Sana kung tinatanggap mo man ako, timungin ka sakin pataas. At kung hindi, okay lang." Pagmamayabang kong sabi.

Lumipas ang ilang segundo at para bang walang pag-asang titingin siya sa akin kaya tumingin ako sa kisame dahil sa pagkabigo. Ngunit nagulat ako nang may humila sa baba ko.

"Jimuel, gusto rin kita." Sabay niyang sabi at niyakap ako.

Tilian na naman ang narinig naming dalawa at dahil sa sobrang kasiyahan ko, akin siyang ginantihan ng isang mahigpit na yakap at isang light kiss sa kaniyang noo.

Nabuhay ang laman kong dati'y nasa hukay ng panghihinayang. At nagkaroon ako ng pag-asa kay Chlea, ang babaeng mahal ko nang sobra.

Nagpatuloy ang selebrasyon at kasiyahan hanggang maggabi. Maraming mga nakahaing pagkain na masasarap, naganap din ang 18 candles, 18 wines, at ang 18 gifts niya.

Nang matapos, nagpunta ako sa balcony nila at umupo, inisip kung uuwi na ba ako o mamamalagi na muna sa kanila kaya tumawag ako kay mama sa probinsya.

"Ma, uuwi na yata ako diyan, tapos naman na kasiyahan dito." Sabi ko sa telepono nang kausapin ko siya.

"Huwag ka muna umuwi, dito ka muna." Napababa ako sa telepono nang marinig kong may isang banayad na tinig mula sa likod ko. Si Chlea.

"Ah eh, bakit naman hindi?" Tanong ko sa kaniya.

"Akala ko ba mahal mo ako? Bakit ka aalis agad?" Sabi niya habang umuupo sa tabi ko.

"Puwede pa naman ako mamalagi dito hangga't gusto mo. Para makasama pa kita nang kahit ilang araw bago ako umuwi." Sagot ko.

"Malabo kasing makapunta ako sa probinsya, kasi nag-aaral pa ako dito." Giit naman niya.

"Eh kaya mo ba?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Ang alin?" Sagot naman niya na may kunot sa noo.

"Kaya mo ba kahit wala ako?" Sunod ko.

"Kakayanin hangga't nagmamahalan tayo diba."

Hindi uso sa akin ang kilig pero bakit nanginig ako sa sinabi niya. Umusog ako malapit sa kaniya at itinuloy namin ang pag-uusap habang hawak-hawak ko ang mga kamay niya.

"Basta pangako natin. Kahit magkalayo man tayo, walang bibitaw." Sabi ko at tumango siya.

Akin siyang niyakap. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng mahinang pagsambitla ko sa isang kataga- "Maraming Salamat Ama."

Siya ang nasa likod ng bawat nangyari. Siya ang puno at dulo ng bawat pagsisikap na ginawa ko. Sa pagkakataong yaon, naging kampante ako sa pangako niya, na kahit anong mangyari, magkalayo man kami ng kinaroroonan, mamahalin pa rin namin ang isa't-isa magpakailanman.
At yaon, naging kami. Ang pag-irog namin ay naging isa at naghanda para sa mga haharaping pagsubok sa aming relasyon.

Kaarawan

Wasn't Enough #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon