KABANATA IV

115 84 35
                                    

Magic Word

Isang linggo ang nakalipas nang mamalagi ako sa kanila. Nakitulog ako sa bahay ng kaniyang pinsan at naging sulit ang pamamalagi ko roon.

Ipinasyal nila kami sa iba't-ibang mga naggagandahang lugar sa kanila. Kumain kami sa mga masasarap na kainan at higit sa lahat, mas nakilala namin ang isa't-isa.

"Hintayin mo ako a. Pakakasalan pa kita." Unang sabi ako at kumunot ang noo niya ngunit kasabay nito ang isang ngiti mula sa kaniyang mga mapupulang labi.

"Magtrabaho ka muna bago mo ako pakasalan." Sabi niya nang pabiro.

"Oo ba. Magtatrabaho ako. Mag-iipon ako para sa iyo. Bubuo tayo ng isang masayang pamilya. Ilang anak ba gusto mo?" Tanong ko at tumawa siya.

Ang hirap umalis nang araw na yaon noong makita ko siyang tumawa. Inisip ko kung paano ko siya iiwan, paano kung mag-isa na siya. Paano kung makahanap siya ng iba.

Ngunit itinanim ko sa isipan ko ang pangako namin sa isa't-isa, kaya alam kong maghihintay siya hanggang sa kami ay magkita muli.

"Chlea." Tawag ko nang pabalik na siya sa bahay nila. Lumingon siya at nagsalita.

"Bakit?"

Walang anu-ano ay mahigpit ko siyang niyakap. Niyakap ko siya kasabay ng pag-alala sa lahat ng mga nangyaring hindi kapani-paniwala. She responded too. At bago ako umalis nang oras na yaon. I planted a kiss on her forehead.

"Hihintayin kita. At alam kong hihintayin mo rin ako." I finally said and she released her unforgotten smile and nod.

Naging kampante ako sa oras na yaon. Alam kong maghihintay siya. Alam kong kaya niya.

Nagtungo na kami sa terminal ng bus. Sa bawat hakbang ng aking mga paa, tanging mukha at pangalan lang niya ang nasa isipan ko.

Naiisip ko ang magiging hinaharap namin. Naiisip ko kung gaano kami magiging masaya sa piling naming dalawa.

Pagpasok ko sa bus, agad akong tumawag sa kaniya. Muli akong nagpaalam at kumirot uli ang dibdib ko nang marinig ko ang boses niya.

Parang ayaw ko nang ibaba ang telepono nang mga oras na yaon dahil sa pagkahumaling ko sa malumanay at nakakabighani niyang boses.

Sa bawat pagbigkas ng kaniyang salita, sunod-sunod na ngiti ang nailalabas ko na animo'y para akong isang batang walang muwang na nakatingin sa kawalan.

"Huy Jimeul. Nandiyan ka pa?" Nagulantang ako sa boses niya.

"Ah oo nandito pa ako." Gulat kong sabi.

"Oh ingat ka sa pag-uwi a. Dadalawin na lang kita kapag nagbakasyon na ako dun." Sagot niya.

"Hindi, ako ang dadalaw sa iyo iyan. Basta maghintay ka. Ibabahay pa kita. Tandaan mo yan." Sunud-sunod naman na tawa ang narinig ko.
We bid ourselves goodbye by saying the magic word of love, "I love you."

Ibinaba ko na ang telepono, inayos ang sarili ko sa pagkakaupo, huminga nang malalim, isinuot ang headphones at nakinig sa mga musics. Agad din namang umarangkada ang bus na sinakyan ko ay nagtuloy-tuloy ang biyahe.

Pinanood ko ang bawat lugar na madaanan ng bus hanggang sa maramdaman kong bumagsak ang talukap ng aking mga mata. At kasabay ng saliw ng musika, nakita ko ang mukha ni Chlea na kasama kong masaya at yakap-yakap nang mahigpit.

Mahimbing na akong nakatulog sa oras na yaon habang may nakadikit na isang ngiti sa aking labi.

Magic Word

Wasn't Enough #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon