KABANATA XII

90 63 16
                                    

REMINISCE

Jimuel's PoV

"Mag-iingat ka anak ha. Nilagay ko na pala yung baon mo diyan sa bag mo." Paunang sabi ng mama ko habang inaayos ko ang aking damit bilang paghahanda sa isang araw ulit ng trabaho.

"Sige ma. Salamat. Mauna na po ako." Bati ko na sinundan ng isang halik sa kaniyang noo bago ako lumabas ng bahay.

Naroon naman si papa na umagang-umaga ay nasa kaniyang shop na.

Hindi pa man ngumingiti ang araw ay agad na siyang bumabangon para salubungin ang shop.
Binubuhusan ng alaga ang lahat ng bagay na naroon na bunga ng mga nakaraang sakripisyo upang mapalago ang bawat piyesa.

Muli kong naalala ang lahat ng nakaraan ko sa shop na iyon.

Kung hindi na naaalala ng karamihan, tumutulong ako lagi roon na siya rin nag-udyok sa akin para kumuha ng kursong pagkainhinyero.

Ginusto kong palaguin ang dakong kinaroroonan ng shop upang mas maging komportable ang ama ko sa pagpapatakbo nito.

At hanggang ngayon, nag-ooperate pa rin ito at mayroon na ring mas maraming bilang ng mga trabahador at nagkaroon na rin ng maraming branches sa iba't-ibang lugar dito sa probinsya.

"Pa, pasok na po ako. Kumain na po kayo ni mama sa bahay." Bati ko at diretso akong pumasok sa sasakyan ko.

Ibinenta ko na yaong dating motor ko at ipinalit ko ng isang sasakyang may apat na gulong.

Alam kong tatlo lamang kami sa bahay at wala pa naman akong pamilya ngunit gusto kong gamitin iyon para ipasyal ang mga magulang ko sa tuwing gusto nilang makapunta sa ibang lugar.

Matagal na kasing sinasabi ni mama na gusto niyang pumunta noon sa Baguio, sa Vigan, sa Ilocos Norte at maging sa Maynila kung may sasakyan sana.

Kaya nag-ipon ako habang nagtatrabaho para may pamalit sa dating motor ko.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at bumiyahe, ilang sandali pa ay sinulyapan ko ang aking relo at alas otso na ng umaga.

Naisipan ko munang dumaan sa may grocery para bumili ng mga pagkain. Dadaanan ko muna si Chlea bago ako pumasok sa trabaho.

Muli akong bumiyahe para pumunta sa bahay nila at sumabay ang musika mula sa stereo ng sasakyan ko sa bawat pag-ikot ng mga gulong nito.

PLAYING

Sa Ngalan Ng Pag-ibig
By December Avenue

Ngunit habang nakikinig sa saliw ng awiting pinapakinggan ko, hindi ko maiwasang alalahanin ang mga nangyari, ang mga biyahe, ang mga mensahe at ang mga letrato.

Hanggang kailan ako maghihintay

Na para bang wala nang papalit sa'yo?...

Oo, inisip ko noon kung hanggang kailan ako maghihintay. Hanggang kailan ako maghihintay sa muli naming pagkikita na akala ko'y matutupad dati.

Nasa'n ka man

Sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon...

Indeed. Kahit alam kong magkalayo kami, hindi siya nawala sa isipan ko na hanggang sa pagtulog ko, siya lamang ang umiikot sa utak ko.

Na kahit magkausap sa telepono, kaya kong makita ang kaniyang imahe sa imahinasyon ko.

Muli ko naalala ulit ang mga araw na palagi ko siyang pinagmamasdan. Hindi para tunawin kundi upang iguhit sa kuwarderno kong mga mukha niya lamang ang laman.

Nasa akin pa ang kuwarderno kong iyon na siya lamang natira na ala-ala niya.

Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan

Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman...

Pero kahit pa anong gawin ko noon, hindi kami nakarating sa dulo ng walang hanggan. At kahit pa gaano kadalisay ang puso ko, wala na ring saysay dahil mas nauna nang nawala ang lahat ng nararamdaman niya nang tinangka kaming paghiwalayin ng tadhana.

Kahit matapos ang magpakailan pa man

Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig mo.

Wala. Hindi ipinaramdam sa amin ang magpakailanmang pagmamahalan kahit pa naghintay ako sa ngalan ng kaniyang pag-ibig.

Ngunit ngayon, masaya pa rin akong natapos na ang paghihirap niya at kasalukuyang tinatamasa ang buhay na walang pag-iyak, walang lungkot, walang pagkabigo at walang hanggan magpakailan pa man.

At bigla akong napatigil sa pag-alala nang muntikan nang maiuntog ang ulo ko sa manibela ko pagkatapos kong pihitin ang preno dahil sa pulang ilaw sa likod ng sasakyang sinusundan ko.

Nawala yata ako sa aking sarili. At yaon ay dahil sa mga ala-ala naming dalawa ni Chlea na naging parte ng pagkatao at buhay ko.

REMINISCE

Wasn't Enough #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon