KABANATA XV

67 43 9
                                    

PAALAM


Napakasayang makita na masaya ang ibang tao. Napakasayang makita na kasama mo ang mahal mo. Ngunit mas masaya sana kung kumpleto ninyong ipinagdiriwang ang kasiyahan ninyo.

Bagaman naging malupit at sakim si Jess sa mga gawang-laman, natuto siyang magsisi at humingi ng kapatawaran.

Mahirap mang tanggapin na siya ang dahilan ng lahat, kailangan nang tanggapin, kalimutan at magsimula ng bagong hinaharap.

Isa at kalahating oras na lamang ay muli nang ihahatid si Chlea ng kaniyang ina, hindi sa kaniyang naghihintay na asawa kundi sa kaniyang naghihintay na bagong-buhay.

Muli siyang ihaharap ni Jess, hindi sa altar na siyang pinapangarap ng maraming kababaihan kundi sa Panginoong Diyos na naghihintay mula sa kaniyang kaharian.

At babalik na si Chlea, hindi sa aking piling kundi sa piling ng mga nagbalik-loob sa kaharian ng Panginoon Diyos na siyang gustong tamasahin ng nakararami.

Nakakabinging katahimikan ang nakapalibot sa aming lahat na narito ngayon upang makipagkaisa sa gagawing pananalangin para sa huling mga oras ni Chlea. Marami  ang naging panauhin na takda ng pakikiramay ng mga taong naging parte ng buhay niya.

"Lola bakit maraming tao? At bakit po sila umiiyak lola?" Nalilitong tanong ni Jessica habang pinagmamasdan ang mga sunod-sunod na taong nagsulputan sa loob ng kanilang bahay.

"Dadalawin lang nila si mama mo iha kasi malapit na siya gumaling." Pagsisinungaling na sabi ng kaniyang lola habang hinihila nang bahagya ang kamay ni Jessica upang dalhin sa kanilang kuwarto.

●●●●●

Nagsimulang manalangin ang tagapanguna nang matipon ang lahat ng angkan ng mga Abengoza pati na rin ng mga Noto.

Ama na makapangyarihan sa lahat. Nagsusumamo kami sa iyo nawa ay dinggin mo ang aming mga tinig.” Unang sambit ng tagapanguna at naramdaman namin ang biyayang mula sa makabuluhang panalangin nito.

"Ama narito kami upang ipanalangin ang buong sambahayan ng yumao naming kapatid.
Muli mong basbasan ang maiiwang mga mahal niya sa buhay."

"Basbasan mo higit sa kanilang lahat ang kaniyang asawa na siyang katuwang ng kaniyang ina sa pangangalaga sa kanilang mga anak." Biglang bumuhos ang mga luhang dulot ng dalamhati at ng pangungulila kay Chlea.

"Idinadalangin din namin ang kaniyang ina na siyang nakakaramdam ng lalong masidhing pangungulila sa kaniyang yumaong anak." Ika nito at sumang-ayon ang ina ni Chlea na garalgal ang matatag na tinig dulot ng walang-humpay na pagbuhos ng kaniyang mga luha.

"Nawa ay iyong ingatan ang kaniyang mga anak na bagaman naulila na sa kanilang ina ay patuloy na nabubuhay upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

"Ama higit naming idinadalangin sa inyo." Mataas ang kumpiyansa at tinig na sambit ng tagapanguna at hindi magkumayaw ang lahat ng miyembro ng pamilya na tumangis sa kanilang nararamdamang pangungulila.

"Bigyan mo ng kagalakan ang sinomang iiwan ng aming kapatid ngayon na haharap sa inyo diyan sa kahariang ipagkakaloob mo sa amin."

Walang ibang maririnig sa loob ng silid na aming kinalalagyan kundi ang mga pigil na hikbi, mga garalgal ngunit matatag na pagsang-ayon, mga luha ng kagalakan na siyang babaunin ni Chlea sa kaniyang huling hantungan.

"Muli kaming nagsusumamo sa iyo aming Ama. Muli mong biyayaan ng panibagong lakas, panibagong sigla at panibagong pag-asa kaming lahat na naririto ngayon upang sa gayoy sama-sama kaming makapaglingkod sa iyo, tamasahin namin ang buhay na walang-hanggan."

Wasn't Enough #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon