KABANATA II

142 88 152
                                    

TULOG NA PAG-ASA

Nagdaan ang mga araw ng aking pagsisisi. Nahiya ako dahil sa mga ginawa ko sa kaniya. I have realized na it wasn't the right way to impress.
Mga ilang araw ko siyang hindi pinapansin at kinakausap ngunit alam ko sa sarili ko, gusto ko siyang mahalin, ingatan, alagaan at ipagmalaki. Nagulat ako noon isang araw, nilapitan ako ng mga barkada ko.

"Uy bro, okay ka lang? Pasensiya ka na nung nakaraan a. Natakot kasi kami e." Sabi ni Greg.
Nakailang jowa na siya pero walang tumatagal na relasyon sa buhay niya. Buti nalang hindi ako katulad kaniya.

"Okay lang naman ako pero sira na ako sa kaniya bro." Panghihinayang kong sabi.

Yung feeling na pinapakita mong okay ka kahit deep inside, nasasaktan at sukong-suko ka na talaga.

"Darating din yung tamang panahon. Hindi naman iyan minamadali." Giit pa niya.

"Wow Greg, ikaw pa talaga nagsabi niyan a? Hanep, e hindi ka nga nanligaw ni minsan e. Hanggang text ka lang naman diyan." Sabat naman ni Joshua.

Loyal siyang tao, pero natutukso siya talaga sa mga pang Miss Universe naming mga kaklase. Kaya yung muse namin noon na jowa niya, ipingpalit niya sa tranferee namin, na isang half Canadian.

"Sige tama na yan. Dadagdag pa kayo." Huli kong sabi.

Bumalik ako sa pagmumuni at lumayas na silang dalawa habang nagtatalo. Hindi naman ako desperadong tao. Gusto ko lang siya sana makuha ASAP. Yung hindi na ako mauunahan pa ng iba. Yun lang naman yung hangad ko sana. Dahil sa ngalan ng pag-ibig, hahamakin ang lahat makuha lang ang matagal mo nang hinahangad.

Ngunit sa hindi inaasahang panahong mabilis lumipas, ang lahat ng sana ay naging wala. Wala. Wala na siya. Ikinubli siya ng panahon. Iniwan ako sa ulap ng pag-ibig at dumako siya sa ibang lugar.

Kinailangan niyang umalis dahil kinuha na siya ng parents niya sa Cavite. Actually, isa lamang siyang dayo. Isang dayong kailangan mong makilala pero kailangan din niyang lumisan.

Naging mahirap ang bawat yugto ko magmula noong umalis siya. Minsan ayoko nang pumasok, gusto ko na lamang magmukmok hanggang sa bumalik siya muli ngunit parang umiba uli ang ihip ng hangin.

Naging usap-usapan kaming dalawa sa classroom pagkalipas ng ilang mga taon. Bigla na lamang kaming naging trend sa mga teachers. Shipping is real samin noon kaso walang shipping fee haha.

Araw-araw na lamang akong nagugulat kung bakit araw-araw silang nagtatanong sa akin. Hindi ko alam kung naipabalita ba sa TV o nasagap lang ng mga storyteller. Malamang, kagagawan ito ng mga kaibigan ko.

"Ano Mr. Jimuel Marquez? Kailan mo pupuntahan si Chlea?"

"Kaya pa yan bro. Tiwala lang."

"Oo bro, supot ka namin. Este support haha."

"Puntahan mo na siya Mr. Marquez. Baka maunahan ka pa ng iba. Sige ka."

Mga paulit-ulit na katagang naririnig ko mula sa kaklase at mga guro namin. Hindi na ako magtataka, kasi may pakiramdam naman sila. May mga mata silang nakakakita ng mga bagay-bagay sa paligid nila.

Kaya salamat. Nabuhayan ako sa kanilang mga salita. Hindi man nila ako binigyan ng mga materyal na bagay, mga pera na magagamit ko, pero binuhay nila yung nakatulog kong pag-asa.

Kaya naman napagdesisyunan ko. Ginusto kong puntahan siya pagkatapos kong makapagtapos ng secondarya. Hinintay kong makapag-isip pa ako ng kaunting panahon at naghanap ako ng mga puwedeng katulungin.

Tinawagan ko yung parents niya na ipinakilala niya sa amin noong dumalo kami sa kaarawan niya. Sinabi kong pupunta ako sa ika-18 na kaarawan niya sa susunod na buwan na nung araw na yun.

In-add ko lahat ng mga kaklase niya sa Cavite, mga taong tinatag niya tuwing may okasyon sila roon. At pinakamabisa sa lahat, nagset ako ng isang linggong panalangin.

Ipinalangin ko siya. Humingi ako ng payo at lakas sa kaniya. Tumangis ako, nagpatulong at nangako na gagawin ko lahat para sa kaniya.

Doon ako mas lalong nagkaroon ng lakas-loob. Nagtiwala ako sa kaniya at hindi sa magagawa ko dahil naniniwala akong sa kaniya lahat nagmumula ang lahat.

Dumating ang isang linggo bago ang kaarawan niya. Araw-araw ko silang tinatawagan, sinama ko na rin yung mga pinsan niyang kaklase rin niya.

Todo ang ginawa kong paghahanda, bumili ako ng bagong damit ko, mga regalo para sa kaniya, at hanggang sa dumating ang espesyal na araw niya. Binalot ko lahat ng regalo ko sa kaniya- isang teddy bear at kuwintas.

Nakarating ako ng gabi sa kanila, sinalubong nila ko at nanuluyan sa bahay ng pinsan niya. Isang araw na lamang bago ang kaarawan niya.

Inihanda ko ang sarili ko para sa isang makabuluhang bahagi ng buhay ko. Umasa akong magiging maganda ang kahihinatnan ng bawat eksena sa magiging palabas ko.

Sinabi ko sa sarili ko, "Wala nang urungan. Todo na to. To the max level."

TULOG NA PAG-ASA

Wasn't Enough #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon